27

1.8K 148 31
                                    

Nagstay lang ako rito sa office niya at pinanood siyang magvlog. Tingnan nga nating kung makapagfocus ang isang Regina Vanguardia kahit nandito ako.

“Start ka na, honey...” pang-asar na sabi ko.

Napanguso na naman siya na parang bata sa akin. Tawa ako nang tawa dahil kanina pa siya asar na asar sa akin. Ang sarap niya kaya na asarin.

“Iʼll just fix this,” sabi niya naman.

Sinandal ko ang ulo ko sa sofa pero sa kaniya pa rin ako nakatingin. Yakap ko ang unan na nasa sofa niya habang hinihintay siyang magvlog na. Comfortable position ang nadali ko ngayon.

“Kapag hinanap ako sa trabaho ko, sagot mo ako, Regina!” sabi ko sa kaniya.

Prenteng-prente kasi upo ko rito pero may trabaho talaga ako, e. Boss ko naman si Regina at siya rin naman nagsabing magstay muna ako rito.

“You know I always got your back, Honey. Just chill and watch me,” sagot niya naman.

Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. Okay, siya na nagsabi na siya ang bahala sa akin. Chill lang daw ako at panoorin ko siya.

“Start ka na?” tanong ko nang makita kong pumwesto na siya.

“Yes. Howʼs my look? Hindi ba ako mukhang ewan?” tarantang tanong niya pa.

Inaayos niya ngayon ang buhok niya. Natatawa ako dahil sobrang taranta talaga siya at conscious masyado kahit sobrang ganda naman niya.

“Ang ganda ganda mo. Magsimula ka na,” sagot ko naman.

Bahagya na naman siyang  nakanguso nang tingnan ako. Akala niya yata ay nagbibiro o nang-aasar ako sa kaniya na naman.

“Maganda ka naman talaga, Regina. Hindi mo na kailangang magtanong pa dahil ang ganda ganda mo,” sabi ko pa nang maniwala na siya.

“Okay, Narda. Iʼll start now.” Tinuon niya na ang atensyon sa harap ng iPad niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang seryoso naman siyang nakatingin sa iPad niya. Nagawi ang tingin niya sa akin at parang bata na naman siya ngayon.

“Hala! Ano na naman?” natatawang tanong ko sa kaniya.

Kanina pa siya pero hindi pa nakakapagsimula. Hindi ba makapagfocus dahil nandito ako?

“Bakit kasi ganiyan ka makatitig?” umuungot pang sabi niya. Baby talk ba ʼyon?

Hinigpitan ko ang yakap ko sa unan. “Ano ba dapat?” taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.

“Parang mangangain ʼyang tingin mo, Narda!” sabi niya. Mukhang napapadyak pa base sa paggalaw ng katawan niya.

“Masyado bang halata? Sorry naman,” pang-aasar ko pa rin.

Tawa ako nang tawa. Ang sarap sarap niya kasi talagang asarin sa totoo lang. Para siyang batang inagawan ng candy na handa nang umiyak. Ganoʼn ka-cute si Regina kapag napipikon na sa akin.

“Narda, umayos ka nga kasi!” Tumayo siya at nagpapadyak.

Tumangu-tango ako. “Oo na. Aayos na nga ako, sige na magstart ka na at huwag mo na lang pansinin mga tingin ko,” sabi ko habang pilit kinakalma ang sarili ko dahil natatawa pa rin ako.

Bumalik na siya sa upuan niya. Binigyan niya pa ako ng matalim na tingin. Wala sa sariling nadilaan ko ang gilid ng labi ko habang nakatitig sa kaniya. Nagsalubong ang kilay niya at mas sumama ang tingin sa akin.

“Nananadya ka, Narda!” todo ngusong sabi niya na sa akin.

“Wala akong ginagawa, Regina. Pinanonood lang kita,” depensa ko naman.

Binalik niya na ang tingin sa iPad niya. Tinakpan ko naman ang kalahati ng mukha ko gamit ang unan na yakap ko. Ang ganda ganda talaga ni Regina lalo na kung ganito ekspresyon ng mukha niya, para siyang pikon na pikon.

“Magandang umaga sa inyong lahat!” panimula niya na.

Tumahimik na ako at tumingin na lang sa kaniya. Mapang-asar ako sa kaniya pero kapag seryoso na ay seseryoso na rin ako. Naka-live siya at ayaw ko ring kung anong isipin ng mga nakanonood kapag narinig nila ako rito. Oras pa rin ng trabaho ko pero nandito ako sa office ni Regina.

“Ang daming kumakalat na krimen, may mga corrupt at ngayon naman ay may mga extras na!” sabi niya pa.

Bawat ekspresyon ng mukha niya ngayon ay nakikita ko. Sa itsura pa lang niya ay makikita na kung ano talaga ang gusto niyang iparating. Ang galing niyang vlogger at attorney sa totoo lang.

“Babaeng ahas? Panibagong extra na naman,” dagdag niya pa.

Naalala ko na naman ang babaeng ahas. Kakaiba talaga ang dulot na takot sa akin nung mga mata niya.

“Nakakatakot na ang mga nangyayari ngayon sa lungsod natin, pero alam ba ninyo ang mas nakakatakot?” tanong niya sa mga nanonood.

Mas lalong nakuha niya ang atensyon ko ngayon. Ang angas talaga ng expression niya.

“Wala pa ring ginagawa ang mga nasa pwesto!” Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil totoo naman kasi.

Ang daming nangyayari pero parang walang pakielam ang mga nasa pwesto.

“Mayor, ikaw nga... Wala ka man lang bang gagawin para sa mga nangyayari? Aba naman, Mayor! Buhay na ng mga tao sa lungsod mo ang nakasalalay rito. Hindi naman pwedeng puro na lang...” Pigil ang tawa ko nang magfinger heart siya sa harapan ng camera at ngumunguso pa. “Kung hindi mo kayang gawin ang tungkulin mo. Umalis ka na sa pwesto mo, Mayor.”

Mapang-asar talaga si Regina kay Mayor Zaldy. Hindi na ako magtataka kung ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa ay magkalaban. Palaging ginigisa ni Regina si Mayor sa mga vlog na ginagawa niya.

Nang matapos siyang magvlog ay sinara niya na ang iPad niya at tumayo para pumunta rito sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang maglakad ng mabagal na akala mo nang-aakit o sadyang ganoʼn lang siya maglakad.

“Eyes up, Narda. Huwag mong masyadong titigan ang katawan ko,” pang-asar na sabi niya sa akin.

Natawa ako at tinitigan ko na lang nga siya. Nilahad ko ang dalawang braso ko para salubungin siya ng yakap.

“Nagisa na naman si Mayor, a. Ikaw talaga, Regina! Baka sa susunod gantihan ka na niyan,” sabi ko sa kaniya.

Niyakap ko siya at ganoʼn din naman ang ginawa niya. Nakapatong sa balikat ko ang ulo niya habang yakap namin ang isaʼt-isa.

“As if I care. Totoo namang wala man lang siyang ginagawang kilos para sa lungsod niya.” Tinapik-tapik ko na lang ang braso niya.

“Huwag mong masyadong i-stress ang sarili mo kay Mayor. Hayaan mo na siya at ang isipin mo na lang ay ang mga taong kailangan mong tulungan,” sabi ko naman sa kaniya.

Hindi naman na siya kumibo pero naramdaman ko namang mas nilapit niya pa ang sarili niya sa akin.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon