64

1K 83 31
                                    

We decided to watch some movie. Kumuha na rin kami ng snacks para may kinakain naman kami habang nanonood. Si Narda sana gusto kong kainin kaso mukhang hindi niya pa trip ngayon.

“Kuha lang akong water,” sabi niya.

Unayos ako ng upo habang nanonood pa rin ng movie. Ilang minuto lang naman ay naramdaman ko na ang pagbalik ni Narda.

“Wine for you, Honey...” pang-asar niyang sabi sa akin.

Nagsasalin na siya ngayon ng wine. Napatingin ako sa suot niya dahil nakikita ang dibdib niya sa ginawa niyang pagyuko. Kung kanina ay sa TV ako nakatingin, ngayon ay sa ibang bagay na.

“Nananadya ka ba?” tanong ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at takang tumingin sa akin. Nakatingala ako sa kaniya ngayon.

“Huh? Nagsalin lang ako ng wine para sa ʼyo,” painosenteng sabi niya pa sa akin.

Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Halata namang nananadya talaga siya ngayon, e. Nilapag niya ang wine at tumabi sa akin. Pigil pa niya ang ngisi niya. Mukhang trip niya ako ngayon.

“Huwag mo akong subukan, Narda. Baka mapagod ka,” banta ko sa kaniya nang mabalik na ang tingin ko sa TV.

“Oh? Wala naman akong ginagawa sa ʼyo, Regina.” Pati ang tono niya ay halatang nang-aasar.

Sige lang, Narda. Pagbibigyan kita sa trip mo ngayon.

“Pwes ako ang may gagawin sa ʼyo kapag hindi ka umayos,” nagbabantang sabi ko pa ulit.

Naramdaman ko sa hita ko ang kamay niya. Dahan-dahan niyang hinahaplos iyon.

“Matatakot na ba ako?” pang-asar pa ring tanong niya sa akin habang patuloy sa ginagawang paghaplos sa hita ko.

Nabubuhayan ako dahil sa ginagawa niya. Umayos ka, Narda! Baka hindi ako makapagpigil at masunggaban kita bigla.

Nakatuon ang atensyon namin sa palabas. Ilang minuto pa ay may pinalabas na dalawang babae na naghahalikan. Uminit ang pakiramdam ko dahil doon.

“Uhm...” Napabaling ako kay Narda nang marinig ko siya.

Nagsalin siya ng wine at mabilis na ininom iyon. I know hindi lang ako ang nakaramdam ng kakaiba.

“Narda...” mahinang tawag ko sa kaniya.

Inalis niya na ang kamay na nasa hita ko at muling nagsalin ng wine. Ginagawa niyang tubig iyon dahil sunud-sunod ang nagiging pag-inom niya.

“Narda, baka malasing ka.” Hindi pa naman siya sanay uminom. Mabilis lang siyang malalasing dahil sa ginawa niya.

“Wala akong regalo sa ʼyo ngayon,” nakangusong sabi niya habang mapupungay na ang mga mata. Lasing na nga siya.

“Itʼs okay, Narda. Youʼre enough for me. Kahit wala kang regalo basta kasama kita,” malambing namang sabi ko.

All I want is her.

“Alam mo bang mahal kita?” tanong niya habang nakatitig sa akin.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa tinanong niya. Is she really drunk?

“Oo naman. And you know I love you, too. Lasing ka na yata, Narda.”

Hinawakan ko siya sa pisngi. Bahagyang pumipikit ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin at muling pumungay ang mga mata.

Umiling siya at bahagyang pumikit. “Pwede bang sarili ko na lang iregalo ko? You can do anything you want, honey. Ngayong gabi ay bahala kang gawin lahat ng gusto mong gawin sa akin.”

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon