47

1.4K 107 14
                                    

May pasok na naman at excited ako syempre dahil magkikita kami ni Regina ngayon. Stress na naman nga ʼyon dahil sa mga nangyayari dito sa lungsod. Nagvlog na naman siya at si Mayor na naman ang nagisa niya. Pero ang iba sa mga tao ay galit na sa kaniya.

“Regina?” pagtawag ko sa kaniya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ko. Umiiyak siya. Ano na naman kayang problema niya?

“Dad is mad at me—again!” sabi niya.

Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. Palaging Daddy niya ang dahilan kung bakit nagiging ganito siya. Kailan kaya sila magiging maayos na dalawa?

“Huwag mo na lang masyadong isipin kung ano man ang nangyari. Magiging okay rin naman kayo,” pang-aalo ko sa kaniya.

Kumalas siya sa akin at saglit na tumalikod para punasin ang luha. Nahiya pa siyang ipakita sa akin ang luha niya, a.

“May dala akong pagkain. Niluto ko ʼto para sa ʼyo,” sabi ko at nilabas ang pagkain na nasa bag ko.

“Thanks, Narda...” emosyonal pa ring sabi niya.

Binigay ko sa kaniya ang isang tupperware na may lamang pagkain. Kumain na ako kanina kaya para sa kaniya na lang talaga ang dala ko.

“Kumain ka na lang para maging okay ang pakiramdam mo,” sabi ko sa kaniya.

Inayos ko na ulit ang bag ko. As usual dito ako dumiretso sa kaniya oras na makarating ako.

“Yes. Kakainin ko talaga ʼto. Ikaw ba, kumain ka na ba?” tanong niya sa akin.

Tumango ako. “Kumain na ako kanina sa bahay, para sa ʼyo na lahat ʼyan,” sabi ko.

Nagstay pa ako saglit sa office niya at nang masiguro ko namang okay siya ay nagpaalam na ako na aalis na para magtrabaho.

“Sabay tayong maglunch later, Narda!” pahabol niya pang sabi sa akin nang nasa pinto na ako.

“Okay. See you later!” todo ang ngiti ko sa kaniya at tuluyan nang sinara ang pinto.

Hanggang sa makarating sa pwesto ko ay hindi maalis ang ngiti ko. Ganado na naman tuloy akong magtrabaho dahil sa kaniya.

“Good morning, Narda! Ganda naman niyan,” pang-asar ni Andre sa akin.

Ano na namang trip niya?

“Anong kailangan mo, Andre?” mataray kong tanong sa kaniya.

“Binati lang kita, bakit ang sungit mo naman bigla?” Bahagya pa siyang nakanguso sa akin.

“Nang-aasar ka na naman kasi, e. So anong kailangan mo?” muling tanong ko.

“Wala naman. Gusto lang kitang batiin,” sagot niya at muling ngumiti sa akin.

Duda ako sa bati na ganiyan. For sure naman ay may kailangan siya sa akin kaya ganito siya. Ano naman kaya ʼyon?

“Sige na, balik na ako sa pwesto ko. Bye, Narda!” paalam niya sa akin.

Kumaway na lang ako kahit hindi nakatingin sa kaniya. Abala ako sa trabaho ko kaya bahala na si Andre dahil malaki na siya at kaya niya na ang sarili niya.

“Narda, pakicheck daw ng ibang papers kung may kulang pa raw ba or may mali,” sabi ng isang kasamahan ko at nilapag sa harapan ko ang ibang folder.

“Okay. Thanks!”

Mabilis kong sinimulan ang mga iyon. Madali lang namang gawin pero masakit sa ulo at sa mata dahil kailangan ko pang basahin lahat. Pero may natututunan naman ako kahit papaano.

Abala pa rin ako nang tumunog ang phone ko. Phone na para kay Darna ang tumunog kaya mabilis kong sinagot. Pinababa ko ang boses ko para hindi mahalata.

“Hello, Bryan?” sagot ko sa tawag niya.

[“Umatake na naman si Clone Man. Kailangan namin ng tulong mo,”] sabi niya.

Walang alinlangan akong napatayo. Pinatay ko ang tawag nang sabihin ni Bryan sa akin kung nasaan sila ngayon. Kailangan kong puntahan sila at tulungan.

“Cr lang ako!” malakas na sabi ko kila Andre at hindi na sila hinintay pang sumagot.

Nagtatakbo na nga ako sa cr. Nang masigurong walang ibang tao ay nagpalit anyo na ako bilang si Darna. Wala akong sinayang na oras at agad akong nagpunta kung nasaan sila Bryan.

Patakas na si Clone Man nang mabangga siya sa akin. Nakangisi siya ngayon at nagulat na lang ako na tatlo na ang clone man na nasa harapan ko.

“Kaya na ninyo ʼyan!” sabi niya sa mga clone.

Mabilis kong sinugod ang mga ito. Aaminin kong mahirap kalaban si Clone man dahil sa kakayahang mayroon siya. Pero nasisiguro kong lahat ng kalakasan ay mayroon ding kahinaan kaya iyon ang aalamin ko sa kaniya.

Mabilis na naglaho ang mga clone nang matalo ko ang mga iyon. Nawala ang totoong clone man dahil nakatakas na siya.

“Salamat sa tulong, Darna. Hindi pa rin natin nahuli si Clone man,” sabi ni Bryan.

“Walang anuman. Hindi rin naman magtatagal ay mahuhuli rin natin siya. Huwag kang mawalan ng pag-asa,” sagot ko sa kaniya.

Nagkatitigan pa kaming dalawa ni Bryan. Nagpaalam na ako sa kaniya na kailangan ko nang umalis. Mabilis na akong lumipad pabalik sana sa cr kung saan ako madalas magpalit anyo pero nakasara na ngayon ang bintanang dinaanan ko.

“Bakit nakasara ʼto?” inis na tanong ko.

Wala akong choice kundi ang bumaba na. Siniguro ko munang walang tao sa parte kung saan maraming nakaparadang sasakyan at nang walang ni isang tao ay nagpalit anyo na ako bilang Narda.

Nagtatakbo ako papasok sa building. Nakasalubong ko sila Andre. Takang-taka sila kung bakit nandito ako. Ang sabi ko sa kanila ay sa cr ako kanina.

“Bakit nandito ka?” tanong niya sa akin.

Nagmamadali ako ngayon. Medyo natagalan din kasi akong nawala at baka nga naghihintay na sa mga papeles na chineck ko.

“Emergency lang!” sagot ko at mabilis na ngang iniwan sila.

Naabutan ko si Regina sa pwesto ko kasama si Noah. Si Noah na anak ni Mayor. Bakit nandito ʼto?

“Narda! Saan ka galing? Ang sabi nila Andre ay nasa cr ka. Pumunta ako pero wala ka naman doon. Saan ka ba nagpunta?” sunud-sunod na tanong ni Regina.

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaniya. Medyo hingal din ako dahil sa pagtakbo kani-kanila lang.

“Sorry, Regina. Emergency lang...” sagot ko sa kaniya.

“What happened?” tanong niya agad.

Nagsasalit sa kanila ni Noah ang paningin ko. Bakit ba kasi nandito si Noah?

“Ah ano kasi. Si Lola... Oo si Lola kasi sumama ang pakiramdam,” sagot ko.

Ayaw kong magsinungaling pero kailangan. Sorry, Lola... Bahala na!

“Oh God! Kumusta siya?” nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako sa kaniya. “Okay na siya. Magpapahinga lang para mas maging maayos na ang pakiramdam,” sagot ko.

Ngayon lang ʼto promise. Hindi ako sanay magsinungaling pero kailangan kong gawin. Pasensya na talaga.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon