22

1.8K 139 18
                                    

Pagkaalis ni Narda ay hindi rin maalis ang ngiti ko. Naabutan pa ako ni Ali na parang baliw na sobrang saya ngayon.

“Regina, may masamang balita ako,” bungad ni Ali sa akin.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka. Anong balita naman ʼyon.

“Ano ʼyon, Ali?” tanong ko sa mababang tono.

“Si Alejandro Protacio, balak niyang tumakas ngayon paalis ng bansa,” sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi siya pwedeng makatakas! Malapit na siyang makulong at ako ang may hawak sa kaso niya, hindi pwedeng matakasan niya ang batas dahil ako ang mananagot kay Daddy. Magiging disappointed na naman sa akin si Daddy!

“Gawaan mo ng paraan, Ali! Hindi pwedeng makatakas si Protacio!” malakas na sabi ko.

Naibaling ko ang ulo ko at naipikit ko ang mga mata ko. Too much emotions ang dahilan kung bakit ganito ako, simula noong  mangyari ang insidente sa amin ni Daddy noon ay nagkaroon na ako ng habit na ganito.

“Sige, Regina. Akong bahala,” sabi niya pa.

Matalim na tingin ang binigay ko kay Ali. “Gawin mo lahat para mapigilan si Protacio sa pagtakas niya. Hindi pwedeng madisappoint na naman sa akin si Daddy!” muling sabi ko.

Ali nod at me. Mabilis siyang umalis sa office ko pagkatapos. Kinuha ko ang baso at sinalinan ng wine, pinuno ko iyon at walang alinlangang ininom na parang tubig lang.

I need to see Narda. I wanna see her para makalma ako. Yeah, Narda can makes me calm. I need her right now.

“Narda? Saan ka pupunta?” tanong ko nang makasalubong ko siya.

Nagmamadali siya at puno ng pag-aalala ang mukha niya. Anong nangyari?

“Emergency lang,” mabilis niyang sagot at lalampasan na sana ako.

Pinigilan ko siya. “Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi. Nagulat ako pero hindi ko na pinahalata pa sa kaniya ʼyon.

“Kailangan ako ng kapatid ko ngayon. Mauna na ako, mamaya ko na lang ipaliliwanag ang mga mangyayari, okay?” sagot niya.

Tumango naman ako sa kaniya. “Okay. Mag-iingat ka, Narda. Tawagan mo ako kung may magiging problema man, okay? Pupuntahan kita agad kahit ano pa ʼyan,” sabi ko naman, puno pa rin ng pag-aalala.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Sheʼs really worried about her brother. Hindi ko na patatagalin pa ang usapan namin dahil kailangan niya na talagang umalis.

“Babalik ako agad, Regina.” Binitawan niya na ang kamay ko.

“Take care, honey. Hihintayin kita rito,” mahinang sabi ko.

Napangiti naman siya. “Oo. Babalik ako kaagad,” she assured me.

Pinanood ko lang siyang tumakbo palabas ng building. Gusto ko siyang sundan pero baka makagulo lang ako sa kaniya. Bumalik na lang ako sa office ko para doon maghintay.

Bawat minuto ay hindi ako mapakali. Nag-aalala ako kay Narda at bawat katok sa pinto ng office ko ay hinahangad kong si Narda ang papasok.

“Regina!” pagtawag ni Ali pagpasok niya rito sa  office ko.

Naabutan niya akong nakatayo at may hawak na wine. Agad niyang binuksan ang TV para ipakita sa akin ang balita about Protacio.

“Natagpuang patay sa aksidente ang isang kinikilalang smuggler ʼdi umano na si Alejandro Protacio. Napag-alamang papunta ito sa airport para takasan ang kasong isinampa sa kaniya,” sabi ng reporter.

Agad napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa narinig at napanood ko. Ininom ko ang wine na nasa basong hawak ko.

“I guess he got what he deserve, Ali...” nakangising sabi ko pero ang atensyon ay nanatiling nasa TV pa rin.

Inubos ko na ang wine at hindi na muling nagsalin pa. Baka maamoy ni Narda mamaya ang hininga ko at sabihin ay uminom na naman ako.

“Ali, kapag dumating si Narda ay sabihan mo agad ako,” utos ko rito.

“Sige, Regina. Sa labas na muna ako, tatawagan kita agad kapag nandito na si Narda,” sagot niya naman.

Iniwan na nga ako ni Ali kaya naman bumalik na ako sa pwesto ko para libangin ang sarili ko habang hinihintay si Narda na bumalik dito.

“Regina?” Agad akong napatayo nang marinig ko si Narda.

Mabilis ko siyang sinalubong ng yakap nang makapasok siya rito sa office ko. Ang tagal kong naghintay sa kaniya kanina. Thanks God sheʼs finally here.

“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Kumalas siya sa yakap ko para magsalubong ang paningin naming dalawa. Nakangiti siya sa akin ngayon at tumango.

“Okay na, Regina. Maayos naman na ang kapatid ko,” sagot niya.

I feel relieved. Good to know na okay na ang kapatid niya. Nag-alala rin kasi ako baka kung ano nang nangyari sa kanila.

Inalalayan ko siya para makaupo sa sofa. Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Nakatitig lang siya sa akin kaya ganoʼn din ang ginawa ko sa kaniya.

“Tumawag ang kapatid ko kanina at sinabi niyang nakita niya si Nanay. Agad akong pumunta kasi akala ko totoo,” panimula niyang kwento.

“And then?” Nakatutok sa kaniya ang atensyon ko. Gusto kong pakinggan ang lahat ng sasabihin niya.

“Hindi totoo. Wala si Nanay at hindi pala ang kapatid ko ang tumawag sa akin. Hindi ko sigurado kung isa ba sa extra ang nakasalamuha namin pero malakas siya. Handa siyang patayin kaming magkapatid,” dagdag niya pa.

Napatulala lang siya at nakikita kong may luhang namumuo sa mga mata niya. Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya. Mas okay kung ilalabas niya ang saloobin niya, mas gagaan ang pakiramdam niya.

“Narda, Iʼm here. Handa akong makinig at damayan ka sa lahat. Ilabas mo lang lahat ng nasa dibdib mo at pakikinggan kita,” pang-aalo ko sa kaniya.

Mahigpit niya rin akong niyakap. Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya; sheʼs crying. Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin at ilabas ang bigat sa dibdib niya.

“Akala ko makakasama na namin si Nanay. Akala ko buhay talaga siya, e. Mali ako, matagal na talagang wala si Nanay,” humihikbing sabi niya pa.

Bahagya ko siyang inilayo sa akin para makita ko ang mukha niya. Nanatili pa rin namang nakayakap sa akin ang dalawang braso niya. Ang dalawang kamay ko naman ay dumako sa pisngi niya para punasan ang luha niya.

“Shhh. Nandito lang ako palagi para sa ʼyo.” I donʼt know how to comfort her in this kind of situation pero handa naman akong damayan siya at pakinggan palagi.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon