32

1.5K 122 21
                                    

Tawa lang kami nang tawa dahil sa mga random na pinag-uusapan namin. Natigil lang nung may lumapit sa amin na kakilala yata ni Regina.

“Hello, Regina!” bati nito at tumingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya.

“Hi!” bati pabalik ni Regina.

Isa yata ito sa naipanalong kaso ni Regina. Hindi naman na ako nakisali pa sa usapan nila at hindi rin naman tumagal ang usapan na ʼyon.

“Letʼs go, honey? May trabaho pa tayong dalawa,” pag-aaya niya na.

Inayos muna namin ang mga ginamit namin bago kami umalis. Kagaya ng ginawa ko kanina ay hinawakan ko ulit siya sa bewang para makatawid kaming dalawa. Nang makarating na sa building namin ay binitawan ko naman na siya.

“Bryan!” malakas na sabi ni Regina nang makita si Bryan.

Nandito pa pala siya. Akala ko ay umalis na siya kanina, e.

“Regina! Narda! Saan kayo galing?” tanong niya sa amin.

Humarap sa akin si Regina na may malawak na ngiti. Anong ngini-ngiti ngiti ng isang ʼto? Donʼt tell me may gusto siya kay Bryan kaya ganito na lang siyang makareact?

“Nagpasama magbreakfast si Regina,” sagot ko naman at alangan na ngumiti.

“Ikaw, Bryan? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Regina.

Napabaling naman si Bryan sa likuran kung saan siya galing. “Kinausap si Doc Mandy,” sagot niya.

Tahimik lang ako sa isang tabi. Sila ni Regina ang nag-usap at hindi ko na inalam kung anong pinag-uusapan nila.

Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako pero tinawag naman ako ni Bryan at sinabing may babalikan pa siya. Sabay na kaming naglakad papunta sa office namin.

“Bryan, akala ko nakaalis ka na,” sabi ni Doc Mandy nang makasalubong namin siya.

Si Regina ay dumiretso na sa office niya at hindi na kami nagkausap pa. Baka pumunta na lang ako mamaya sa kaniya after ng work ko or kapag lunch time na.

“May kukunin pa ako, nakalimutan ko lang kanina,” sagot naman ni Bryan.

“Ah siya nga pala,” sabi ni Doc Mandy at tumingin sa kasama niya. “Si Alex. Anak nung kaibigan ko,” pakilala niya rito.

Ito ʼyung anak nung isang sikat na doctor na nagpakamatay dahil sa mga taong nagsalita nang kung anu-ano sa kaniya noon dahil nakapatay siya ng isang pasyente dahil sa operasyon.

Nakipagkamay kami sa kaniya. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya. May kung ano akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kaya agad ko ring iniwas ang sarili ko sa kaniya.

“Mauna na kami sa inyo,” paalam ni Doc Mandy.

Gusto ko sanang sabihin kay Bryan kung anong napansin ko pero hindi ko na binanggit pa. Baka mali lang ang pakiramdam ko. Baka nagkataon lang siguro.

“Bryan, anong nangyari kila Doc Ava?” tanong ko. Narinig ko rin kasi na hindi naman yata talaga suicide ang nangyari, e.

“Narda, ito sasabihin ko lang sa ʼyo kasi narinig mo naman na ang naging usapan namin ni Doc Mandy. Pero last na ʼto, huwag mo na ulit isasali ang sarili mo sa mga ganitong sitwasyon,” sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako. Kung alam mo lang na ako si Darna, baka lahat ng impormasyong nasasagap mo ay ibigay mo sa akin kahit hindi ko kailanganin.

“Inimbistigahan ko ang nangyaring pagpatay kay Jerusalem at may napansin akong isang bagay na sigurado akong ginamit ng suspect para mapatay sila,” simula niya.

May hawak siyang papel at nakatingin na siya roʼn kaya naman lumapit ako at tiningnan din iyon. Results yata kay Doc Ava at Mr. Jerusalem ang hawak niya.

“Parehong-pareho ang resulta. May gamot na itinurok kay Jerusalem at iyon ang nakita ko sa office niya, isang injection na may kaunti pang laman. Ginagamit ng extra ʼyon para patayin ang mga bibiktimahin niya,” paliwanag niya pa.

Tama nga siya, walang ni isang pinagkaiba man sa nakalagay sa resulta. Hindi ko alam kung anong klase ng mga gamot iyon pero kagaya nga ng sabi ni Bryan ay nakamamatay iyon kapag dumaloy na sa katawan ng biktima.

Killer ghost ang pinangalan sa lalaking extra na pumapatay ngayon. Kaya niyang tumagos sa pader gamit lamang ang mga kamay niya. Idinidikit niya lang iyon at tatagos na siya pagkatapos. Minsan ay naglalaho at hindi alam kung saan ang sunod na lalabasan niya. Mahirap siyang kalabanin kung ganito siya ka-ilap.

“Sige, Bryan. Babalik na ako sa trabaho ko. Kapag may balita ka na sa killer ghost ay sabihan mo ako,” sabi ko sa kaniya.

Parang nauubos naman ang pasensya niyang tumitig sa akin. Alanganin akong ngumiti. Sabi ko nga ay hindi na ako pwedeng sumali sa ganito. Si Darna na lang ang sasali kung ganoʼn.

“Kaya ko na ʼto, Narda. Kasama ko si Darna sa paglutas nito kaya huwag ka nang mag-abala pa at kami na ang bahala,” sagot niya.

Napakibit balikat na lang ako at tinapik siya sa braso para magpaalam nang babalik sa trabaho ko.

Inasar naman ako nila Andre dahil napapadalas daw na nakikita nila kaming magkasama at magkausap ni Bryan. Mas madalas nga kaming magkasama ni Regina pero hindi naman naging bigdeal sa kanila.

“Tumigil nga kayo, bumalik na kayo sa mga ginagawa ninyo,” saway ko sa kanila.

“Yiiiieee! May something ba sa inyo ni PO2 Robles?” tanong ni Andre sa nang-aasar na tono.

Agad nag-iba ang itsura ko dahil sa sinabi niya. Ako may something kay Robles? Ang cringe gagi.

“Wala! Hindi kami talo noʼn,” sagot ko at tinuon na ang atensyon sa harapan ng computer ko.

“Talaga lang, Narda?” pang-asar pa rin nila sa akin.

Naiiling na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Hindi naman kasi talaga kami talo ni Bryan dahil hindi naman siya ang gusto ko. Si Regina ang gusto ko at walang may alam noʼn kundi kami lang ni Regina.

Mas okay nang ganito na lang nga, e. Kami lang dalawa ang may alam sa kung anong meron kami. Lowkey lang at nagagawa kung anong gustong gawin na walang nasasabi ang ibang tao.

Napangiti na kang ako nang maalala ko ang masayang mukha ni Regina kapag magkasama kami. Mamaya naman ay makikita ko ulit siya, sa ngayon ay magtatrabaho muna ako para mabilis matapos at makaharot na ulit ako sa kaniya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon