11

1.7K 139 145
                                    

Pinagtitinginan pa kami ng iba kong kasamahan dahil kasama ko lang naman ang boss namin.

“Saan kayo?” tanong ni Dr. Mandy nang makasalubong namin siya.

“Kakain lang kami ni Narda, may gagawin ba kayo?” tanong naman ni Regina.

Ngumiti at umiling sa amin si Dr. Mandy. “Wala naman. Bukas pa ang meeting and demonstration namin kasama si Doctor Ava,” sagot niya kay Regina.

“Thatʼs good! Mauna na kami, Doc Mandy. Nagugutom na kasi si Narda,” sabi pa ni Regina kaya bahagya akong napayuko dahil sa hiya ko.

“Sure. Enjoy your meal together,” sabi pa ni Doc Mandy.

Inakay na ulit ako ni Regina paalis. Naririnig ko pa ang bulungan ng iba kong kasamahan pero hindi ko na pinansin pa. Hindi ko rin alam kung narinig ba iyon ni Regina o hindi.

“Saan tayo kakain, Maʼam?” tanong ko.

Napabaling siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Saka ko lang napagtanto kung bakit niya iyon ginawa kaya inulit ko ang sinabi ko.

“Saan tayo kakain, Regina?” alanganin ang ngiti ko sa kaniya matapos magtanong.

Ngumiti rin siya sa akin at inayos ang buhok niya gamit ang isang kamay dahil nasa braso ko pa rin ang isa niyang kamay.

“Kahit saan. Hindi naman ako maarte, Narda. Kahit sa karinderya ay pwede akong kumain,” sagot niya naman.

Napangiti ako sa sinabi niyang ʼyon. Mas lalo lang yata akong humanga sa kaniya. Kung titingnan lang kasi talaga si Regina physically, masasabing hindi siya ʼyung tipo ng tao na kakain sa ganoʼn, hindi siya bagay sa ganoʼng lugar dahil sa porma pa lang niya ay pinagsisigawan na kung gaano karangya ang buhay niya.

Kung mas kikilalanin pala si Regina ay mas maraming malalaman sa kaniya na ikagugulat pa ng mga makakaalam. Sobrang bait niya at sobrang ganda ng ugali niya.

“Narda!” Nagulat naman ako sa malakas niyang tawag sa akin.

Nag-aalala ang tingin niya sa akin ngayon dahil kunot na kunot ang kilay niya at bakas naman din sa mata niya ang emosyong nilalabas niya.

“Yes?” takang tanong ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mata ko sa gulat.

“Okay ka lang ba? Natulala ka kasi at ilang beses kitang tinawag pero hindi ka natinag,” sagot niya.

Napalunok ako at napakurap ng ilang beses. Tumango ako kaya naman inalis niya na ang kamay niya sa pisngi ko. Alangan na naman akong natawa sa kaniya.

Ano ba ʼtong nangyayari sa akin? Bakit ba ganito na lang ako kung maka-react sa mga kilos ni Regina?

“Okay lang ako, Regina. Pasensya na may naalala lang ako,” sagot ko sa kaniya.

Muli na naman siyang umangkala sa akin pero ngayon ay dalawang kamay niya na ang nakakapit sa braso ko.

“Tara na, gutom lang ʼyan. Dito na lang tayo kumain, mukhang masarap ang mga pagkain dito,” sabi niya nang may makitang karinderya nga.

“Sure ka bang okay ka lang kumain dito?” tanong ko at bumaling na sa kaniya.

Baka kasi napipilitan lang siya at hindi talaga siya sanay sa ganitong kainan. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao dahil halata ngang mayaman siya at hindi bagay sa ganitong lugar.

“Ano ka ba, Narda!” natatawang sabi niya. “Of course okay lang ako rito. Tara na para makakain na tayo,” pag-aaya niya na.

Kumalas lang siya sa akin nang makarating kami sa isang lamesa na pangdalawang tao lang dahil dalawang upuan lang ang mayroon doon.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatingin naman siya sa menu na naabutan namin dito sa lamesa.

“Ikaw...” Mabilis siyang napatingin sa akin nang magsalita ako. “I mean, ikaw ba anong gusto mong kainin?” tanong ko sa maayos na paraan.

“Ikaw... Ikaw muna, kung anong sa ʼyo ay ganoʼn din sa akin,” sagot niya naman.

Natawa na lang ako dahil para kaming mga bata sa sinabi niya na kung anong gusto ko ay iyon na lang din ang sa kaniya.

“Hindi ko pa kasi na-try kumain dito, e. Hindi ko alam kung anong masarap,” sagot ko sa kaniya.

“Ako...” Napaangat na naman ang tingin ko sa kaniya. “Ako na-try ko na. The best ʼyung tapsilog nila rito, e. Pati ʼyung sisig nila ang sarap!” sagot niya naman habang malawak ang ngiti sa akin.

Napangiti na rin ako at tumango. “Okay! Tapsilog ang kainin natin ngayong umaga,” sabi ko naman.

Naglabas ako ng wallet ko para sana kumuha ng pera pero pinigilan niya ako. Taka ko siyang tiningnan.

“Ako na. Sagot ko na ʼto, Narda. Dito ka lang, ako na rin ang bahalang umorder ng pagkain natin,” sabi niya at tumayo na nga agad.

Laglag ang panga kong nakatingin sa kaniya habang papunta siya sa tindera. Ngayon ko lang din napansin na ang sexy niya pala. Palagi kasing mukha niya lang ang tinitingnan ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko napansin ang hubog ng katawan niya.

Natampal ko na lang ang sarili ko at pumikit nang mariin. Ano na bang nangyayari sa akin? Ngayon lang ako naging ganito sa isang babae. Ngayon lang ako namuri ng ganito.

“Oh? Sabi ko ako na ang bahala, e!” nakangusong sabi niya pa sa akin nang makita niya akong nasa tabi niya na.

Bahagya akong natawa. “Tutulungan na kita. Nilibre mo na nga ako tapos hahayaan ko pa bang ikaw lang ang magdadala,” sagot ko naman.

Hinihintay na lang namin dahil iniluluto pa iyon. Saglit lang naman daw ʼyong lutuin sabi nung tindera kaya naman nandito kami at naghihintay na lang.

“Kapag natikman mo ang tapsilog nila, sigurado akong babalik-balikan mo ʼto,” sabi niya pa sa akin.

“Anong paborito mong pagkain, Regina?” tanong ko bigla.

Marunong akong magluto dahil tinuruan ako ni Nanay noon. At patuloy na natututo dahil kay Lola, nanonood ako sa kaniya magluto kaya nahiligan ko na rin tuloy magluto.

“Marami akong gustong pagkain, e. Pero if Filipino dishes, adobo na maanghang ang the best para sa akin, ʼyung adobo na walang sabaw,” sagot niya.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Parehas kasi kami ng paborito. Adobo na walang sabaw tapos maanghang.

“Sige. Ipagluluto kita niyan kapag may time,” mahinang sabi ko naman.

“Talaga?! Omg! Iʼm so excited na, Narda!”

Halata nga sa boses niyang na-e-excite siya at pati na rin sa kilos niya dahil nakahawak na naman ang dalawang kamay niya sa braso ko ngayon. Nangiti na lang ako sa kaniya. Seeing her smile makes me smile, too. Ang ganda ganda niya sa tuwing nakangiti siya.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon