Just once - can we find a way to finally make it right.
Chriden PoV
Finally! Fourth year na ako! Ang saya. Sana lang makayanan ko ang thesis at iba pang research. Sabi kasi sakin ng dating mga fourth year ay mahirap daw talaga ang senior. Puro case study, research at documentary. Excited na nakakakaba.
"Uuy Ate Jaja! Paki-encode na itong mga load subjects ko. May session kami mamaya sa Angelicas sunod ka"
"Hoy Gladys aswang! Itype mo na nga ito! Baka mamaya lumipad ka pa diyan!" Malakas na sigaw ni Sheryl sa kabilang linya na dahilan para mapunta sa kanya ang lahat ng atensyon na nakapila.
Langya talaga itong babaeng ito!
Nag-SA na nga rin pala si Gladys. Ewan ko ba dun lalo pa atang pinahihirapan ang sarili.
"Ate Jaja! Encode mo na baka nag-aan-"
"Araaaaaay!" Malakas na sigaw ko nung biglang may bumangga NANAMAN sakin dahilan para muntikan ng mapasubsob ang mukha ko sa gilid ng pwesto ni Ate Jaja.
Aktong bubulyawan ko na ang taong sumalya sakin nung makita ko kung sino yon. Ipinilig ko ang ulo ko para masigurado kong hindi ako nag-iimagine lang.
"Paharang harang!" Sabi niya pero hindi tumitingin sakin.
Takteng to ah! Siya na nga ang nangbangga siya pa may ganang magsalita ng ganoon! Napakawalanghiya ng impaktong to ah!
"Ate Jaja! Pakitapos na yung data ko para makaalis na dito!" Pabalang kong sabi.
"Den, upo ka muna dito sa tabi ko. Tapusin ko lang to tapos yung iyo na ang gagawin ko" sagot sakin ni Janina Calvo. (Ate Jaja)
Tangina lang ah!
Lord penge pong sobrang habang pasensya. Baka hindi ako makapagtimpi! Nakuuuu! Impakto!"Den diba nasa Ja-"
"She ayoko siyang pag-usapan. Tara na! Kanina pa nag-aantay sa Angelicas sila Norman" putol ko sa sinasabi ni Sheryl.
Talaga bang sinasadya ito ng panahon? Pilit ko na ngang iniiwasan at kinakalimutan ang nakaraan dahil ayoko ng maramdaman ulit ang sakit na narasanan ko dati. Ayoko na ulit hilingin na sana ay hindi na ako magising dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko gabi gabi.
Lalo nanaman akong hindi makakatulog. Lalo ko nanaman siyang iisipin.
"Oh bakit ang tagal niyo?" Bating tanong samin ni Norman habang hawak hawak ang mikropono ng videoke.
"Eto kasing si Den nakipaglandian pa sa nagtitinda ng fishball dun sa kanto!" Pagalit na sigaw ni Sheryl kay Norman.
"Oh titingin ka pang crocodile ka! Umupo ka nga! Yung ngipin mo ipasok pasok mo!" Bulyaw naman ni Sheryl kay Ghandi habang nakatayo at akmang sasalubong dapat samin.
"Bakit ba ang init ng ulo mo She?" Ngiting tanong naman ni Joshua.
"Iyang mukhang yan ang makikita mo marerelax ka?" Sabay turo ni Sheryl sa kabilang table tukoy sa lalaking duling.
"Tangnamo She!" Sabay naming reaksyon ni Norman kasunod nun ay ang pagtawa ng tropa.
Lagi kaming ganito sa tuwing enrolment. Yung iba KJ at mas gusto pa pumunta sa mall kesa magsession.
Nagtext sakin kanina si Jaime. Susunod nalang daw siya kasama sila Hans. Sigurado ako matutuwa nanaman si Sheryl dahil makikita nanaman siya si Hans.
Ang bilis ng panahon. June na ulit agad. Sa totoo lang ayoko na maalala yung mga nakaraan ko nung second at third year ako pero wala akong magagawa. Medyo nakakarecover na ako sa pain dahil nag-oopen ako kay Jaime. Laki nga ng pasasalamat ko kasi hindi niya ako iniiwan at hindi niya ako hinahayaan mag-isa sa tuwing sinusumpong ako ng kadramahan dahil sa nakaraan ko.
Si Jerome naman ang huling usap namin ay nung bakasyon. Sabi niya na nagawa na daw niya yung part niya kaya huwag na daw ako mag-alala. Hindi ko na nga lang inintindi sinabi niya kasi hindi ko talaga magets.
Si Lloyd naman ayun nawiwili sa baguio at may ipapakilala daw siya sakin. Mukhang masaya si Lloyd kaya hindi ko na siya kinukwentuhan muna ng problema ko. Ayoko naman na makaapekto pa sa kanya ang problema ko. Sobra sobra na yung tulong niya sakin nung nakaraan.
Si Kenneth? Masaya na talaga siya. Buo na ulit ang pamilya niya. Nagkaayos na ang mama at papa niya. Kaso napilitan siyang magtransfer sa ibang school. Sa manila kasi nakadestino ang papa niya kaya wala siyang nagawa. Sabi nga niya sabihin ko lang daw kung may problema ako at uuwe siya agad.
Haaay... Namimiss ko na silang lahat.
"Hoy! Bago ka mag-imagine diyan ng lalakeng hubad eh tagayin mo na yan!" Sita sakin ni Sheryl.
Nagpatuloy na ang tagay ni Ghandi. Kwentuhan at asaran kami dahil kay Sheryl. Puro kasi kalokohan.
"Sorry were late!" Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Takte Den! Nangati bigla kike ko!" Biglang sabi ni Sheryl nung nakita niya si Hans kasama sila Jaime.
"Tangnamo! Napakalibog mo talaga!" Sagot ko sa kanya.
Naupo na si Jaime at mga kaibigan niya.
Si Sheryl? Talagang pinaalis si Ghandi at pinaupo si Hans sa tabi niya. Tinanong pa nga niya na kung pwede ikalong nalang siya ni Hans. Hahaha! Tawa talaga ako nun.
"Den wala ng pulutan!" Reklamo ni Joshua.
"Ayan si Norman! Gayatin niyo na! Saken yung taba!" Sigaw ni Sheryl dahilan para magtawanan ang lahat ng kasama ko.
Umorder si Jaime ng ihaw ihaw at fries para pulutan. Si Hans naman ay umorder na ulit ng alak. Paubos na kasi yung iniinom namin kanina nila Norman.
"De-" natigilan si Norman nung ilalapag na niya yung ihaw ihaw sa lamesa at nakatingin lang sa direksyon ng gate ng angelicas.
Napunta don ang atensyon naming lahat.
Natigilan din ako na nakita ko. Hindi ko alam kung totoo ba ito o isa nanaman ito sa imahe na binubuo ng isipan ko.
Naglalakad papasok si Impakto. Kasama sila Jerome, Kerby, Allen at Brille. Katulad ng dati ay dun sila sa kabilang table.
"Hindi ka ba marunong magdahan dahan!" Biglang bumalik ako sa katinuan nung narinig ko iyon sa isang lalaki.
Sinadya atang banggain ng impakto ang upuan dahilan para ma-out of balance yung lalaki.
Nakita kong tumayo yung lalaki. Hindi ata niya kilala ang taong kakalabanin niya. Biglang humarap ang impakto sa lalaki at nanlilisik ang mata niya. Mukhang galit talaga. Kinuwelyuhan ng impakto ang lalaki.
"Oh san ka pupunta?" -Norman.
"Sa gitna! MagpoFloor show!" Pilosopong sagot ko.
"Edi aawat! Hahayaan mo nalang ba na makapanakit nanaman ang impaktong yan!" Malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin sakin pati ang mga nasa kabilang table.
Author: Malapit na po matapos ang Book 2 :)
Pengeng comments and votes :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb