Pumunta na ako sa pwesto ko. Wala pa naman kaming gagawin ngayon pero mamayang after lunch siguro ay may meeting ang mga EMT.
“Narda, pasuyo naman nito kay Maʼam Regina. Salamat!” sabi sa akin ng isang kasamahan ko.
Agad kong kinuha ang isang folder na dadalhin daw kay Regina. Mabilis din akong pumunta sa office nito para maibigay ko na ang folder. Kumatok muna ako bago pumasok.
“Good morning, Maʼam!” nakangiting bati ko sa kaniya.
Naabutan ko siyang nakatayo at may hawak na isang baso na may wine. Tipid siyang ngumiti sa akin kaya lumapit na ako.
“Good morning, Narda!” bati niya pabalik.
Napatingin ako sa wine niya. “Ang aga mo namang umiinom. Nagbreakfast ka na ba?” tanong ko at alanganing ngumiti sa kaniya.
Napabaling ang tingin niya sa wine na hawak at nilapag iyon sa table niya.
“Sorry ʼbout that. Ganito lang talaga ako kapag maraming iniisip,” sagot niya naman.
Napatango na lang ako. “Pinapabigay po pala sa inyo. Nakisuyo lang sa akin ang isang kasamahan ko,” sambit ko at inabot na sa kaniya ang folder.
“Okay. Thank you, Narda!” Kinuha niya ang folder at agad binuksan.
Hindi pa ako umaalis dahil baka may kailangan pa siyang sabihin tungkol doon sa folder o baka may i-uutos siya sa akin.
“Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin na bahagya kong kinagulat.
“Uhm... Opo, Maʼam! Hindi kasi pwedeng hindi kakain bago umalis,” sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya.
“Oh? Magagalit ang Nanay mo kapag hindi ka kumain?” tanong niya naman kaya muling napabaling ako sa kaniya.
Umiling ako. “Wala na po si Nanay matagal na. Si Lola na lang at ang kapatid ko ang kasama ko,” mahinang sagot ko.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Napalitan iyon ng tingin na parang naaawa o nalulungkot.
“Iʼm sorry for that...” mahinang sabi niya rin sa akin pero nginitian ko na lang siya.
“Okay lang ʼyon, Maʼam! Kayo po ba kumain na?” pag-iiba ko ng usapan.
She nods. “Yes. So donʼt worry kung uminom agad ako ng wine kahit umaga pa lang,” sabi niya pa at ngumiti sa akin.
Ang ganda ganda talaga niya lalo na kapag nakangiti siya. Mas gusto kong nakikita siyang nakangiti palagi.
“Balik na po ako sa trabaho ko, Maʼam. May gagawin ka rin yata,” paalam ko na.
“Sure. You can go here anytime, Narda. Para naman may kakwentuhan ako minsan,” natatawang sabi niya pa sa huli.
Parehas kaming natawa habang nakatingin sa isaʼt-isa. Bahagya akong napabaling sa pintuan at tinuro iyon para sabihing aalis na ako.
“Thanks, Narda!” pahabol niya pang sabi sa akin.
Isang malawak na ngiti lang ang binigay ko at tuluyan na nga akong lumabas sa office niya.
“Ang bago bago pero sumisipsip agad,” pagpaparinig ng isang katrabaho ko.
Hindi ko na sila pinansin pa at bumalik na ako sa table ko. Chineck ko ang mga dapat matutunan sa pagiging EMT. May mga alam naman ako pero gusto kong mas matuto pa.
“Narda, available ka ba? Pwede ka bang sumama sa amin sa covered court para magbigay ng mga gamot at pagkain sa naapektuhan ng lindol,” pag-aaya sa akin ni Andre.
Mabilis akong tumayo. “Yes, available ako. Ngayon na ba?” tarantang tanong ko pa.
Tumango ito sa akin kaya naman mabilis kong kinuha ang bag ko at sumunod na sa kaniya para makapunta na kami sa covered court.
Nang makarating doon ay tumulong agad ako sa pagbibigay ng mga gamot para sa mga nasugatan, ang iba naman ay nagbibigay ng pagkain.
“Beshie!” malakas na tawag sa akin ni Mara; bestfriend ko.
Agad sumilay ang ngiti ko nang makita ko sila kasama si Lola at si Ding. May dala silang mga pagkain para sa mga tao.
“Lola!” Lumapit ako sa kanila. “Salamat po, Lola!” muling sabi ko.
“Nagluto ako ng kaunti para sa kanila,” sabi pa ni Lola sa akin.
Hindi maalis ang ngiti ko dahil dito. Manang-mana talaga kami sa kaniya. Sobrang bait at tumutulong kapag may maitutulong talaga.
“Balik na po ako sa trabaho ko, Lola. Okay lang kayo rito?” paalam ko.
“Oo naman, apo. Kami na ang bahala rito,” sagot niya sa akin.
Kumaway na lang ako sa iba pa at bumalik na muli ako sa trabaho ko. Ilang minuto pa ay dumating naman si Mayor at may dalang relief goods para sa mga tao. Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin pa dahil abala ako sa ginagawa ko.
Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay saka lang ako tumigil. May napansin akong isang buntis kaya agad akong lumapit sa kaniya.
“Yes, Maʼam? May kailangan ka po ba?” tanong ko rito.
“Hinahanap ko kasi ang asawa ko, e. Ilang linggo na siyang nawawala. Nagbabaka sakali lang ako na baka nandito siya,”sagot niya naman.
Inalalayan ko siya para makaupo muna. “Dito muna po kayo, mukhang napagod din kayo sa paglalakad ninyo,” sabi ko sa kaniya.
“Oo, e. Hindi ako mapakali at gusto ko talagang mahanap ang asawa ko,” sabi niya pa.
“Check ko na rin po blood pressure ninyo, Maʼam. Okay lang?” Inayos ko na ang pang BP para sa kaniya.
“Yeah, sure.”
Chineck ko na ang BP niya. Mukhang kabuwanan na rin niya dahil ang laki na ng tiyan niya at halatang hirap na rin siya.
“Lumilindol na naman!” malakas na sigaw ng mga tao.
Mabilis kong inakay paupo ang babaeng buntis ay pinasuot ko siya sa ilalim ng lamesa para hindi siya tamaan ng kung ano. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang lalaking nakikita ko ngayon sa paglindol.
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung masama ba siya o hindi. Sumisigaw ang mga taong nandito ngayon dahil sa lindol pero ang atensyon ko ay nasa lalaking hindi kalayuan dito at nakatingin sa akin.
Mabilis siyang tumalikod at umalis na. Dumaan siya sa mapunong parte sa kabilang side ng kalsada. Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagtigil ng lindol. Tama kaya ako? Siya ang may kagagawan ng lindol na ʼto? Pero paano naman niya magagawa iyon?
“Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa buntis na kasama ko. Inalalayan ko siya para makalabas sa ilalim ng lamesa.
“Oo. Ayos lang ako,” sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Ayos lang po ba kayo, Lola?” tanong ko naman kila Lola.
“Oo, apo!” Mas nakampante ako nang malamang maayos lang sila.
Pero sino ang lalaking ʼyon at bakit sumakto sa pag-alis niya ang pagtigil ng lindol?
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...