Tulala lang ako pero tumigil naman na ako sa pag-iyak. May biglang nagdoor bell kaya agad akong napaayos. Sino ʼyon?
“Narda!” Agad akong yumakap sa kaniya.
Muli na naman akong naiyak. Nandito na si Narda, hindi na ako mag-isa. May karamay na ako dahil nandito na siya.
“Okay ka lang ba? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Narda...” Para akong bata na inaapi ng mga kalaro. Humihikbi at nakayakap pa rin ako sa kaniya.
Inalis niya ang yakap sa akin para matingnan ako. Anong oras na pero nagpunta pa rin siya rito para kumustahin ako. Nakauniform pa rin siya hanggang ngayon.
“Tumawag si Ali sa akin. Ang sabi niya ay galit ka raw sa kaniya kaya ako na lang ang pumunta rito para tingnan ang lagay mo,” sabi niya pa.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Paano kung malaman niyang ako si Valentina? Ano na lang ang mararamdaman niya?
“Halika nga muna. Hindi ka pa yata kumakain. Ipagluluto kita,” dagdag niya pa.
Inakay niya ako papunta sa dining. Tahimik lang akong pinanonood siyang galawin na ang mga gamit ko sa kusina. Nanonood lang ako sa kaniya habang naghahanda siya ng pagkain para sa akin.
“Ano bang nangyari?” tanong niya ulit.
Pinunasan ko ang pisngi kong may bahid pa ng luha. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hindi naman ako manggugulo sa ginagawa niya at manonood lang ako.
“You know I trust you, right?” tanong ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin. “Oo naman. May tiwala naman talaga tayo sa isaʼt-isa. Bakit?” takang tanong niya.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Ali broke my trust for him. Ayaw ko sa lahat ay ʼyung tinatraydor ako. Youʼre my girlfriend, Narda. I love you so much and ayaw kong magaya ka kay Ali,” seryosong sabi ko naman.
Sasabihin ko sa ʼyo ang sikreto ko, Narda. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kayang lumayo ka sa akin kapag nalaman mong ako ang babaeng kinatatakutan mo.
“Regina, hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo. Mahal kita at may tiwala tayo sa isaʼt-isa,” sabi niya naman.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Tumahimik na ako nang makapagfocus na siya sa ginagawa niya. This is just what I want. Ganitong buhay lang ang gusto ko, kaming dalawa ni Narda na magkasama at masaya. Ayaw kong masira kami nang dahil lang sa sikreto ko.
“Dahan-dahan lang, mainit pa ʼyan,” sabi niya sa akin.
Tapos na siyang magluto at hinanda na niya rin sa akin ang pagkain na nagawa niya. Alagang-alaga niya talaga ako.
“Narda, si babaeng ahas...” panimula ko. Napatitig naman siya sa akin.
Sabay kaming kumakain ngayon. Hinihintay niya ang sunod kong sasabihin kaya nakatitig pa rin siya sa akin.
“I dreamed about her, sa panaginip ko kasi ay kitang-kita ko ang itsura niya,” dagdag ko na.
I wanna see whatʼs her reaction. Para naman malaman ko rin kung anong dapat kong gawin kung sakali.
“Si Valentina... Nagpakilala na siya ʼdi ba?” tanong niya naman na tinanguan ko na lang.
“Her face is so clear in my dream. Narda, sa panaginip ko ay ako ang babaeng ahas...” Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ko.
Natigilan si Narda at napatitig sa akin. Ilang beses akong napalunok at ang tibok ng puso ko ay hindi ko na kaya sa bilis.
“Regina, hindi totoo ʼyon.” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin.
“Pero malinaw na malinaw siya sa panaginip ko, Narda. Ako ang babaeng ahas...” mahinang dagdag ko pa.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napatitig ako sa kaniya at hindi ko alam kung nakikita niya ba ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
“Paano ako maniniwala na ikaw ang babaeng ahas? Sobrang laki ng pagkakaiba ninyong dalawa, Regina. Ang mga mata mo, iyan ang paborito ko. Sobrang ganda ng mga mata mo na para bang nangungusap palagi. Kumakalma ako kapag nakatitig ako sa mga matang ʼyan,” malambing niya namang sabi.
Napayuko ako nang maramdaman kong magsimula na namang tumulo ang luha ko. Narda, paano na lang kung sabihin kong totoo ang lahat ng ito?
“Iyang buhok mo... Sobrang ganda, honey. Ang buhok ni Valentina ay mga ahas. Ang mga mata niya ay sobrang nakakatakot pero ikaw... Ibang-iba ka sa kaniya. Kaya huwag mong masyadong isipin ang panaginip mo dahil baka masyado ka lang naaapektuhan sa mga nangyayari. Baka natatakot ka lang din sa kaniya kaya kahit sa panaginip ay nakikita mo siya,” mahabang sabi niya pa.
Naramdaman ko ang pagtayo at paglapit niya sa akin. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang yakap niya.
“Narda...”
Gusto kong sabihin sa kaniya na ako nga si Valentina. Gusto ko nang sabihin dahil pakiramdam ko ay tatanggapin niya naman ako.
“Ang babaeng ahas... Kailangan na siyang mahuli agad. Ang dami na niyang napatay at mas marami pa siyang mapapatay kung hindi siya mahuhuli agad. Sobrang nakakatakot siya na kahit ako ay hindi ko rin mapigilang matakot sa tuwing naaalala ko ang mga mata niya,” sabi niya pa.
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsasalita sana. Mali ako... Hindi ako matatanggap ni Narda kapag nalaman niya ang totoo.
Pero magkaiba kami ni Valentina. Nasa loob lang siya ng katawan ko kaya may kakayahan pa rin akong pigilan siyang lumabas.
“Sisiguraduhin kong hindi na siya makakapatay pa ulit,” nasabi ko na lang.
Kumalas si Narda sa akin. Bahagya siyang yumuko para magtapat ang mukha naming dalawa. Hinawakan niya ako sa pisngi at ngumiti siya sa akin.
“Masyado kang stress dahil sa work mo at sa mga nangyayari. Deserve mo rin ang pahinga. Gusto mo bang dito na lang ako matulog? Tapos bukas ay magdate tayong dalawa?” Nakangiting tanong niya sa akin.
Naging malamlam ang tingin ko sa kaniya. Sa tono niya at sa ngiting nakikita ko sa kaniya ngayon ay kumakalma ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko.
“Yes. I guess I need to unwind. Masyado nga lang siguro akong stress,” sang-ayon ko.
Dinampian niya ng halik ang labi ko at umayos na ng tayo pagkatapos. Pinanood ko siyang bumalik sa pwesto niya at muling ngumiti sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa.
Siguro kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Sa panahong masabi ko man sa ʼyo kung sino talaga ako, siguro iyon din ang panahon na matatapos kung anong meron tayo, Narda.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...