This time I'll be sweeter.
Chriden PoV
Ang bilis dumaan ng panahon. Ilang buwan narin ang lumipas simula ng maging kami ni Francisco. Ang saya nga eh. Palagi siyang napunta sa bahay at ganun din ako sa kanila. Open ang family namin sa isa't isa. Ang saya.
Kagagaling lang namin last week sa Bicol. Dinalaw namin si Lolo. Ang dami nga namin napagkwentuhan eh. Sinama pa kami ni Lolo sa iba't ibang farm na meron siya. Wiling wili si Lolo sa ganoong pamumuhay. Di ko pa nga nakakalimutan ang nga nagawa ni Lolo dati - humingi rin ako sa kanya ng paumangin dahil sa mga nasabi ko laban sa kanya dati. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganoon ang balak niya samin ni Francisco.
Bakasyon na ngayon.
Nakagraduate na nga pala si Francisco pati ang mga kaibigan niya. Si Jerome sumama sa ate niya sa ibang bansa. Balak yata niyang doon magtrabaho. Sila Kerby naman ay nasa Manila kasama ang ibang kaibigan niyang sila Allen. Naisip kasi nilang magtayo ng isang bar at share share sila.Si Lloyd? Ilang araw pagkatapos nung pangyayari samin ni Francisco dati ay napagpasyahan niyang pumunta sa Baguio. Wala daw kasing namamahala ng bahay nila doon bukod sa Tita niyang may sakin. Kailangan daw na siya muna ang mamahala kasi may business din sila doon.
Ako naman Third Year na ako ngayong darating na pasukan. Pero ayoko munang isipin yun. Isa't kalahating buwan pa naman bago ang pasukan. Kailangan ienjoy ko muna ang bakasyon.
"Nei ang tagal mo naman diyan. Bilisan mo na at naiinip na si Chrien"
Kahit kailan talaga mainipin si Francisco.
Ayu hindi ko nga pala nasabi sanyo na nandito kami ngayon sa bahay namin. Nagbibihis ako kasi nagyakag maggala ang nakababata kong kapatid. Grade 1 n si Chrien pagpasok. Ang bilis noh? Mas makulit na nga nagyon eh. Mas naging malapit silang dalawa ni Francisco. Ini-spoiled kasi. Lahat ng gusto ibinibigay kaya eto nasanay si Chrien at kung saan saan nanaman nagyayakag.
Nei? Ah.. Ewan ko. Bigla nalang namin naging tawagan sa isa't isa. Saan nakuha yung Nei? Sa HoNEY daw. Pinalitan lang ng I ung Y, kaya Nei as in Ney talaga ang basa. Tagalog na tagalog. Astig nu?
"Aba kung nagmamadali kayong dalawang ugok ay mauna na kayo! Naghahanap pa ako ng susuotin eh!" Sagot ko.
"Inihanda ko na ang damit mo. Nasa kama. Huwag kang magshort! Magskinny ka nalang!" Ganting sigaw naman ni Francisco.
Tiningnan ko ang shirt na nasa patong sa kama.
Takte! Hindi na yata kasya sakin ito eh! Tumaba na kasi ako ng kaunti dahil sa araw araw na pagpapakain sakin ni Francisco.
Sinuot ko iyon. Ayos. Hindi pa masyadong masikip. Panakto lang.
Suot ko ngayon ang superman na yellow na pinasuot niya sakin dati.
"Kuya ayoko na sa enchanted" biglang sabi ni Chrien habang nasa kotse kami.
Beh oo naman kapatid! Hindi ka ba nagsasawa don? Wow! Lakas makayaman ah! Dejokelang. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko ay hindi kami makakapunta ng kapatid ko dun. Ang mahal kaya dun taz hindi mo naman masasakyan lahat ng rides. Ang haba ng pila!
"Saan mo gusto pumunta bunso?" Magiliw na tanong naman ni Francisco.
Ayan! Diba? Spoiled!
"Sa starcity naman Kuya Paul!" Masayang sagot ni Chrien.
Hindi na ako nagsalita pa. Wala rin naman akong magagawa kapag itong dalawang ito ang nagkasundo.
Ilang oras din ang lumipas ng marating namin ang starcity. Kahit pala weekdays ay marami rin ang napunta dito.
"Nei eto oh idagdag mo sa pambi-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung tiningnan niya ako ng hindi maganda. Alam ko na ang ibig niyang iparating.
Madalas kasi kami magtalo pagdating sa ganitong bagay. Ayaw ko naman kasi na palagi nalang siya ang nagastos. Nakakahiya yung ganon. Di naman porket mayaman siya ay palaging siya nalang ang taya. Palagi niya ngang sinasabi sakin na siya daw ang lalake kaya dapat lang siya lahat.
Wow! Eh ano ako? Elyen? Saan ako nahahanay? Sa unidentified. Haaay. Lakas talaga ng sapak ng boyfriend ko no?
Naglakad na kami papasok sa loob. Hawak niya sa kanyang kaliwang kamay si Chrien at ang kanang kamay naman niya ay nakaakbay sakin. (kiligmats! Over) hahaha!
Pinagtitinginan nga kami ng mga nakakasalubong namin eh. Ito namang taong kasama ko ay parang walang pakialam sa mga nakakasalubong. Kapal din ng peslak nu?
"Kuya tara dun tayo!" Turo ni Chrien sa Peterpan's World.
Pumasok kami. Ang ganda. Bumabalik tuloy ako sa pagkabata ko. Kumpleto ang mga characters ng peterpan.
Nauuna si Chrien sa paglalakad kasunod naman kaming dalawa ni Francisco. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Francisco ang kamay ko habang patuloy kami sa paglalakad.Nakakakilig. Sana palagi kaming ganito. Ang saya saya ko. Hindi ako nagkamali ng taong minahal. Salamat Lord at salamat kay Lolo.
Matapos namin dun ay isinunod naman namin ang iba pang tinuturo ni Chrien.
"Kain muna tayo" yaya ni Francisco.
Kaya eto ngayon kami sa tabi ng isang malaking falls dito sa loob ng starcity.
"Nei ako na oorder" prisinta ko. Alam niyo na baka sumpungin nanaman itong abnormal na ito.
Pumili na ako. Iniwan ko na sila sa table habang naglalaro ng psp. Naruto shippuden. Paborito namin yun.
Habang nakapila ako ay napansin kong may tatlong lalaki ang papunta sa pinipilahan ko.
Nagkukwentuhan yung dalawa at ang isa naman ay biglang napatigil nung aktong nasa harapan ko na.
Nakatitig lang siya sakin.
Hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sakin."Kuya bakit?" Untag ko sa kanya pero wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanya. Hindi siya naalis sa harapan ko.
Naramdaman ko nalang na biglang umakbay sa balikat ko.
"Nei anong problema dito?" -Francisco.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb