Kumuha ako ng wipes para sa pag-alis ng make up niya. Pinakielaman ko na ang gamit niya rito, bahala na bukas magpaliwanag.
“Narda...” banggit niya sa pangalan ko.
Hindi ako kumibo at hinayaan ko lang siya. Inaalis ko pa rin ang make up niya dahil ayaw ko namang matulog siyang ganito, baka mangati siya rito kung magdamag nakamake up.
“Galit si Narda sa akin...” parang batang sabi niya.
Nakapikit naman siya pero nagsasalita pa rin. Ganito pala siya malasing, nagiging madaldal siya.
“Hindi ako galit sa ʼyo,” sagot ko na.
Natigilan ako nang may isang patak na luha ang tumulo sa mata niya. Napatitig ako sa kaniya, nanatili pa rin naman siyang nakapikit.
“Ayaw kong nagagalit siya sa akin. Hindi ko kayang galit siya sa akin,” mahinang sabi niya pa.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Nandito ako sa gilid ng kama niya at inaayos ko nga siya. Hindi naman ako galit sa kaniya, e.
“Hindi siya galit sa ʼyo. Hindi galit si Narda, okay? Naiintindihan ka niya at ang pinanggagalingan ng inis mo kanina,” sabi ko sa kaniya.
Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na nga niya makilala ang boses ko. Akala niya nga yata ay wala siyang kasama ngayon.
“Hindi siya galit?” nakangusong tanong niya.
Napatitig ako roʼn. Pwede naman sigurong halikan kahit lasing? Isang kiss lang naman, e.
“Hindi siya galit...” mahinang sagot ko at ginawa ko na nga ang gusto kong gawin. Dinampian ko ng halik ang labi niya.
Mabilis naman niya akong iniwasan. Wala pa ngang tatlong segundo na nakadampi ang labi ko pero umiwas na siya agad.
“Ano ba? Huwag mo akong halikan. May girlfriend na ako at Narda ang pangalan niya. Siya lang ang pwedeng humalik sa akin,” malakas niyang sabi at pilit dinidilat ang mata.
“Bawal kang halikan?” tanong ko. Hindi niya nga ako nakilala kaya sasabayan ko na lang ʼto.
“No. Si Narda lang ang pwedeng kumiss sa akin. Narda is my girlfriend and siya lang ang gusto ko. Please lumayo ka sa akin, mas lalo siyang magagalit kapag nalaman niyang may kumiss na iba sa akin,” sabi niya at kinumpas pa ang kamay para paalisin ako.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa inaakto niya. Akalain mong kahit lasing siya ay ako pa rin talaga iniisip niya.
My honey is loyal with me.
“Matulog ka na, Regina. Sasamahan kita,” sabi ko at inayos na siya ulit ng higa.
“No. Magagalit ang girlfriend ko. Hindi mo ba naiintindihan ʼyon?” may bakas ng galit sa tono niya.
Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko ang sarili ko. Sobrang cute ni Regina lalo na kung ganito siya. Kahit talaga lasing ay hindi niya ako nakakalimutan. Hindi niya nakakalimutang may girlfriend siya.
“Si Narda ako, honey. Sige na, matulog ka na ng maayos,” malambing na sabi ko sa kaniya.
Bahagya pa rin siyang nakanguso. Kinuha niya ang kumot at binalot niya ang sarili niya. Pinanonood ko lang siya sa ginagawa niya.
“Donʼt touch me, okay? Ayaw kong mas magalit si Narda sa akin,” nagbabantang sabi niya pa.
“Hindi kita gagalawin,” sabi ko naman para matahimik na siya.
Nakabaling naman siya sa akin pero nakapikit pa rin. Malaya kong natititigan ang mukha niya ngayon. Sobrang ganda niya kahit ma bahagyang nakakunot ang noo niya.
“Si Narda...” Nagsalita na naman siya. “Simula nung dumating siya sa buhay ko, hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. Si Bryan, kilala mo ʼyon? ʼYung pulis na gwapo. May gusto ako sa kaniya noon, e.”
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinasabi niya.
“Pero nung nakilala ko si Narda. Nawala lahat ng nararamdaman ko para kay Bryan at napunta lahat kay Narda. Sobrang saya ko kapag si Narda ang kasama ko,” dagdag niya pa.
Nakatitig lang ako sa kaniya at pinakikinggan lahat ng sinasabi niya. Sabi nila kapag lasing ay saka nasasabi ang lahat ng gustong sabihin. Lahat ng sinasabi ng lasing ay totoo.
“Si Narda ang naging pahinga ko sa nakakapagod na mundo. Sa kaniya ko naramdaman ʼyung pahinga na hinahanap ko...” medyo gumaralgal ang tono niya.
Gusto ko siyang yakapin pero baka itulak niya ako dahil inaakala niya ngang hindi ako si Narda.
“Hindi proud ang Daddy ko sa akin. Palagi na lang kulang ang lahat ng ginagawa ko para sa kaniya, pero nung dumating si Narda... Pinaramdam ni Narda sa akin na enough na ako. Na lahat ng ginagawa ko ay sobra-sobra pa. Sheʼs my comfort place, sheʼs my safest place. Kapag kasama ko siya nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin at nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin,” pagkwento niya pa.
Naluluha ako dahil sa mga naririnig ko. Siya rin naman ang isa sa pahinga ko, e. Bukod kay Lola at Ding, si Regina rin naman ang tinatakbuhan ko sa tuwing pagod na ako.
“Natatakot ako na baka isang araw bigla na lang siyang mawala sa akin...” May tumulong luha sa mga mata niya. Dahan-dahan kong pinunasan ʼyon.
“Hindi naman mangyayari ʼyon,” mahinang sabi ko.
Tumayo ako at pumunta sa kabilang side ng kama, nahiga ako sa tabi niya pero nakatalikod na siya sa akin ngayon. Tumagilid ako para mapaharap sa likuran niya. Iniyakap ko ang sarili ko sa kaniya at ipinikit ko ang mga mata ko.
“I donʼt want to be alone. Simula nung dumating siya sa akin, nasanay na akong nakikita at nakakasama siya. Ayaw kong maranasan na isang araw wala na siya sa akin,” muling sabi niya.
Umiiyak na siya ngayon. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Ayaw kong magbitaw ng kahit anong salita sa kaniya o pangako. Gagawin ko na lang ang lahat para manatili kami sa isaʼt-isa.
“Narda makes me the happiest person alive. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya simula nung dumating siya. Alam mo ʼyung kahit sobrang stress na ako sa work ko, kapag papasok pa lang siya sa pintuan ng office ko ay nawawala na agad ang pagod ko. Her presence is enough, napapakalma na niya ako sa tuwing makikita ko lang siya,” dagdag niya pa.
Dinadama ko lang lahat ng sinasabi niya habang mahigpit akong nakayakap mula sa likuran niya. Siya rin ang pahinga ko, siya ang nagpapakalma at nag-aalis ng mga bumabagabag sa isip ko.
“I love her. I realize that I love her and I canʼt live without her now.”
Pinatakan ko ng tatlong beses na halik ang balikat niya. Matapos kong marinig ʼyon sa kaniya ay wala na akong ibang narinig pa ulit. Mukhang nakatulog na siya.
Sobrang sarap sa pakiramdam nung mga sinabi niya. Kung pwede lang na rito na lang ako matulog sa tabi niya ay baka ginawa ko na. Kailangan kong umuwi dahil bukas ay pupunta pa kami kay Bryan.
“Good night, honey. Mahal din kita.” Hinalikan ko siya sa noo bago ako tuluyang umalis na para umuwi sa amin.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
DarLentina (COMPLETED)
FanfictionGxG STORY All Rights Reserved© COMPLETED✔️ Started: September 10, 2022 Ended: October 22, 2022 [ THIS IS JUST A FAN FICTION OF NARDA (DARNA) AND REGINA (VALENTINA) FROM MARS RAVELOʼS DARNA. ] "Ganito na lang. Sa tuwing maaalala mo ang babaeng ahas...