Sabi ni Regina ay babawi siya sa akin ngayon. Ako ang dapat bumawi sa kaniya dahil alam kong ako ang mali.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa akin.
Tapos na ang trabaho namin at hindi ko alam kung paano ba ako babawi sa kaniya.
“Ako ang dapat gumawa ng ganito, e. Ako ang masyadong mataas ang pride at hinayaan kong tumagal ang away natin,” mahinang sabi ko naman.
Bahagya siyang natawa. “Okay lang, Narda. Parehas tayong makakabawi sa isaʼt-isa. Magdate tayo,” sagot niya naman.
Sinukbit ko na ang bag ko at tumango na lang sa kaniya. Tapos na rin naman siyang mag-ayos kaya naman handa na rin siyang umalis ngayon. Naghihintay na yata si Ali sa labas.
“Na-try mo na bang kumain ng street foods?” tanong ko sa kaniya.
Pasakay na kami ngayon sa kotse. Sinabi niya kay Ali kung saan kami pupunta bago niya ako sinagot.
“Oo naman. Nagluto pa nga tayo noon ng kwek-kwek,” natatawang sagot niya.
Nagkwento na lang siya sa akin nang kung anu-ano habang nasa biyahe kami. Nakatitig lang naman ako sa kaniya at pinakikinggan lahat ng sinasabi niya. Ang sarap lang sa feeling na makita siyang masaya ngayon.
“Hintayin ko na lang ulit kayo rito,” sabi ni Ali sa amin.
“Thanks, Ali!” nakangiting sabi naman ni Regina rito.
Agad kong nilagay ang braso ko sa bewang ni Regina. Kumaway kami kay Ali nang nagstart na ulit ito ng kotse. Nandito naman kami ni Regina sa mall.
Madalang naman kaming magmall dahil walang masyadong oras para gawin iyon. Palagi naman kasi kaming busy sa trabaho at okay na kami na nagkakasama sa office niya or minsan ay sa bahay namin.
“Kain muna or manood tayong sine?” tanong niya.
Papasok na kami at nanatili pa rin namang nasa bewang niya ang braso ko. Okay lang naman na umasta kaming magjowa talaga dahil iyon din naman ang gusto ni Regina.
“Kumain muna tayo. Gutom kasi ako,” natatawang sabi ko at napakamot pa sa kilay ko.
Inayos ko na rin tuloy ang ilang pirasong bangs ko. Tumigil kami sa isang korean na kainan. Napatingin tuloy ako sa suot ko. As usual ay nakauniform ako at si Regina naman ay maayos ang suot.
“Try natin dito?” tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Pumasok na kami sa loob at agad din naman kaming nakahanap ng pwede naming pwestuhan.
“Anong gusto mo?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa menu.
Nakatingin lang naman ako sa kaniya ngayon. Ang ganda ganda naman kasi ng girlfriend ko.
“Kahit ano. Kung anong tingin mong masarap kainin at magugustuhan ko,” sagot ko habang nanatiling nakatingin pa rin sa kaniya.
Umangat ang tingin niya sa akin. “Ako?” tanong niya sa inosenteng paraan.
Natawa ako. “Pagkain, Regina. Huwag kang ano baka seryosohin ko ʼyang sinasabi mo,” sabi ko naman.
Natatawa na lang din siyang bumalik sa pagbabasa ng pwedeng order-in niya para sa amin. Nang makapili na ay tinawag niya na ang waiter.
Napansin ko naman ang dalawang lalaki sa kabilang table na nakatingin sa gawi namin. O dapat ko bang sabihin na kay Regina sila nakatingin?
“Mahilig ka naman sa maanghang, honey?” tanong ni Regina.
Kausap niya ang waiter kaya tumango na lang ako bilang sagot. Umoorder na siya ng pagkain namin at ako naman ay nakatingin pa rin sa dalawang lalaki na nasa kabilang table.
“Thatʼs all. Thank you!” rinig kong sabi ni Regina sa waiter.
Umalis na iyon pero ang atensyon ko ay nasa dalawang lalaki pa rin. Nakita kong tumayo ang mga ito at palapit na ngayon sa amin.
“Regina Vanguardia?” tanong ng isa. Maputi at medyo singkit.
Napatingin naman ako kay Regina na nagtatakang nakatingin sa dalawa.
“Wait. Harry and Elmo?” gulat niyang sabi sa dalawa.
Mabilis na tumayo si Regina at niyakap ang dalawang lalaki. Nangunot ang noo ko sa pagtataka.
“Nice to meet you again, Regina. Itʼs been a while,” sabi naman nung medyo kulot ang buhok.
“Nice to meet you again.” Nagawi sa akin ang tingin ni Regina. “Oh, sheʼs Narda. Narda, si Elmo and Harry. Theyʼre my classmates when I was high school,” pakilala ni Regina.
Si Elmo ang singkit na maputi at si Harry naman ang kulot. Tumango lang ako sa kanilang dalawa bilang pagbati.
“Kanina ka pa namin nakita nung papasok ka pa lang. Nakakahiya namang lapitan ka agad kaya naghintay pa kami ng ilang minuto,” sabi ni Elmo.
“Why donʼt you guys join us? Para naman makapagkwentuhan tayo,” sabi pa ni Regina.
Hindi ako kumikibo pero sa loob ko ay tutol ako sa gusto niyang mangyari. Para sa aming dalawa lang ang moment na ʼto, bakit kailangang magsama ng iba?
“Is that okay with your friend?” tanong ni Harry at nagawi ang tingin sa akin.
“Ah oo. Okay lang,” sagot ko at tipid silang nginitian.
Wala naman akong choice. Si Regina na mismo ang umaya sa kanila.
Pumwesto na ang dalawa at nagsimula na ngang mag-usap ang mga ito. Nakatingin lang ako sa kanila. Bakas kay Regina na masaya siyang makausap ang dalawang ʼto.
“Are you single, Regina?” tanong ni Elmo sa kaniya.
Napaayos ako ng upo dahil sa narinig ko. Hinihintay ko ang sagot ni Regina. Nagawi pa nga sa akin ang tingin niya.
“Iʼm not. Iʼm taken,” sagot ni Regina. Napahinga ako nang maluwag.
“Woah. Late ako,” birong sabi ni Elmo pero mukhang totoo naman yata.
Napairap na lang ako at iniwas ang tingin sa kanila. Ilang oras lang naman siguro ʼto. Titiisin ko na lang ang inis na nararamdaman ko ngayon.
Nagseselos ba ako? Oo nagseselos ako dahil naagaw nang dalawang ʼto ang oras na para sa amin dapat ni Regina.
Dumating na ang order namin ni Regina. Nagsimula akong kumain at patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Hindi ko naman maintindihan kung anong usapan nila kaya hindi ako makasali.
“Are you okay, Narda?” tanong ni Regina sa akin.
Tumango lang ako at muling binalik ang tingin sa pagkain. Hinintay kong kausapin ako ni Regina pero muli niya lang binalikan ang dalawang lalaking kasama namin ngayon.
Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at gigil na tinusok na lang ang karne na nasa plato ko. Nakakainis!
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...