Tara don naman tayo. Masaya don!

6.2K 228 13
                                    

Am I supposed to live you now - when you're looking like that.

@ppocoronel - kinukulet ako sa pag-a-update! Hahaha

@mickey - sensya na po di makareply sa text - nag-a-update po kasi ako.

@Raeallain - nakachat mo daw si Francisco? Hahaha! Sensya na. Laseng yun nung isang araw. Gamit niya cp ko.

Chriden PoV

"Paano? Tara na. Tayo nalang ang nandito. On the way na sila sa starcity" biglang sulpot ni Francisco sa labas ng CR.

"Ha? Teka.. Si Sheryl nasa psychelab pa" sagot ko sa kanya.

"Si Sheryl? Siya pa nga ang nagyakag na umalis na. Excited na excited na nga siya eh kaya ayun sumabay na kina Kerby" mahabang paliwanag niya.

Langya ka Sheryl! Sabi mo sakin dadaanan mo lang sa psychelab yung reference ng thesis natin dahil alam mong nakauwe na sila Ellen tapos nauna ka na pala! Lagot ka talaga saken! Hudas ka!

"Ahh ganon ba. Abnormal talaga yung babaeng yun. Wait lang. Magpalit lang ako ng damit" sabi ko ulit sa kanya.

Ayoko naman sumama dun sa starcity na amoy sawsawan ng isaw ang damit ko. Sa sobra kasing ka-excited-an ni Sheryl ay natabig niya ang tasa at tumilamsik sa damit ko. Kaya ang ending eto - amoy ihaw ihaw ako! Gaslaw kasi ee. Parang first time lang makakapunta sa starcity.

Kinapa ko ang laman ng bag ko. Lagi kasi akong may dalang extrang tshirt just in case na pagpawisan o madumihan ang suot kong uniform o damit.

Pinagpag ko ang extrang damit ko at nanlaki ang mata ko nung makita ko kung ano yung nadala ko.

Yellow Superman Shirt

Jusko! Ang dami kong pwedeng madalang damit bakit ito pa? Bakit ngayon pa! Bigla tuloy pumasok ulit sa isipan ko ang mga nangyari samin ni Francisco dati.

Oo na! Kinikilig na ako. Pagbigyan niyo na - ngayon lang naman eh.

"Uyy Denden! Ang tagal mo naman magbihis. Gusto mo tulungan na kita?" Malakas na sabi ni Francisco pero naiimagine ko yung mukha niya. Nakangisi habang nakasilip sa pintuan.

Akitin ko kaya?
Tatalab pa kaya?
Hahaha! Huwag na! Baka pumayag pa ako at dito pa sa school mangyari yung... Ayy! Bad bad bad! Bad yon!

"Kapag di ka pa lumabas diyan papaso-"

Biglang natigilan si Francisco nung nakita niya akong lumabas ng pintuan. Parang scanner nga ang mata niya dahil sa pagkakatingin niya sakin mula ulo hanggang paa. Natuon ang atensyon niya suot kong damit.

"Bakit? Mahalay ba? Tumaba na kasi ako ee..." Nahihiya kong tanong sa kanya.

"Hindi!!! Ah.. Ibig kong sabihin.. Maganda.. Bagay.. Bagay parin sayo..." Patigil tigil niyang sagot sakin.

"Wait kang Denden... Magbibihis lang din ako... Pawis na pawis na ako oh.. Mabaho na suot ko" matapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang tumakbo papuntang sasakyan niya at mabilis din nakabalik at pumasok sa loob ng CR.

"Lets go?" Sabi niya habang nakatayo sa pintuan ng CR.

"Oh bakit? Mahalay ba? Laki ng dibdib ko noh?" mayabang niyang tanong sakin.

Ako?
Eto namumula.
Kinikilig nanaman ako - shet!!!!

Suot rin niya yung sando shirt niyang yellow superman.

"Ahh.. Hindi... Bagay parin sayo..." Mahinang sagot ko at tumalikod na ako sa kanya. Baka kasi hindi ko kayanin at biglang lumundag ang puso ko.

"Mas magiging bagay siguro kung sabay tayong maglalakad" narinig kong sabi niya at bigla nalang niyang ipinatong sa balikat ko ang kanang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad.

Napansin ko ngang nakatingin saming dalawa ang mga estudyanteng nakapaligid samin. Lalo tuloy akong namula at pakiramdam ko ay naririnig ko yung bawat pagtibok ng puso ko.

Nilingon ko ang mukha ng taong nakaakbay sakin. Napakalawak ng pagkakangiti nito at yung lakad niya? Ang yabang!

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Matapos kong umupo ay umikot naman siya at umupo narin sa driverseat.

Bago tuluyang paandarin ang sasakyan ay sinalpak niya ang cellphone niya sa mini-component ng kotse niya.

Pls play. Close to you - Carpenters

Habang nasa daan kami papuntang starcity ay wala parin nagsasalita saming dalawa. Epekto ata ito ng damit na suot ko - suot niya. Ganun nga ba yun? Awkward naman.

"Gusto mo munang kumain?" Basag niya sa katahimikang bumabalot samin habang paikot na kami sa parking lot ng starcity.

"Mamaya na siguro. Medyo busog pa ako eh. Dami kong nakain na isaw kanina" sagot ko sa kanya.

Matapos niyang i-park ang sasakyan ay sabay na kaming bumaba at naglakad papasok ng starcity. Siya ang nagbayad ng entrance fee. Kakahiya nga eh. Pero wala akong magagawa - wala rin akong pera. Pakapalan nalang ng mukha. Hahaha.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko habang nakatingin ako sa mga nakasabit na mga stuffedtoys.

"Lets go... Nasa harap daw sila ng rollercoaster" sabi niya at naramdaman kong pinag-intertwined niya ang kamay namin.

Sige Francisco! Kapag ako hindi nakapagpigil sa nararamdaman ko - yayain na kitang umuwe ngayon din! At ikaw naman ang kikidnapin ko!

"San ba kayo galing!!? Sogo? Mariche? One Serenata? Postema apartle? O E.M?" Malakas na tanong ni Sheryl saming dalawa nung nasa malapit na kami sa kanila.

Takteng babaeng to! Puro motel ang sinabi niya ah! Tingin naman niya sa kasama ko! Di ako dadalahin nito sa mga ganoon noh! Sa Kartini kaya! Hahaha! Dejokelang. Baka maniwala pa kayo.

"Tumigil ka nga sa kalokohan mo! Sabi mo kanina pupunta ka lang ng psychelab - yun pala ikaw pa nagyakag na mauna dito!" Pagalit kong sagot sa kanya.

"Ano ka ba Den! Syempre kung ganitong kagugwapo ba makakasabay ko - kahit iwanan pa kita, gagawin ko! Sabi ko nga sa motel nalang kami magpunta kaso KJ tong mga to!" Seryosong kwento niya.

"Malibog ka talaga! Tara na nga!" Sagot ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglibot.
Sumakay kami ng mga rides at naglaro kami ng mga games. Ang saya nga eh. O sabihin ko na nga ang totoo - ang saya kasi kasama ko si Francisco. Sa tuwing maglalakad kami ay nakaakbay siya sakin o di kaya ay hawak hawak ang kamay ko. Minsan nga nagkakatinginan kaming dalawa at bigla nalang kaming sabay iiwas ng tingin sa isa't isa. Lalo na nung pinansin ni Allen yung suot naming damit. Todo kantyaw nga si Sheryl eh.

"Tara don naman tayo! Masaya don!" Malakas na sigaw ni Sheryl habang nakaturo sa horror house.

Bigla akong natigilan at napatingin kay Jerome. Bigla kasing pumasok sa isipan ko yung nangyari dati. Yung unang beses kong nahalikan si Jerome at may ibang kahalikan din si Francisco.

Napatingin din si Francisco kay Jerome.

Si Jerome? Ewan ko dun, biglang napangiti.

"Oyy Jerome - hindi kami sasama sa horror house ni Den. Kayo nalang" diretsong sabi ni Francisco.

Author: magandang gabi! :)

Pengeng votes and comments aa! :) salamat!

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon