33

1.5K 128 31
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at naging routine ko na ang pagpunta sa office ni Regina. Ngayon naman ay nakagayak na ako at handa nang pumasok pero napadaan muna ako kila Mara. Usap-usapan kasi ang pahayag ni Mayor na bumuo raw siya ng task force para sa paghuli sa mga extra at si Bryan ang head noʼn.

“Ang tapang talaga ng bebe mo, Bestie. Biruin mo siya lang yata ang nag-volunteer sa paghuli sa mga extra. Walang inaatrasan!” kinikilig na sabi ni Mara.

Nanonood ako ngayon ng TV kung saan sinasabi nga ni Mayor ang tungkol dito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa katapangan ni Bryan o mag-aalala dahil nga extra ang balak niyang hulihin.

Nabanggit din ni Mayor na kasama ni Bryan si Darna para malutas ang mga nangyayari sa lungsod ng Nueva Esperanza.

“Mauna na ako,” paalam ko na sa kanila.

“Sige, ingat ka!” bilin naman nila sa akin.

Tumango na lang ako at kumaway na sa kanila. Hindi mawala sa isip ko ang balak ni Bryan. Hindi niya kakayanin ang mga extra, lalo na si Killer ghost dahil mailap ʼyon at baka mapahamak siya.

Ano ba namang pinasok mo, Bryan? Wala ka namang super powers pero ang lakas ng loob mong sumabak sa ganito.

“Tawag ka ni Maʼam Regina,” bungad ng isa sa mga kasamahan ko.

Kararating ko lang at pinapatawag na raw agad ako. Binaba ko lang ang bag ko at binitbit ang mga folder na ipapasa ko sa kaniya. Mga tungkol sa foundation niya ang mga inayos kong ʼyon.

“Ang aga namang umiinom,” bungad ko sa kaniya.

Nakabukas ang TV niya at pinanonood ang balita tungkol kay Mayor at kay Bryan.

“You know what, Narda? Hindi dapat nagpapauto si Bryan sa Mayor na ʼyan,” sabi niya naman.

Nilapag niya ang basong hawak at muling tumingin sa TV. Parang anytime nga ay pwede niya nang balibagin iyon sa sobrang inis niya. Ang laki talaga ng galit nito kapag si Mayor na ang nakikita niya.

“Okay naman ang task force na nabuo, Regina. Dapat lang naman talagang may gawin ang mga pulis para sa bayan natin ʼdi ba?” mahinahong sabi ko naman.

Umiling siya. “Hindi. Ginagamit lang ni Mayor si Bryan para bumango ang pangalan niya. Canʼt you see that, Narda? Nagpapauto si Bryan diyan sa Mayor Zaldy na ʼyan!” tumaas ang tono niya.

“Para naman sa lungsod natin ang ginagawa nila, wala akong nakikitang mali roʼn, Regina.”

Napahawak siya sa ulo niya at napapikit. Hindi na ako kumibo matapos kong sabihin ʼyon.

“Hindi dapat kayo nagpapauto sa Mayor na ʼyon. Hindi dapat kayo nagpapagamit sa kaniya. Ikaw, Narda, hindi ka dapat sumasang-ayon sa kaniya dahil puro pang sarili lang niya ang iniisip niya!” Tuluyan na ngang tumaas ang tono niya sa akin.

Napatitig lang ako sa kaniya at mahigpit na napahawak sa folder na hawak ko. Hindi ko na rin natagalan at nagpaalam n ako sa kaniya.

“Balik na muna ako sa trabaho ko,” iyon lang ang sinabi ko at tumayo na para umalis.

Nang makalabas na ako sa office niya ay nagdalawang isip pa ako kung babalik ba ako o hayaan na lang siya muna dahil mainit pa ang ulo niya.

“Kausapin ko kaya siya?” natanong ko na lang sa sarili ko. “Huwag na lang muna,” nasabi ko na lang ulit at mabilis na akong bumalik sa trabaho ko.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay tumunog naman ang phone ko. Tumatawag si Bryan sa akin pero ang alam niya ay si Darna ang nakakausap niya sa call.

“Hello, Bryan?” bahagya kong pinababa ang boses ko kagaya nang boses ni Darna.

[“Hello, Darna. Sinusundan ako ni Alex. Siya ʼyung extra at hindi ko pinapahalata sa kaniya na alam kong sinusundan niya ako. Dadalhin ko siya sa isang bakanteng bahay at doon ko siya huhulihin,”] sabi niya.

Sinabi niya sa akin kung saan iyon kaya naman agad akong tumayo para magpunta sa cr at magtransform bilang Darna. Kailangang mahuli na si Alex o killer ghost para matapos na ʼto.

Kailangan kong makapunta agad dahil masyadong delikado si Alex. Baka kung anong mangyari kay Bryan kapag nagtagal pa ako. Hindi ko mahanap agad ang sinasabi niyang lugar at mas lalo akong nakararamdam ng kaba dahil doon.

“Bryan!” malakas na sabi ko nang makita ko siyang nakahiga at may tama ng injection galing kay Killer ghost.

Nabaril ni Bryan si Killer ghost at tinangka pa nitong tumagos pa ulit sa pader pero na tuluyan na siyang mamatay. Kalahati ng katawan niya ay nakatagos sa pader at mahihirapan siyang kunin dahil dito.

“Bryan!” Agad kong kinuha si Bryan para ilipad papunta sa Ospital. Malala ang epekto ng gamot na tinuturok at pwede niyang ikamatay iyon.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para madala agad siya sa Ospital. Sana lang ay maayos siya. Mabilis din naman akong umalis dahil pinagkakaguluhan na ako ng mga tao.

Bumalik ako sa office kahit na malapit nang maggabi. Kailangan kong makausap si Regina at ayusin ang tampuhan namin kanina.

“Si Narda...” Narinig kong sabi niya nang pumasok ako sa office niya.

“Tigilan mo na ang pag-inom, Regina. Magpahinga ka na,” sabi ni Ali.

“Napagtaasan ko siya ng boses kanina, Ali. Galit sa akin si Narda...” parang maiiyak pang sabi niya.

Nakaalalay si Ali sa kaniya at pilit inilalayo si Regina sa bote ng alak.

“Hindi siya magagalit sa ʼyo. Tama na ang inom, Regina. Halika na at magpahinga ka na,” muling sabi ni Ali.

“Teka lang ʼyung wine,” sabi pa ni Regina kahit na natutumba na siya sa kalasingan.

Napabuntong hininga na lang ako at lumapit na rin sa kaniya. Kaibigan ko si Bryan at nasa Ospital siya ngayon, girlfriend ko si Regina at lasing ito ngayon. Priority first, nasabihan ko naman na ang mga kakilala ni Bryan at pupunta na sila sa Ospital para damayan si Bryan.

“Ako nang bahala, Ali. Magpahinga ka na,” sabi ko kay Ali nang maihatid namin si Regina sa kwarto nito.

“Sige, Narda. Maiwan ko na kayo,” paalam ni Ali.

Inayos ko ang buhok ni Regina na tumatakip ngayon sa mukha niya. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na niya nagawang ayusin ang sarili niya. Tumayo ako at inalis ang sandals na suot niya saka inayos ang paa niya para makatulog siya nang maayos.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon