29

1.8K 147 139
                                    

Para makabawi sa kaniya, napangakuan ko siyang sasamahan ko siya sa gusto niyang puntahan after ng work namin.

At ito nga kami ngayon, nandito kami sa mall para mamili ng mga gusto niya. Ni hindi pa nga ako nakapagbihis man lang dahil dito ka kami dumiretso.

"Nakakahiya ang suot ko tapos katabi kita," bulong ko sa kaniya.

Nakauniform pa kasi ako habang siya naman ay ang ayos ng suot. Ganda ngang poporma ni Regina, e.

"Angas mo kayang tingnan, lakas ng appeal mo, honey." Nakangisi pa siya sa akin at kumindat.

Kung wala kami sa mall baka kung ano na nagawa ko sa kaniya. Magaling lang ʼtong babanat kapag alam niyang wala akong laban, e.

"Anong bibilhin mo ba?" tanong ko sa kaniya.

Kaming dalawa lang ang magkasama dahil naiwan si Ali sa kotse at doon na lang maghihintay. Inaaya naman namin siya pero sinabi niyang matagal mamili ang mga babae at mabobored lang daw siya.

"Kahit anong magustuhan," sagot niya naman.

"Gusto mo naman ako pero hindi mo naman ako binili," mahinang sabi ko habang pasimpleng tumitingin lang sa paligid.

"Hindi naman kita kailangang bilhin, kusa ka namang mapapasa akin," sagot niya.

Napa "woah" na lang ako sa sinabi niya. Taas din ng confidence nito na makukuha niya ako, e. Sabagay, nakuha naman na niya ako pero wala pa rin kaming label.

"Doon nga tayo, ganito mga gusto mong outfit, e." Hinatak ko siya papunta sa isang shop na puro trouser and blouse.

Bagay na bagay sa kaniya ang mga ganitong damit, mas lalo siyang nagiging hot. Pansin ko rin naman sa kaniya na palaging wide leg pants or trouser ang suot niya saka nakalongsleeve, sleeveless or blouse siya.

Ang aesthetic naman kasi ng honey ko. Naks, label when?

"Parang bagay ʼto sa ʼkin. Look, Narda." Pinakita niya sa akin ang isang trouser na kulay cream.

"Hindi, e. Mas bagay sa ʼyo ay..." Nilibot ko ang tingin ko. "Ako." Binalik ko sa kaniya ang tingin ko at nakita ko siyang nagpipigil ngayon ng ngiti.

"Seryoso nga kasi, Narda! Bagay ba sa akin ʼto?" bahagya siyang nakanguso habang sinusukat sa harapan niya ang trouser. Sinusukat ang haba kung sakto ba sa kaniya.

"Bagay naman sa ʼyo lahat ng isuot mo. Pwede ring walang suot pero ako lang makakakita," mahinang sabi ko.

Tawa ako nang tawa nang pisilin niya ang bewang ko. Napagtitinginan na tuloy kami ng ibang bumibili dahil sa lakas ng tawa ko.

Ang sarap talagang asarin ni Regina.

"Iʼll buy this one. Anong magandang partner dito?" tanong niya, kunyari ay hindi niya narinig ang sinabi ko kanina.

Pero sa loob-loob niyan kung anu-ano nang iniisip. Hay nako, Regina. Lagyan mo na kasi ng label para maglevel up na rin tayo.

"White or black sleeveless ang bagay, Regina. Magandang top ʼyon parang ako," muling pang-aasar ko sa kaniya.

Salubong na ang kilay niya sa akin at bahagyang nakanguso. Pigil ang tawa ko at inayos ko ang sarili ko. Lakas makaangas nitong uniform namin kaya napapatingin din mga tao sa akin, e.

"Narda, kanina ka pa. Nananadya ka ba?" mataray niyang tanong sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at bahagyang napangisi. Nilagay ko na lang sa bulsa ko ang dalawang kamay ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Magbayad ka na para matapos na tayo," utos ko sa kaniya.

Wala naman na yata siyang bibilhin pa rito dahil isa lang talaga ang nakaagaw ng atensyon niya. Sumunod naman siya sa sinabi ko at lumapit na sa cashier.

Ako naman ay nakatayo lang at naghihintay sa kaniya. Pansin ko ang ibang babaeng napapagawi ang tingin sa akin pero hindi na ako nag-abala pang tingnan sila pabalik dahil nakatuon kay Regina ang atensyon ko.

"Letʼs go, honey. Sa ibang store naman tayo tumingin," sabi ni Regina na halatang sinadyang lakasan ang boses para iparinig sa mga babaeng nakatingin sa akin.

Hindi ko napigilan ang pag-angat ng gilid ng labi ko dahil sa inakto ni Regina. Thatʼs my girl, tell them that I am yours, honey.

"Saan next target mo?" tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng store na pinuntahan namin.

Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na dala niya para ako na ang magdadala. Hindi bagay sa outfit niya ang may bitbit na paper bag kaya ako na lang ang magdadala para sa kaniya.

"Saan mo ba gusto?" balik tanong niya sa akin.

"Kahit saan. Wala naman akong hilig magshopping, e. Ikaw lang naman sinamahan ko rito," sagot ko sa kaniya.

Hinatak niya ako papunta sa isang shop na may mga accessories naman. Ang gaganda and lahat ʼyon babagay kay Regina.

"Look at these, honey. Bagay sa atin ʼto," sabi niya habang nakaturo sa mga necklace.

Isang gold necklace na may pendant na maliit na padlock na hugis puso at ang isa ay may maliit na susi na may puso rin na design. Partner nga ang necklace na ʼyon.

"Good afternoon, Maʼam! Bagay na bagay po sa inyo ang necklace na ʼyan. Good for bestfriends po iyan," sabi nung sales lady habang nakangiti sa amin.

"Lemme see that," utos ni Regina. Agad namang sinunod ng babae at nilapag iyon sa harapan namin. "Weʼre not bestfriend tho. Couple kami, hindi ba halata?" mataray niya pang tanong dito.

Napangiti na lang ako ng alanganin sa sales lady dahil sa pagtataray ni Regina. Ang high blood naman kasi niya masyado.

"Sorry po, Maʼam!" hinging paumanhin nito sa amin.

"Iʼll buy these. Thank you!" sabi ni Regina at naglabas ng card para bayaran ang necklace.

"Hindi ka na sana nag-abala pang bumili ng ganiyan," mahinang sabi ko sa kaniya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bagay sa atin ʼyon. And gift ko na rin sa ʼyo ʼyon, honey." Ngumiti siya sa akin pagkatapos.

"Gift as my girlfriend ba?" pang-asar na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya kumibo. Natuon ang atensyon niya sa sales lady dahil nagbayad na siya at kinuha ang biniling necklace para sa aming dalawa. Nang matapos ay inaya niya na rin akong umalis at hindi ko alam kung saan ang sunod naming pupuntahan.

"Yes, honey. Gift as your girlfriend. You are now my girlfriend," sabi niya ilang minuto na ang nakalipas mula nung sinabi ko iyon kanina.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko malaman kung paano ba ako magrereact dahil sa sinabi niya. Natawa na lang siya sa akin dahil sa reaction kong hindi maipaliwanag.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon