Having you near me
Paul Francisco PoV
Ito na ba yung dapat kong maranasang parusa sa hindi ko sinasadyang gawin?
Yung halos mabaliw ako sa kakaisip sa kanya?
Yung halos hindi ako makatulog dahil sa kanya?
Yung lahat nalang apektado ako.
Alam kong napakalaking pagkakamali ang nagawa ko pero hindi ko naman intensyon gawin yun. Hindi ko kayang wala si Den sa buhay ko.
Pakiramdam ko ay walang nakakaintindi sakin. Walang gustong makinig. Walang gustong umalam ng nararamdaman ko.
Kung alam lang nila kung gaanong kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Kung gaanong kahirap. Kung gaano kahirap matulog gabi gabi at kung paano ko haharapin ang panibagong araw na hindi ko na siya kasama.
Akala ko ba Den mahal mo ako?
Bakit hindi mo man lang ako pakinggan?
Bakit hindi mo man lang alamin yung nararamdaman ko?Inaamin ko naman na nasaktan kita pero mas nasasaktan ako. Sobra.
"Sir? Are you okay?"
"Sorry..." Sabi ko sabay kuha ko sa inaabot niyang mga dokumento na kailangan kong pirmahan.
Wala akong ibang hinangad kundi ang maging magkasama kami ni Den. Yung bang magsasama na kami sa isang bahay. Yung bubuo ng sariling pamilya. Yun ang gusto ko. Gusto kong mapasaya siya dahil mas nagiging masaya ako kapag masaya siya.
Minsan nga naiisip ko umuwe ako at kidnapin ko si Den at ilayo ko. Yung malayong malayo. Yung makakapagsimula ulit kami ng panibago na walang ibang makakapaghiwalay pa samin.
Kaso parang malabo na yata.
"Sir may naghahanap po sanyo. Edward daw po ang pangalan" sabi ng sekretarya ko.
"Sige papasukin mo" sagot ko sa kanya.
Pumasok din kaagad si Edward at naupo sa harapan ko.
Pinatong niya sa lamesa ko ang isang brown envelope. Kaagad kong tiningnan ang laman nito.
"Okay sige. Maraming salamat" sabi ko sa kanya at mabilis din siyang umalis.
Matapos kong pirmahan ang mga dokumentong kailangan kong matapos ay binuksan ko ang laptop ko.
Binuksan ko ang fb account ko pero iba ang pangalan ko. Gumawa kasi ako ng isang account na hindi talaga totoo ang info tungkol sakin. Yung real account ko kasi ay naka-deactivate.
Browse lang. Hanggang sa makita ko ang pangalan ni Sheryl na nagcomment sa isang picture. Ni-click ko iyon.
Bumungad sakin ang picture ni Den na may ibang kasama. Nakangiti. Mukhang masaya.
Tangina!
Ganoon na ba niya ako kabilis palitan!?
Hindi man lang niya inisip na masasaktan ako!Sa sobrang inis ko ay isinarado ko na ang laptop ko at mabilis akong lumabas ng opis ko.
Nagdito ngayon ako sa isang bar. Dito ko uubusin ang oras ko. Wala nanamang bago eh. Araw araw din akong nandito. Nag-iinom para pag-uwe ko sa condo ay diretso tulog nalang ako.
Ayoko rin kasing maramdaman ni Roxanne ang nangyayari sakin.
Naalala ko nga dati nung nasa concert kami nila Leo. Gustong gusto kong makausap si Den nun kaso hindi ko naituloy dahil sa pagpigil na ginawa sakin ni Roxanne. Sinabi niyang huwag ko daw siyang iwan dahil medyo sumasakit ang tiyan niya.
Kaya kahit na anong gawin ko para makausap si Den ay wala akong nagawa. Baka kasi biglang sumakit ng todo ang tiyan ni Roxanne tapos wala ako sa tabi niya.
Unfair ako diba?
Alam ko naman yun pero wala akong ibang magawa.Ang hirap ng sitwasyon ko.
Ang sakit ng sitwasyon ko.
Naiipit ako sa nagawa kong pagkakamali.
Gulong gulo ang isip ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang araw ang lumipas pero wala parin nagbabago sakin. Lagi ko ng tinitingnan ang facebook ni Den. Kahit na alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko ay pinagpapatuloy ko parin.Iyon lang kasi ang paraan para makita ko siya.
Ilang buwan narin kasi nung huli ko siyang nakita. Nung nag-usap kami sa park. Nung sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Nung sinabi niyang mahal niya ako - at nung nagpaalam na siya sakin.
Nung narinig ko sa kanya lahat yun at nung nagpaalam na siya at nung tumalikod na siya pakiramdam ko napakalayo na ng agwat namin sa isa't isa kahit magkalapit kami.
May nakapagsabi rin kasi sakin na ang pinakamalayong lugar sa taong mahal mo ay yung tumalikod yung taong mahal mo - dahil hindi ka na sigurado kung muli pa siyang haharap o lilingon para sayo.
Mahirap intindihin pero nung naranasan ko - napakasakit talaga.
Patuloy parin ako sa pagtingin sa bawat uploaded pictures ni Den hanggang sa nakita ko na nag-upload siya ng picture. Ibig sabihin online siya.
Muli kong tiningnan ang profile niya para makita ko kung anong picture ang in-upload niya.
Oh shit!
Tangina! Eto nanaman!
Nakakatangina na talaga ang mga nakikita ko!
Bakit ba feeling nitong lalaking to eh gusto siya ni Denden ko!? May paakbay akbay pa siyang hayop siya! Tapos may stolen pictures pa silang nakatitig itong lalakeng ito kay Denden ko!Talagang sinusubukan ako ng walanghiyang to ah!
Aktong isasara ko na ang laptop ko ng may napansin ako sa picture.
Hindi ako pwedeng magkamali! Iyon yun!
Suot ni Denden ko ang damit naming superman. Sigurado ako - mahal pa ako ng taong ito.
Habang nakatingin ako sa picture niya ay bigla kong naalala yung notes niya. Kinuha ko iyon sa drawer niya at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
#34
First, Second, Third o kahit umabot pa ng ilang chance yan. Ibibigay ko yan dahil hindi mo naman pwede pangunahan ang puso mo. Kung talagang mahal mo ang isang tao - kahit masakit kahit mahirap kakayanin mo. Hahaha! Epekto ng One More Chance. PopoyAndBasha
Oooops syempre naman may limitasyon ang chance nu! Kapag talagang di na pwede - tigil na. Goodnight! Makikita ko nanaman si Oh-So-Damn-Cuteboy bukas! 😊Chance?
Tamaaaaaa!
Dapat subukan ko ulit!
Paano ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan alamin diba?Pinatawag ko ang secretary ko.
"Sir bakit po?"
"Tawagan mo si Sir Paolo - bilisssss!" Sabi ko sa kanya.
"Ano po sasabihin ko?" Nauutal niyang tanong.
"Sabihin kailangan siya dito.... Uuwe kamo ako ng Pilipinas bukas!" -Ako.
Author: Ang ineeeeeeeeet!
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb