41

2.1K 141 97
                                    

Sobrang pagod na pagod ako dahil sa ginawa namin ni Regina.

“Dinner is ready,” sabi niya.

Dinilat ko ang mga mata ko. Suot niya ang isang loose shirt lang. Walang suot na bra dahil bumabakat sa damit ang nipples niya.

“Totoong dinner na ba ʼyan?” paniniguro ko.

Naka-ilang round kami kanina at hindi na yata ako makakauwi ngayon kaya rito na lang ako matutulog sa condo niya. Nilabhan niya na nga ang uniform ko at nagdryer na rin siya.

“Yes. Tara na kumain na tayo at alam kong pinagod kita masyado,” natatawang sabi niya pa sa akin.

Nakabihis na rin ako, isang malaking damit lang din ang suot ko at lumapit na ako sa kaniya. Ganito raw ang sinusuot niya minsan para kumportable siya.

“Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makakakilos ng maayos dahil sa nangyari,” reklamo ko sa kaniya.

Pinaglagay niya ako ng kanin at ulam sa plato ko. Inasikaso niya muna ako bago niya asikasuhin ang sarili niya.

“Pwede ka namang umabsent, honey. Sorry masyado yata kitang napwersa,” natatawang sabi pa rin niya.

Iba rin talaga si Regina, e. Talagang pinagbigyan lang ako na maging top sa unang beses. Hindi ako nakapalag sa kaniya.

“Papasok ako. Siguro naman kapag magdamag kong pinahinga ʼtong katawan ko ay baka hindi na sumakit bukas,” sabi ko naman.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya dahil sa ayos niya. Wala na siyang make up kaya mas kitang-kita ko na ngayon ang kinis ng mukha niya. Mas bagay pa nga sa kaniya na walang make up, e. Sobrang ganda niya.

“Baka gusto mo pang madagdagan ang nangyari kanina?” Napakurap ako dahil sa sinabi niya. “Masyado ka kasing makatingin, bitin ka pa ba?” pang-asar ang tonong tanong niya sa akin.

Napanguso ako at inalis ang tingin sa kaniya para ituon na lang sa pagkain namin. Nagandahan lang talaga ako sa kaniya ngayon. Saka napatingin lang din ako sa gawing leeg niya na puro pula.

“Paano mo itatago ʼyan?” tanong ko at tinuro ang leeg niya.

“Turtle neck ang isusuot ko bukas,” simpleng sagot niya naman.

Hindi talaga ako makatiis na tingnan siya ngayon. Nakapusod kasi ang buhok niya at sobrang hot niyang tingnan dahil doon.

“Narda, pagod na tayo kaya huwag ka nang manghingi ulit ng kasunod,” sabi niya habang nakatingin sa pagkain.

Nangunot ang noo ko at saka ko lang napagtanto ang sinabi niya.

“Ang ganda ganda mo kasi kaya ako nakatingin. Masyadong berde na ʼyang utak mo, Regina!” malakas na sabi ko.

Tawa siya nang tawa dahil sa reaksyon ko. Parang nabaliktad yata kami? Parang ako na ang inaasar niya ngayon at ako na ang parang batang nakanguso na akala mo inagawan ng candy?

“Okay fine. Sige na kumain ka na,” sabi niya.

Ganoʼn na nga ang ginawa namin. Kumain na kami kahit na inaasar niya pa rin ako tungkol sa nangyari. Hindi pwede ʼto, nababaliktad kami ng sitwasyon.

“Ako nang bahala rito, matulog ka na.” Nang matapos kumain ay siya na rin ang nagligpit.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil pagod talaga ako. Kailangan ko ng mahabang pahinga dahil kailangan ko ng lakas para sa trabaho bukas.

Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng antok. Hindi ko na nahintay na matapos si Regina sa ginagawa niya at tuluyan na akong nakatulog.

“Good morning, honey...” boses agad ni Regina ang narinig ko.

Nananaginip ba ako? Bakit ang aga naman yatang si Regina ang naririnig ko?

Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang magandang mukha ng girlfriend ko. Mabilis niya akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko naman. Anong ginagawa niya rito?

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa paligid. Saka ko lang napagtanto na nasa condo nga pala niya ako. Totoo lahat ng nangyari sa amin kagabi at hindi panaginip.

“Nauna na akong gumayak. Nakaready na ang mga damit mo at ready na rin ang breakfast natin, bangon ka na at maligo para makapag-almusal na tayo,” sabi niya at muli akong hinalikan sa labi.

“Akala ko nananaginip lang ako,” nasabi ko na lang.

Muli niya akong hinalikan sa labi pero mas matagal kumpara sa dalawang nauna.

“Did you enjoy our night together?” mahinang tanong niya habang nakatingin sa labi ko.

Umangat ang gilid ng labi ko. “Oo naman. Palagi naman akong nag-eenjoy na kasama ka. Iba nga lang ang kagabi, sobrang sarap sa pakiramdam noʼn,” sagot ko.

Natatawa na lang kaming dalawa at muling naglapat ang labi. Ang lambot talaga ng labi niya at nakakaadik halikan.

“Maligo ka na...” sabi niya matapos bitawan ang labi ko.

Nakakapit na pala ako sa bewang niya at hinahapit ko siya palapit sa akin nang hindi ko man lang namamalayan.

Grabe talaga ang epekto ng isang Regina sa akin. Sobrang lakas ng epekto niya na halos nagagawa niyang alisin ang huwisyo ko at hindi ko man lang namamalayan ang mga ginagawa ko na.

“Hindi mo ako ginising kanina, sana sabay na lang tayong naligo para tipid sa tubig mo,” biro ko naman.

Natawa siya. “Hindi lang ligo ang mangyayari kung magsasabay pa tayo,” sabi niya naman.

Tumitig muna ako sa buong mukha niya at ngumiti. Ang sarap lang sa pakiramdam na siya agad ang bubungad sa akin sa umaga. Parang gusto ko tuloy maulit ang ganito, ʼyung paggising ko ay mukha niya agad ang makikita ko.

“I love you...” wala sa sariling nasabi ko na lang.

“I love you.” Hinawakan niya ang pisngi ko.

Ilang minuto pa kaming ganoʼn at saka lang ako nagpasyang maligo na. Maaga pa naman at pwede namang ma-late sa trabaho. Kasama ko kaya ang boss ko, perks of having a relationship with the boss yata ʼto.

“Huwag mo na akong isipin habang naliligo ka para hindi ka na tumagal sa cr,” malakas niyang sabi nang makapasok na ako sa cr.

Naiiling na lang ako at nangingiti dahil sa sinabi niya. Lumakas yata ang loob niyang mang-asar sa akin dahil sa nangyari.

Pinagbigyan ko lang din siya kagabi. Ako pa rin ang top sa amin at hindi ako papayag na siya ang mang-aasar. Mas gusto kong nakikita na nakanguso siya at salubong ang kilay dahil sa pang-aasar ko.

Mas gusto kong nagmumukha siyang bata na inaaway sa tuwing inaasar ko siya. Sobrang cute niya kasi kapag ganoʼn.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon