The moment of truth
Chriden PoV
Ilang araw narin ang lumipas mula nung dinala ako ni Luis sa Bicol. Pumunta din kami sa bahay ng Lolo niya at nakipagkwentuhan. Ganon parin si Lolo - nakakatakot parin pero mabait. Feel at home nga ako dun eh.
Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa nalaman ko.
Flashback 1.0
"Oh nag-enjoy ba kayo sa pamamasyal sa farm?" Nakangiting salubong samin ni Lolo. Sinama kasi ako ni Luis sa paglilibot. Alam ko naman na ginagawa niya lang iyon para maging okay ang lungkot na nararamdaman ko.
"Opo Lo. Niyayakag ko nga po si Den dun sa batis - para makapagrelax relax ng kaunti" ngiting sagot naman ni Luis.
Napuntahan ko na yung batis dati. Ayy aksidente ko lang palang napuntahan. Nahulog kase ako at di sinasadyang dun ako lumagpak. Di ko tuloy maiwasan na maalala na yung mga nangyari nung nakapunta ako dito nung unang pagkakataon.
"Tamang tama. Isama niyo na yung bisita dun sa batis. Magpapadala narin ako ng pagkain dun kay Rico" mungkahi naman ni Lolo.
Rico?? Ayy oo! Siya yung tumulong sakin dati nung napilayan ako. Musta na kaya yun? Kilala pa kaya ako nun?
Bisita? Wala naman kaming inaasahan na pwedeng maging bisita namin. Ako wala - pero baka si Luis meron. Ayy naku! Bahala sila. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makapunta na sa batis at makapagtampisaw dun. Marerelax ako sigurado.
"Sinong bisita Lo? Wala naman kaming ine-expect na bisita ah" takang tanong ni Luis.
"Malalaman niyo rin mamaya. Sige na at mauna na kayo sa batis - ipapasabay ko nalang kay Rico yung bisita niyo" sagot ni Lolo sabay talikod samin.
Wala na kaming nagawa ni Luis. Nagtungo na kami pababa sa batis. Ang ganda! Hindi ko akalain na ganitong kaganda yung batis. Nung nahulog kasi ako dati dito ay madilim kaya di ko nakita ang mga nasa paligid.
May mga upuan sa gilid at maliliit na lamesa. Napapaligiran ng makikinis na bato na bahagyang nababasa ng tubig na nanggagaling sa batis. Mahinahong daloy ng napakalinaw na tubig. Napapaligiran ng mga malalaking puno dahilan para hindi gaanong masinagan ng araw.
"Ang ganda..." Mahinang sabi ko.
"Tara dito Den.. Upo tayo..." Yakag naman sakin ni Luis na nakaupo na sa upuan at nakaharap sa batis. Kaagad akong nagpunta don at naupo. Ang sarap sa pakiramdam. Ang presko. Ramdam na ramdam ko ang mapipinong at malinis na hangin. Sana may ganitong lugar sa Cavite.
"Sir eto na po yung pagkain..." Sabay kaming napalingon ni Luis.
"Oyy Rico!! Musta ka na!?" Masayang bati ko sa kanya.
"Sir Den kayo pa pala.. Okay lang po. Kayo po musta na?" Nahihiyang sagot niya."Lakas mo maka-Sir. Den nalang. Tara upo ka narin dito. Kain tayo" nakangiti kong yaya sa kanya.
"Salamat po... Nga po pala kasama ko po yung bisita niyo..." Kasunod nun ay ang paglipat ng tingin niya sa kanyang likuran.
Sabay kaming sumunod tingin ni Luis.
"Roxanne?? -Roxanne
"Roxanne..." Mahinang reaksyon ko.
Siya ba ang bisitang tinutukoy ni Lolo? Jusko naman Lolo. Akala ko naman kakampi kita. Bakit parang mas pinapabigat mo pa ang nararamdaman ko?
"Pasensya na... Biglaan ang pagbisita ko..." Mahinahong sabi niya habang dahan dahang lumalapit samin.
Bakit kaya sa tuwing pinipilit kong maging okay saka palaging sumasabay ang mga ganitong pagkakataon? Nananadya talaga ang panahon sa nararamdaman ko. Pinipikon ako ng pagkakataon.
"Den... Pwede ba tayong mag-usap?" Diretsang tanong sakin ni Roxanne.
Siguro papakiusapan niya akong layuan ko na si Francisco. Sasabihin niya na hayaan ko na silang dalawa at ipapamukha niya sakin na may anak na silang dalawa. Ganoon naman palagi eh. Ganoon yung napapanuod ko sa mga teleserye at nababasa ko sa storya sa wattpad. Syempre dahil sa hindi ako babae - magpaparaya ako. Sasabihin kong okay lang sakin kahit hindi. Haaaay... Kailangan ko nanaman labanan ang dalawang mata ko sa pagpatak ng luha. Mararamdaman ko nanaman yung pangangalay ng bagang ko sa pagpipigil ng paghikbi ko.
Tumingin ako kay Luis. Yung tinging gusto kong malaman kung tama ba na makipag-usap ako kay Roxanne.
Bahagyang tumango si Luis. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.
Nagsimula na kaming maglakad ni Roxanne. Halata kong ayaw niyang marinig nila Luis kung ano man ang bagay na pag-uusapan namin. Ramdam ko rin na gusto niya akong makausap ng masinsinan dahil napansin ko ang malamlam niyang mata.
Umupo kami malaking bato na nasa tabing batis. Malilim dito dahil sa malaking puno na nasa gilid namin.
"Tungkol ito kay Paul..." Mahinahong sabi niya habang nakatuon ang kanyang mata sa patuloy na nag-aagos na tubig sa batis.
End of Flashback
"Oh tulala ka nanaman diyan Den!" Puna sakin ni Sheryl habang dala dala ang biniling dalawang iced tea at fries.
"Ikaw talaga! Isip ka nanaman ng isip! Wala ka namang isip!" Pabalang na dugtong niya.
"Namo!" -Ako.
"Pagkatapos nito Den uuwe na ako. Mangangaroling pa ako samin. May usapan kami ng mga kaibigan ko dun eh" seryosong sabi niya.
"Tangnaka! Katanda tanda mo na!" Reaksyon ko.
"Wala kang pakialam! Gumawa pa nga ako ng tambol kagabi eh!" Sersoyong sagot ulit niya.
Jusko! Magkaroon ba naman ako ng ganitong klaseng kaibigan!
Natigilan ako bigla nung napansin kong may taong nakatayo sa harapan namin ni Sheryl. Hindi ko pa inaangat ang mukha ko para makita ko ang mukha niya. Tanging simula tiyan paibaba lang ang nakikita ko pero amoy na amoy ko ang napakapamilyar na amoy.
Dahan dahan kong inangat ang tingin ko. Unti-unti ko ng nakikita ang kabuuan ng katawan niya hanggang sa magtama ang mga mata namin.
"Pwede ba kitang yayain mag-dinner?" Sabi niya sa pinakamalambing niyang boses. Hindi ko maipaliwanag kung nakangiti ba siya o ano pero ang tanging nakikita ko lang ay ang taong dahilan kung bakit patuloy na kumakalabog ang dibdib ko.
"Francisco...."
Author: Magandang Gabi po! Malapit na po ang ending :) Pagkatapos po ng Right Love Wrong Time - sisimulan ko na po yunh Book 3 :)
Pengeng votes and comments :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb