I want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you -and only you. -Den.
Chriden PoV
Napansin kong namutla si Jaime nung marinig niya yung sinabi ni Noah.
"Diba sinabi mo yun Kuya?" Pamimilit ni Noah.
"Uyy si Kuya Mark may gusto kay Kuya ko..." Panunukso naman ng kapatid ko.
"Tumigil nga kayong dalawa diyan.. Puro kayo kalokohan. Tara dun tayo sa kabila" saway ni Jaime sa dalawang bata.
"Talaga Noah? Sinabi ni Kuya Mark mo yun?" Tanong ko kay Noah.
"Opo Kuya. Sinabi niya yun habang nagpapraktis siya tumugtog ng gitara. Tinatanong nga po ako ni Kuya kung boto daw ako sayo sa para sa kanya eh" mahabang sagot ni Noah.
"Noah!" Pigil ni Jaime.
Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Jaime sa mga sandaling ito.
"Eh ano sagot mo?" Muling tanong ko kay Noah. Pareho namin hindi pinansin ang pagpigil ni Jaime kay Noah.
"Syempre sabi ko Kuya botong boto ako sayo" ngiting sagot naman ulit sakin ni Noah.
"Salamat... Pero hindi pa pwede sa ngayon Noah. Mahirap ipaliwanag kasi bata ka pa. Pero kapag sigurado na ako - sana boto ka parin sakin" ngiting paliwanag ko kay Noah.
Nakita kong nakatingin sakin si Jaime. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.
Mahirap sumabak sa giyera kapag may tama pa ng baril diba? Ang lalim pero ayoko naman lokohin ang sarili ko na hindi na ako apektado.
Apektado pa ako.
Ayoko rin naman lokohin ang sarili ko na hindi ko nararamdaman ang pagtingin sakin ni Jaime. Obvious kasi masyado.
"Oy Kuya narinig mo sinabi ni Kuya Den? Hindi pa daw pwede ngayon! Kaya bukas mo nalang siya pakasalan!" Sigaw ni Noah dahilan para mapatawa ako.
Napatawa rin yung ibang schoolmates namin na na-assign sa katabi naming booth.
"Jaime kung maghapon kang tutulala diyan hindi natin maeenjoy ang araw na ito" pansin ko sa kanya dahilan para bumalik siya sa katinuan.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at paggala sa loob ng school.
"Den!!!!! Deeeeeeeeeeen!!!!!"
Juskopo! Alam niyo na kung sino yun! Wala namang ibang character dito na ganyang kabalahura ang bunganga.
"Napakabalahura talaga ng bibig mo She! Agad atensyon!" Bati konsa kanya.
"Tapos ko ng basahin yung Por-"
"Hayup ka! Bunganga mo! Hindi ako interesadong basahin yun!" Pigil ko sa kanya habang takip takip ko ng kamay ang bibig niya."Den try mo ito" sabay turo ni Mia sa mga cookies na nasa basket.
"Para sayo - free yan" ngiting dugtong niya.
Kumuha ako ng isang cookie. Binuksan ko ang nakarolyong maliit na papel at binasa ko iyon.
Don't worry. Things will be more better. Keep moving forward.
"Nobela ba ang nakasulat? Bakit napakatagal mong magbasa? Gusto mo basahin ko para sayo!?" Inis na puna sakin ni Sheryl.
"Abnormal!" Sagot ko sa kanya.
"Kuya ikaw try mo. 10php lang" alok ni Mia kay Jaime.
Nag-abot ng pera si Jaime at kaagad na kumuha ng cookie. Katulad ng ginawa ko ay binuksan rin niya ang nakarolyong papel at binasa niya iyon.
Ngumiti siya bago niya nilagay sa bulsa ang maliit na papel.
"Kuya! Kami din ni Ien!" Singit ni Noah.
Kumuha ng tig-isang cookie silang dalawa at mabilis binuksan ang papel.
"Kuya Den bakit ganito yung sakin?" Sabay pakita ni Chrien ng kanyang papel.
Kalahating parte ng puso at wala kahit na anong salita.
"Ibig sabihin niyan ay walang masabi sayo ang mga fortune cookies" ngiting sagot ni Mia.
"Oah ikaw ano nakalagay?" Tanong ng kapatid ko.
"Wala" malungkot na sagot ni Noah sabay tago rin ng maliit na papel sa bulsa niya.
"Tara! Kain muna tayo" yaya ni Jaime.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang ilang oras na hindi na namin napansin. Hindi rin namin naramdaman ang pagod dahil nakakawili ang paglilibot sa loob ng school.Bukas ako naman ang naka-assign sa booth namin saka si Sheryl. Sana marami kami kitain bukas sa booth para sa Christmas party namin.
Malapit na nga pala ang Christmas. Malapit narin ang birthday ko. Dec 24. (huwag na yung year - mabubuko edad ko. Hahahaha!)
Dapat rumaket na uli ako sa banda. Para makaipon. Kailangan may mairegalo ako kay Mama at sa kapatid ko. Ayaw naman kasi ako payagin ni Mama magtrabaho sa mga fastfoods eh. Mas maganda sana dun.
Nakaupo kami ngayon dito sa cafeteria. Pahinga. May 3 oras pa kasi bago matapos ang activities ngayong araw na ito.
"Kuya gala naman tayo sa tagaytay" narinig kong sabi ni Noah sa kuya niya.
"Isang linggo pa itong Foundation namin Noah. Saka may pasok ka bukas. Bawal umabsent. Nagkataon lang na wala kayong pasok ngayon kaya naisama namin kayo ni Chrien" mahabang sagot ni Jaime.
"Edi sa isang linggo. Kapag walang pasok! Si Kuya talaga!"
Kaiba talaga itong si Noah. Nakakatuwang kasama.
"Teka kukuha lan-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung biglang may humawak ng dalawang kamay ko.
Nilagyan ako ng posas.
"You are under arrest because of wearing skinny jeans!" Sabi ng lalaking mukhang isda.
Hala! Parang nangyari na ito dati ah!
Krimen na ba talaga ang pagsusuot ng skinny jeans!
"Takte! Bitawan niya ako! Mukha kayong tilapya!" Sigaw ko.
"Kuya!"
"Den!"Magkasunod na sigaw nila Jaime at dalawang bata.
Wala na akong nagawa dahil sa malakas na paghila sakin ng tatlong tilapya.
"Bitawan niyo ako! Kapag ako nakawala ibabalik ko kayo sa dagat! Panget!!!!!" Patuloy na sigaw ko dahilan para pagtinginan ako ng mga taong masa paligid namin.
Hindi rin nagtagal ay tumigil kami sa isang maliit na booth. Simple pero astig. May malaking kulungan. Pero kakaiba ang kulungan. Di ko maipaliwag yung kulungan.
"Pasooook!" Sabi ng mga isda at tuluyan akong naipasok sa loob ng kulungan.
"Magkano piyansa?" Tanong nung babaeng nagdidikit kung magkano ang piyansa para makalabas ang nakakulong.
"Wala. Basta hayaan lang daw sila diyan eh" sagot ng isda.
Takte! Paano ako makakalabas kung walang piyansa! Mga hayup tong mga to ah!
"Mukhang ito lang ang paraan para makausap ka ah..." Narinig kong boses mula sa loob ng kulungan.
Author: maaga ako nag-update para makapag-update ulit mamaya. :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb