How do I breathe.
Lloyd PoV
Ilang buwan ng nakalipas simula nung mapagpasyahan kong bumalik dito sa Baguio. Namiss ko ito ng sobra.
May business kasi kami dito at nagkataon na kailangan din ako dito.
Marami kaming clients sa iba't ibang bansa. Nagustuhan yata ang produkto namin. Ayos yun dahil don ay mas magiging successful ang business namin.
Nandito ngayon ako sa kwarto ko. Nagpapahinga ako nung biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello..." Pagsagot ko sa tawag.
Biglang nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang kasunod na sinabi ng taong kausap ko. Si Kerby yung tumawag.
"Alam na ba ni Den ito!?" Malakas kong tanong sa kanya.
Nangangatal ako sa nararamdaman kong galit.
"Tangina! Wala siyang kwenta!" Sigaw ko kasabay nun ay ang pag-end ko ng tawag.
Mabilis akong nag-ayos ng gamit.
Hindi ko na dinala ang ga bagay na hindi naman importante. Ang mahalaga lang ay makabalik agad ako sa Cavite."Mharkie saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Tita nung nakitang halos takbuhin ko na ang sasakyan ko.
"Tita kayo na po muna ang bahala dito. Babalik na po muna ako sa Cavite. Matatagalan pa po uli ang balik ko dito. Ipapakuha ko nalang ho ang ibang gamit ko dito" mabilis kong sabi sa kanya. Hindi ko na nga naintay pa ang kasunod niyang sasabihin dahil mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan ko.
Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan ko. 5:30pm. Friday.
Matapos nun ay sinimulan ko ng tahakin ang daan pauwe.
Hindi ko na naisip na magstop over para kumain o gumamit ng cr. Wala na akong dapat pang aksayahing oras. Alam ko sa pagkakataong ito ay kailangan niya ng taong kasama, taong kausap at taong mapagsasabihan niya ng nararamdaman niya.
Kailangan ako ni Den ngayon.
Tangina ka Paul!
Paano mo nagawa ito kay Den!?
Bakit ko nagawa ito kay Den!?
Wala kang kwentang tao!!!Pasado alas singko na ako dumating sa boundary ng Cavite. Hindi na ako dumiretso ng uwe sa bahay ko. Sa bahay agad ako nila Den dumiretso.
"Oh Kuya Lloyd! Bakit napakaaga mo?" Bati sakin ni Chrien na halatang nagising dahil sa pagkakakatok ko sa pintuan nila.
"Nasaan si Kuya Den mo?" Mabilis kong tanong sa kanya at halos pumasok na ako sa loob ng bahay nila.
"Wala si Kuya. Nasa retreat sila ngayon. Ang alam ko sa tagaytay yun kuya Lloyd" sagot uli ni Chrien habang nagpupunas ng mukha.
"Okay sige. Salamat Chrien" sabi ko agad at mabilis na akong bumalik sa sasakyan ko.
Muli akong tumingin sa digital clock. 5:45am.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungong tagaytay. Isa lang ang alam kong retreat house na palaging pinupuntahan ng school namin. Angels Hills.
Nasa tapat na ako ng Angels Hills.
Pinapasok naman ako ng guard ng gate at mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko.Mabilis akong naglakad papasok sa loob.
"Excuse me... Nasaan ang mga studenta ng San Sebastian School?" Tanong ko sa isang tao doon.
Agad naman niyang tinuro sakin kung nasaan sila.
Binuksan ko ang pintuan ng dining hall. Nilibot ko ang dalawang mata ko.
"Den! Den!" Pagtawag ko sa kanya.
Nagtinginan sakin ang mga taong nandun pero wala akong pakialam sa kanila.
"Den!!" Muling pagtawag ko.
Nahagip ng mata ko ang taong hinahanap ko.
Muntik na akong mapatigil sa paglapit kay Den nung may nakita akong napakapamilyar na mukha.
Paglapit ko kay Den ay mabilis ko siyang niyapos.
"Den... I'm here..." Sabi ko sa kanya.
Tinitigan ako ni Den matapos kong tanggalin ang pagkakayapos ko sa kanya.
Halos samin lahat nakatuon ang atensyon ng mga taong nakain sa loob ng dining hall.
"Teka nga... Ano bang problema? Bakit ba kayo nagtatanong kung okay ako?" Takang tanong ni Den.
Teka. Sa tono ng pagtatanong ni Den ay mukhang wala pa siyang alam sa nangyayari.
"Ikaw Jerome!" Sabay tingin niya kay Jerome.
"At ikaw Lloyd!" Tingin naman niya sakin.
"Ano bang problema? Bakit bigla bigla kayong sumusulpot dito at tatanungin niyo kung okay ako!?" Tanong ni Den saming dalawa ni Jerome.
Nauna na pala si Jerome sa pagdating dito kay Den. Ibig sabihin mas naunang nalaman ni Jerome ang nangyari at ginawa ni Paul bago sabihin sakin ni Kerby.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jerome at kapwa kami walang maisagot sa tanong samin ni Den.
"Tara! Uuwe na tayo!" Sabi ni Jerome sa pamamagitan na matigas na boses.
"Den mag-usap tayo!" Sabi ko naman sa kanya.
Nasa amin parin ang atensyon ng buong dining area. Wala akong ibang naririnig kundi ang boses lang namin ni Jerome.
"Ehem... Excuse me... Nasa retreat house tayo..." Singit ni Sheryl.
"Jerome...Lloyd... Kung ano man ang problema pwede ba patapusin muna natin itong almusal. Saka hindi pwede umalis si Den dito. Retreat ito at hanggang bukas kami dito..." Dugtong ni Sheryl.
"Jerome, Lloyd hindi ko alam kung ano bang problema niyo pero saka na tayo mag-usap. Umuwe na muna kayo" singit uli ni Den.
"Susunduin kita bukas" narinig kong sabi ni Jerome at mabilis na tumalikod at lumabas ng pinto.
"Aantayin kita sa bahay niyo. Hindi ako uuwe hanggat hindi tayo nakakapag-usap" sabi ko sa kanya at kaagad narin akong umalis.
Nakakaagaw na kasi kami ng atensyon.
Matapos yun ay bumalik na ako sa sasakyan ko.
Den...Paano ko nga ba sasabihin sayo...
Author: whaaaa! Hindi pa nagtatagal ang book 2 parang climax na agad. Eh mahaba pa to.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb