Oyy! Luis musta ka na?

6.3K 241 21
                                    

Parting time.

Paul Francisco PoV

Shit. Ang galing mo talaga Den.

Tanging nasabi konsa sarili ko habang pinapakinggan ko siyang kumanta. Ang tagal na nung huli ko ulit narinig ang boses mo.

Aktong tatayo na ako para salubungin si Den nung naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sakin ni Roxanne.

Napatingin ako sa kanya at umayos na ako ng pagkakaupo.

Kailangan makapag-usap tayo Den. Kailangan maipaliwanag ko sayo ang lahat. Gusto kong maintindihan mo ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong nagising o sabihin na natin na halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kung paano ko nga ba makakausap si Den at kung paano ko ba ipapaliwanag ang lahat ng nangyayari.

Napakaraming katanungan ang pumapasok sa isipan ko at wala akong masagot kahit isa.

Lumipas ang buong maghapon na nakaupo lang ako sa terrace namin.

Nag-iisip.

Maghapon na yata akong nag-iisip pero wala man lang pumapasok sa isipan kong ideya.

Napansin kong paparating si Luis. Katulad ng unang dating ko dito sa bahay ay plain emotion parin siya.

Nagulat nalang ako ng biglang nilapag niya sa harapan ko ang susi ng sasakyan niya.

"8pm. Tanza Park"

Pagkasabi niyang iyon ay mabilis na siyang bumalik sa loob ng bahay at hindi na muli ako kinausap.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Chriden PoV

"Oh anong nangyari sayo Den? Adik ka ba?" Seryosong tanong sakin ni Sheryl habang nandito kami sa cafeteria.

Mamaya pa kasi ang pasok namin. 9am pa. Kaya dito ulit namin uubusin ang oras namin.

"Napuyat lang. Di kasi ako gano nakatulog ee" pagpapalusot ko sa kanya.

Di na muli ako tinanong ni Sheryl dahil bigla nalang niyang inilabas ang isang libro at naging seryoso sa pagbabasa. Tahimik.

Hinayaan ko muna siya. Ngayon ko lang kasi nakitang nagkainteres sa libro itong babaeng ito. Ayokong sirain ang moment niya.

Hanggang sa hindi na ako makatiis nantanungin siya.

"She may quiz ba tayo?" -Ako.

"Wala." Tipid niyang sagot habang nakatuon parin ang dalawang mata sa binabasang libro.

Kahit naman may quiz kami o recitation ay hindi naman talaga nagbabasa ng librong itong si Sheryl eh kaya nakapagtataka talaga.

"Eh ano ba yang binabasa mo?"
Takang tanong ko sa kanya.

Nilinga linga ni Sheryl ang paligid namin at bahagyang tumitig sakin. Hinarap sakin ang binabasa niyang libro.

"Hayop ka Sheryl! Saksakan ka talaga ng libog!" Sabi ko sa kanya nung makita kong puro mga nakahubad na lalaki ang nasa libro. Nakapose ng iba't ibang anggulo at walang kahit na anong saplot.

"Bakit!? Anong masama sa binabasa ko!?" Laki matang tanong niya sakin.

"Bastos ka talaga!" Sunod na sabi ko sa kanya.

Nag-discuss lang ang lahat ng mga prof namin at nagbigay ng case study. Individual.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan ko at itong kurso ito ang kinuha ko.

Napakahirap!

Nakakapiga ng utak!

"Be ready class. Recitation tayo nextweek" huling sabi ni Maam Maguad.

Iyon pa isa.
Grabe ang recitation kay Maam Maguad. Nakakakaba. Kasi kahit imemorize ko yung mga takedown notes ko ay wala dun ang mga sagot sa tanong niya.

"Mag-aral ka! Baka kung anu-ano nanaman ang basahin mo!" Bilin ko kay Sheryl habang papalabas kami ng school.

"Masaya kayang pag-aralan yun. Minememorize ko nga mga size nun in centimeter at meter ee" ngising sagot ni Sheryl.

"Teka She, nasaan nga pala si Kenneth?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi masyado nakikita si Kenneth.

"Ang sagap ng radar ko ay sinama siya ng Daddy niya sa... Ewan ko ba hindi ko naintindihan yung lugar eh" sagot ni Sheryl sakin.

Hala! Bigla bigla naalis si Kenneth.
Pero nung huli kaming magkausap dun sa library ay bakas sa mukha niya ang saya. Mukhang nagiging malapit na sila ng Daddy niya ah. Mabuti naman kung ganun.

Si Lloyd naman ay kausap ko kagabi sa phone. Kinailangan niya daw bumalik sa Baguio dahil may mga kailangan daw siyang asikasuhin at pirmahan. Hindi daw makaya ng tita niya ang business mag-isa.

Haaay... Miss ko rin si Lloyd. Hindi na kami nakapag-usap ng maayos nung huling nagpunta siya sa bahay namin.

"Sige na Den. Ingat ka pag-uwe!" Sigaw ni Sheryl habang pasakay ng bus.

"Ipapahiram ko sayo ito pagtapos kong tingnan lahat" sabay wagayway niya ng libro. Wala talagang kahihiyan itong babaeng ito.

Tinawanan ko nalang siya hanggang sa umandar na ang sinasakyan niyang baby bus.

Sumakay narin ako ng baby bus papuntang Tanza. Wala akong set ngayon sa banda. Nextweek pa.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hi! Musta kna?"
Sender: Luis Franco

"Oyy Luis! Musta ka na?"
Mabilis kong reply sa kanya.

Nagkwentuhan muna kami sa text. Wala siyang nababanggit na kahit na ano tungkol sa kapatid niya at kahit ako ay iniiwasan ko ang may mabanggit din ako. Mas maigi narin na hindi na namin pag-usapan ang kapatid niya.

"Den, kita tayo sa Park. 8pm"
Text niya sakin.

Tumingin ako sa orasan ng cp ko. 7pm. Pwede. Aabot naman ako. Nandito na kasi ako malapit sa Salinas.

"Okay sige. On the way narin ako. Kalalabas ko lang din ng school" mabilis kong reply sa kanya.

Sigurado ako marami nanaman ikukwento si Luis tungkol sa mga kalokohan niya. Bidang bida nanaman sigurado siya.

"Okay. See you later" huling text niya at hindi ko na iyon nireplyan.


Author: sensya po. Short update...

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon