Nasaan ka na?
Chriden PoV
"Relax ka lang Den... Express your feeling sa pamamagitan ng pagkanta" pagkasabi ni Vincent ay biglang nagsimulang tumugtog ang banda.
Namalayan ko nalang na may hawak hawak akong mikropono sa kaliwang kamay ko.
Hatinggabi, di mapakali
Di makatulog, di makangiti
Bakit ngayon? Hanggang ngayon nag-iisip... nagtatanong...Panimula ni Vincent sa kanta. Alam ko yung kanta dahil isa yan sa mga nasabi kong kanta na gustong gusto ko nung magkausap kami habang nakain ng dinner.
Sabi mo'y ako hanggang muling magkita...
Bakit ngayon nasa piling ng iba?Shit. Ano itong nararamdaman ko? Mas lalong dumodoble ang sakit na nararamdaman ko habang naririnig ko ang kanta.
Express your feelings sa pamamagitan ng pagkanta
Sinenyasan ako ni Vincent at nakuha ko naman ang nais niyang iparating.
Nasaan ka na?
Nasaan ka na?
Diba't pangako'y babalik ka
Hanggang ngayon nandito pa
Naghihintay, nagiisa
Nasaan ka na?Pagpapatuloy ko sa pagkanta.
Ramdam ko sa sarili ko na puno ng emosyon ang pagkanta ko. Puro scenario naming dalawa ni Paul ang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko habang nakanta ako.Alaala mo nasa isip ko
Di mawaglit, di malayo
Mga yakap mong walang kasing diin
Di maniwalang di ka na akinSabi mo'y ako hanggang muling magkita
Bakit ngayon nasa piling ng iba?Patuloy na pagkanta ko.
Tangina! Nararamdaman ko na anumang oras ay sasabog na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sumasakit na ang panga ko sa pagpipigil ng hikbi.Mas sobrang sakit pala ang sitwasyon ko kumpara dati. Ngayon saksi na ang dalawang mata ko, kitang kita ko na talagang wala na sakin si Paul. Wala na kami. Wala na yung dating kami.
Nasaan ka na?
Nasaan ka na?
Diba't pangako'y babalik ka
Hanggang ngayon nandito pa
Naghihintay, nagiisa
Nasaan ka na?Pagpapatuloy ni Vincent sa pagkata.
Diba't pangako mo'y ika'y babalik...
Nasaan ka na........Puno ng emosyon na pagkanta ko.
Nasaan ka na?
Nasaan ka na?
Diba't pangako'y babalik ka
Hanggang ngayon nandito pa
Naghihintay, nagiisa
Nasaan ka na?Sabay naming pagtatapos sa kanta.
Narinig ko ang nakakabinging sigawan, hiyawan at palakpakan. Hindi ko na naisip kanina na sobrang dami palang tao ang nasa harapan ko. Hindi ko na namalayan yun kasi iisang tao lang naman ang namayani kanina sa puso't isipan ko.
Matapos ang kanya ay bumalik na ako sa upuan namin.
"Ang galing mo talaga Kuya!" Puri sakin ni Chrien. Buti naman at nakangiti narin ang kapatid ko. Hindi kasi nagsasalita masyado kanina dahil nasigawan ko.
"Kuya Den - ikaw ba talaga yung kumanta?" Takang tanong naman sakin ni Noah.
"Galing mo talaga! Idol na kita" singit naman ni Jaime sa usapan.
Ayoko ipahalata sa mga kasama ko ang nararamdaman ko ngayong sandaling ito. Ayoko maapektuhan ang gabing ito. Ayoso masira dahil lang sa nararamdaman ko.
Nagpatuloy ang concert ng SSB.
Ang sasaya ng mga nasa paligid namin. Maliban lang sakin. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na titigan habang nakatalikod ang taong mahal ko. Ang taong iniwan ako.Umaasa kasi ako na lilingon siya at sasabihin niyang ang galing kong kumanta. Yung sasabihin niya palagi yung sinasabi niya dati kapag naririnig niya akong kumanta. Ang galing talaga ng Nei ko.
.
.
.
.
.
.
.
"Paano? Salamat sa pagsama samin ng kapatid ko...." Sabi ni Jaime habang nasa tapat na kami ng bahay namin. Hinatid ko na sa kwarto si Chrien dahil kanina pa nakatulog sa sasakyan ni Jaime. Si Noah naman ay nasa loob ng sasakyan at natutulog narin."Ahh... Jaime, pwede bang dito ka muna... Shot tayo.. Paantok..." Mahinang tanong ko sa kanya.
"Pwede! Ahh... Ibig kong sabihin pwede..." Medyo napalakas ang unang pagkakasagot niya.
"Buhatin mo muna si Noah. Dun muna silang dalawa ni Chrien sa kwarto para makatulog ng maayos..." Dugtong ko.
Ganoon na nga ang nangyari.
Kaya eto ngayon kami ni Jaime. Nakaupo sa terrace namin at kapwa may hawak na bote ng alak."Hindi ka ba magsasalita?" Basag niya sa katahimikang bumabalot samin.
Kapwa kasi kami tahimik.
Wala kasi akong masabi o maikwento dahil lulan ang buong pagkatao ko ni Paul. Lulan ang sarili ko ng sakit na araw araw at gabi gabing namamayani sa sarili ko."Bakit ayaw mong umiyak? Wala naman nagbabawal sa pag-iyak diba?" Seryosong sabi sakin ni Jaime na naging dahilan para mas lalong umapaw ang sakit na nararamdaman ko.
Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa dalawang mata ko. Kahit na anong gawing kong pagpigil ay di ko na kaya. Patuloy na itong nagdaloy sa magkabilang pisngi ko.
"Gusto ko sana ireserba yung mga luha ko... Ireserba para may maiiyak pa ako kung sakaling mabago pa ang sitwasyon at bumalik na siya sakin... Pakiramdam ko kasi malapit ng maubos ang luha ko dahil sa araw araw at gabi gabing pag-iyak ko..." Sagot ko sa kanya habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko at walang tigil na paghikbi ko.
"Ang sakit sakit na kasi Jaime... Di ako nakakatulog ng maayos dahil ang sakit. Ang sakit sakit. Sinasampal ko nga palagi ang sarili ko, kinukurot ko katawan ko dahil nababakasakali ako na panaginip lang ang nangyayari... baka hindi ito totoo... Baka natutulog lang ako at pinaglalaruan ng masamang panaginip...." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinasabi ko na kay Jaime ang nararamdaman ko.
"...baka sakaling hindi totoo... gusto kong maniwalang hindi ito totoo... pero yung sakit na nararamdaman ko, yung kirot, totoo! ramdam ko araw araw ang paulit ulit na pagtusok ng karayom sa dibdib ko... Akala ko kaya ko... Akala ko handa ako..." Sunod sunod kong sabi habang walang tigil ang daloy ng mga luha ko.
Naramdaman kong niyapos ako ni Jaime. Inaalo niya ako.
"...shhhh.... calm down..." Bulong niya sakin.
"..tangina Jaime... Ang sakit.... ang sakit sakit na...." Bulong ko sa kanya habang patuloy ang paghikbi ko.
Author: 😭😭😭😭😭😭😭😭
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb