Doon ka sa condo titira.

6.3K 261 95
                                    


Flashback cont.

Pinaupo ko muna silang tatlo at nag-umpisa na akong magpaliwanag.

"Paano nangyaring hindi mo alam eh - "

"Hindi ko nga alam Leo! Wala akong masyadong matandaan!" Halos mapalakas na ang boses ko. Naiinis narin kasi ako sa nangyari. Naiinis ako sa sarili ko.

"Paano kung mabu-"

"Shut up Marcus! Hindi pwede mangyari yun!" Mabilis kong putol sa sasabihin ni Leo.

Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na silang umalis. 2pm daw kasi ang flight nila pabalik sa Pinas kaya kailangan na nilang mag-ayos.

Pilit tuloy pumapasok sa isipan ko ang umuwe na sa Pinas. Gusto ko na ulit makita at masaka si Den. Sobrang namimiss ko na siya.

Lumipas ang mga araw. Busy kami sa campany ngayon. Daming reports at dapat kausaping clients.

Hindi ko na nga napapansin ang oras.
Minsan nakakatulog na ako sa campany o sa opis ko dahil sa dami ng trabaho.

Nandito ako ngayon sa opis ko. Binabasa ko kasi ang business proposal na binigay ng secretary ko.

"Sir may gusto pong kumausap sa inyo" sabi ng secretary ko matapos pumasok sa opis ko.

"Madami akong ginagawa Sofia. Sino ba daw siya? At anong kailangan niya?" Diretsong tanong ko habang nakatingin ako sa dokumentong hawak ko.

"Roxanne daw po ang pangalan"

Bigla akong natigilan nung narinig ko iyon. Nakaramdam ako ng biglang panlalamig at kaba nung binanggit ni Sofia ang pangalang Roxanne.

"Ah..Sir? Papasukin ko po ba?" Muling tanong ni Sofia na nagpabalik saking ulirat.

"Ah..Sige.." Tipid kong sagot.

Matapos kong sabihin iyon ay halos hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko pero kakaiba talaga.

"Pasensya na sa abala..." Narinig kong boses mula sa kanya.

"Ah..Okay lang... Napasadya ka?" Diretsong tanong ko sa kanya. Ayoko kasing ipahalata na medyo hindi ako komportable.

"Tungkol ito sa nangyari satin...." Malumanay na sabi niya na dahilan para lalo akong manlamig at makaramdam ng sobrang kaba.

"Bakit? Anong nangyari?" Mabilis kong tanong sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Hindi na siya nagsalita. May isang bagay siyang inilapag sa table ko dahilan para mapahampas ako sa noo ko.

Tangina!
Ano ba itong nagawa ko!

Positive.

Binalot kami ng katahimikan.
Wala akong masabi.
Hindi rin siya nagsasalita.

Ano ba ang dapat kong gawin?
Blangko ang utak ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko!

Tangina naman!

"Huwag ka mag-alala... Hindi naman kita pinipilit panagutan ako... Ipinapaalam ko lang sayo..." Malumanay na pagkakasabi niya.

Ewan ko ba pero parang nung narinig ko iyon ay parang dinudurog ang puso ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Den.
Paano ko ipapaliwanag sa kanya?
Paano kung iwanan niya na ako?
Paano kung magalit siya?
Paano na kami?

O kaya...

Paano naman itong batang dinadala ni Roxanne?
Anak ko yan.
Ano nalang ang sasabihin sakin ng pamilya nila?
Baka makaapekto sa campany namin kapag hindi ko pinanagutan si Roxanne?

Tangina! Ang gulo ng isip ko!

"Okay sige... Pasensya na sa abala... Mauna na ako..." Sabi ni Roxanne at tumayo.

"Stay here. Magpapacheck up tayo. Mag-aayos lang ako" sabi ko nalang sa kanya at matapos nun ay sinuot ko ang polo ko at kinuha ko ang susi ng kotse ko.

Habang papalabas kami ng campany ay nakatingin lahat ng tao samin. Nakatingin din si Tito na bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit magkasama kami ni Roxanne.

Nagpunta kami sa isang hospital. Gusto ko kasing makasiguro na buntis nga siya. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kanya pero mabuti na yung sigurado.

Chineck up siya ng doktor.

Nalaman namin na maselan ang pagbubuntis ni Roxanne. Hindi daw makapit.

Ewan ko. Wala akong naiintindihan sa mga ganoong usapan. Ang pinaliwanag lang ng doktor ay maging maingat. Huwag daw magbubuhat ng mabibigat na bagay, huwag magpapagod at huwag daw magagalit o makakaramdam ng malalim na emosyon si Roxanne para hindi daw makaapekto sa bata.

Delikado daw kasi ang pagbubuntis ni Roxanne.

"So anong plano mo?" Malumanay paring tanong niya sakin habang nasa sasakyan kami.

Gulong gulo pa talaga ako. Pero wala akong magagawa. Nandito na eh. Bahala na.

Ayoko naman na mag-isip si Roxanne dahil sigurado akong makakaapekto iyon sa bata. Baka kung mapaano pa siya.

"Dun ka na sa condo titira para magkasama tayo. Sabihin na natin sa inyo ang nangyari" sinserong sagot ko sa kanya.

End of Flashback

Tiningnan ko si Roxanne habang nakahiga sa kama. Medyo malaki narin ang tiyan niya. Hindi naman ganoong kalaki pero mahahalata na buntis siya.

Nakapagpaultrasound na nga pala kami. Baby Boy ang magiging baby namin.

Magkahalong emosyon parin ang nararamdama ko.

Masaya, kasi magkakababy na ako.
Malungkot kasi... paano na kami ni Den? Mahal na mahal ko siya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.

Bihira na ako makatawag sa kanya. Ayaw ko kasing iparinig kay Roxanne na nag-uusap kami ni Den. Ayokong mag-isip siya. Naikwento ko narin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Den.

Wala naman siyang masamang sinabi pero ramdam ko ang guilt na nararamdaman niya. Kaya napagpasyahan ko na wag iparinig o ipaalam sa kanya na may koneksyon pa kami ni Den.

Muli akong tumayo at kumuha ng alak sa ref. Naupong muli sa terrace at nagsimula ko nanamang inumin ang bote ng alak.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?

Dapat ko bang sabihin kay Den?

Handa na ba ako sa magiging reaksyon niya?

Takte naman. Masasaktan ko nanaman siya.

"Babe... Halika ka. Pahinga ka na... Maaga pa flight natin sa Hongkong bukas..." Narinig kong sabi ulit ni Roxanne.

Oo nga pala. Pupunta kaming Hongkong bukas. Doon kasi gustong mamili ni Roxanne ng ibang gamit ni Baby at para narin daw makagala kami.

Author: ang saket ng puso ko sa chapter na ito. 😞😞😞😞

Pengeng comments and votes. Salamat.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon