51

1.4K 92 17
                                    

Ang ganda ng gising ko. Ang lambot ng kama at ang sarap matulog. Nagising lang ako dahil sa init na nararamdaman ko sa gawing braso ko.

Nasa kwarto nga pala ako ni Regina.

“Breakfast in bed, honey...” rinig kong sabi niya.

Napabangon ako nang marinig ko siya. May bitbit siyang isang tray na puro pagkain. Malawak ang ngiti niya sa akin habang palapit siya ngayon.

Napatingin naman ako sa suot ko ngayon. Isang malaking t-shirt lang ʼyon at undergarments sa loob. Wala akong suot na shorts pero natatakpan pa rin ako ng kumot.

“Ang sweet naman ng girlfriend ko. Pambawi ba ʼto dahil sa ginawa mo sa akin kagabi?” taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.

Natawa siya at tumango. “Masyado kang napagod, e. So nagluto ako para sa ʼyo. Tikman mo na!”

Uminom muna ako ng tubig at tinikman na ang luto niya. Ang dami nito kaya sinusubuan ko na rin siya ngayon.

“Thatʼs all for you, Narda. Huwag mo na akong isalo,” sabi niya kahit na ngumanganga pa rin naman kapag binibigyan ko.

“Share tayo,” sagot ko naman.

Ang breakfast namin ay umabot ng isang oras yata. May harutan pa rin kasing kasama. Hindi na mawawala iyon dahil magkasama na naman kaming dalawa.

“Anyways, uuwi ka na ba agad?” tanong niya.

Nagliligpit na siya ngayon ng mga ginamit namin. Nanonood lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ʼyon.

Nakasuot siya ng silk sando and short. May robe ʼyon pero hindi niya na sinuot. Ang mahaba niyang buhok ay nakatali ngayon kaya kitang-kita ko ang likod at ang batok niya ngayon. Pwede bang araw-araw kong makita ang ganito? Dito na lang kaya ako tumira sa kaniya?

“Maligo ka na, Narda. Baka hinahanap ka na ni Lola and Ding,” sabi niya.

Napabuga ako ng isang malalim na hininga. Hindi ako makapagconcentrate dahil sa babaeng nakikita ko ngayon. Sobrang sexy naman kasi ng girlfriend ko.

“Sabay na lang tayo para makatipid ka sa tubig,” pang-asar na sabi ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at sinandal ang sarili sa lababo. Ngayon ay kitang-kita ko naman ang hubog ng katawan niya sa harapan. Ang kinis talaga niya.

“Hindi lang ligo ang mangyayari sa atin kung sasabay ako sa ʼyo,” nakataas ang isang kilay niyang sabi.

Napaangat naman ang gilid ng labi ko. “Baka naman pwedeng ako naman ngayon? Babawian lang din sana kita sa ginawa mo sa akin kagabi,” sabi ko sa kaniya.

Umiling siya. “No, honey. May gagawin ka pa sa inyo for sure,” sabi niya naman.

Dahan-dahan ang naging paglakad niya kaya naman nakatuon ang paningin ko sa katawan niya.

Bakit ang simpleng lakad lang ay iba ang epekto sa akin? Bakit para siyang isang model at hindi maalis ang tingin ko sa kaniya?

“Mukhang kailangan ko nang maligo,” sabi ko at mabilis na tumayo bago pa siya makalapit nang tuluyan sa akin.

Palaging activated ang sarili ko kapag si Regina ang kasama ko. Para akong isang baga at si Regina ang apoy. Magsisiklab kapag nagsama kaming dalawa.

“Huwag kang magsasarili, a!” sigaw niya at sinabayan pa nga ng tawa.

Ang loko rin talaga niya, e. Naiiling na natatawa na lang tuloy ako sa kaniya.

Hinatid ako ni Regina, hindi na siya bumaba pa para pumunta sa amin dahil next time na lang daw at may gagawin pa siya sa office niya.

“Kumusta naman ang date ninyo?” tanong ni Ding sa akin nang makapasok ako.

“Okay naman. Masaya kaming dalawa,” sagot ko.

Nilapag ko lang sa sofa ang dala kong bag at tumulong na ako kay Lola para sa pagbubuhat ng mga halaman niya at sa pagdidilig na rin.

“Natutuwa talaga ako sa inyo ni Regina. Kitang-kita ko na mahal talaga ninyo ang isaʼt-isa,” sabi ni Lola sa akin.

“Opo, Lola. Hindi naman mahirap mahalin si Regina. At kahit naman anong sabihin ng ibang tao sa amin kapag nakikita nila kami ni Regina ay hindi naman na namin pinapansin pa,” sabi ko naman.

Ngumiti si Lola sa akin. Muli kong binuhat ang isang paso ng halaman ni Lola para ilipat iyon.

“Hindi naman mahalaga ang opinyon ng ibang tao. Ang mahalaga ay ang kaligayahan ninyong pareho,” sabi niya pa.

Tumango ako at ngumiti kay Lola. Sobrang swerte ko naman na mayroon akong Lola na sobrang bait at understanding. Tanggap lahat lahat sa amin.

“Limang buwan na kami ni Regina pero hindi ko pa rin nakikilala ang Daddy niya,” bigla ay nasabi ko nang pumasok iyon sa isip ko.

Hindi naman ako nagmamadali. Alam ko namang may gustong patunayan si Regina sa Daddy niya. At base sa mga nalaman ko sa Daddy niya ay mukhang hindi kami matatanggap nito.

“Baka naman busy ang Daddy ni Regina kaya hindi niya magawang ipakilala sa ʼyo,” sagot ni Lola sa akin.

Tumango na lang ako bilang sang-ayon. Kagaya naman ng sabi ni Lola ay hindi mahalaga ang opinyon ng iba. Pero Daddy ni Regina iyon, kailangan pa rin naming malaman kung payag ba ʼto sa relasyon namin ni Regina.

“Ate, tingnan mo ʼtong nasa facegram,” sabi ni Ding.

Agad siyang lumapit sa akin at pinakita ang mga nangyayari ngayon. Laganap pa rin talaga ang krimen at ang mga extra. Hindi pa rin natatapos ang mga ito.

“Si Babaeng ahas, kailan kaya ulit siya magpapakita?” tanong ni Ding.

Napatitig ako sa kaniya. Ang babaeng ahas ang pumapatay sa mga kriminal kaya siya ang tinatangkilik ng mga tao. Si Darna naman ay layuning mahuli ang mga kriminal at extra nang sa ganoʼn ay makulong ang mga ito at magbagong buhay.

“Kailangan kong umalis muna,” paalam ko sa kanila.

Kailangan kong maglibot nang masigurong maayos ang lahat. Walang pinipiling oras ang mga extra lalo na ang babaeng ahas. Kailangan ko silang pigilan.

“DARNA!”

Tungkulin kong protektahan ang mga tao. Kagaya ng ginawa ni Nanay noon kahit na buhay niya pa ang naging kapalit nito. Hindi ko sasayangin ang pagkawala ni Nanay.

“Si Darna!” rinig kong sabi ng mga tao nang madaanan ko sila.

May bago na namang extra sa isang barangay rito sa Nueva Esperanza. Isang lalaking kayang palobohin ang sarili.

“Darna, tulungan mo kami!” sabi ng mga tao.

Iyon naman talaga ang tungkulin ko. Ang tumulong hanggaʼt kaya ko. Dahil ang pinakamalaking kasalanan ay may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon