Love me like you do.
Jerome Kier PoV
"Ikaw anong hiniling mo?" Ngiting tanong sakin ni Den.
Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay hinila ko na ang kamay niya pababa. Marami pa kasi akong gustong puntahan namin. Gusto ko siyang mapasaya.
Teka.. Ano nga na ang hiniling ko? Tama ba ang hiniling ko?
Hiniling ko kasing sana kahit na anong mangyari ay manatiling matatag si Den. Sana kahit na anong mangyari ay makayanan niya.
Nagpatuloy kami sa paggagala gamit ang bisikleta. Bumili kami ng keychain at ibang pasalubong para sa mga kaibigan niya.
Napatawa nga ako sa binili ni Den na pasalubong para kay Sheryl eh. Vibrator. Hahaha! Hindi ko talaga napigilan ang tawa ko nun.
Naupo ulit kami. Pinagmamasdan namin ngayon ang malaking bundok na napapaligiran ng ulap.
"Ang ganda nun Jerome oh! Lika dalii! Tayo ka. Picturan kita!" Sabi sakin ni Den habang pinipilit niya akong tumayo.
"Dapat dalawa tayo" sabi ko sa kanya at nakisuyo ako sa isang babaeng malapit samin na kuhanan kami ng picture.
Mabilis lumipas ang araw. Masaya. Napakasaya. Ang dami namin napuntahan at nagalaan ni Den.
Nagpunta kami sa Disneyland, Ocean Park, Science Museum at sa Central. Nagvideoke kami sa Wachai at naggala sa night market.
"Saan mo pa gusto magpunta? 2 days nalang at babalik na tayo sa Pilipinas" sabi ko sa kanya habang nakain kami ng breakfast dito sa hotel room namin.
"Hmm... Jerome gusto ko dun sa Avenue of Stars!" Masayang sabi niya sakin.
Sabagay hindi pa naman ako nakakapunta dun.
Kaya napagpasyahan namin pumunta dun.
Pasado alas dos ng hapon kami dumating dito sa Avenue of Stars. Maganda nga. Dami ring mga tao dito.
"Jerome! Smile!" Sigaw sakin ni Den sabay tapat sakin ng cellphone niya.
"Dali Jerome! Dun tayo!" Hila niya sa kamay ko. Bakas ko sa mukha niya ngayon yung saya niya.
Naging masaya nga yan lalo nung matapos niyang magdasal dun sa Buddha. Masyado yata niyang pinaniwalaan ang sinabi ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at patuloy din kami sa pagseselfie sa bawat estatwang nakikita namin.
Nandito na kami sa dulo ng Avenue of Stars kung saan nakaharap kami sa mga malalaking building ng hongkong.
"Jerome dali pwesto ka dun pipictu-" hindi na naituloy ni Den ang kanyang sasabihin.
"Bakit Den? What ha-" hindi ko narin naituloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko.
Chriden PoV
"Jerome dali pwesto ka dun pipictu-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.Tangina! Ano itong bigla kong naramdaman!?
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ko maikilos ang mga paa ko."Bakit Den? What ha-" hindi narin naituloy ni Jerome ang kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko nakatingin din siya sa taong tinitingnan ko.
Bakit nararamdaman kong nag-aagos ang mga luha sa mata ko?
Bakit ako naiyak?
Tangina! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko!?
Tangina! Bakit sa bawat pagpintig ng puso ko ay parang may tumutusok na karayom!
Gustong gusto ko na tumakbo palayo dito pero bakit hindi ko maihakbang pabalik ang paa ko!
Tangina kung panaginip ito please lang pakigising na ako. Parang hindi ko na kakayanin kapag nagpatuloy pa ito.
Please. Gisingin niyo ako! Parang awa niyo na.
Nararamdaman kong namginginig ang dalawang tuhod ko.
Bigla ko nalang naramdaman na niyapos ako ni Jerome.
"Jerome... Nananaginip ba ako?" Seryosong tanong ko sa kanya habang nakayapos siya sakin.
Wala akong narinig na kahit anong sagot sa kanya na dahilan para lalong magdaloy ang mga luha sa mga mata ko.
"Jerome ilayo mo ako dito... Kapag nagtagal pa ako dito baka hindi ko na kayanin... Please Jerome.. Parang awa mo na..." Sabi ko ulit sa kanya.
Tangina! Napakasakit. Sobrang sakit ng nakita ko. Hindi ko halos maihakbang ang mga paa ko dahil sa patuloy na paghikbi ko.
Alam kong nakalayo na kami dun pero hindi parin nawawala sa isipan ko ang nakita ko. Pinaupo ako ni Jerome.
May sinasabi si Jerome pero hindi ko yun naiintindihan. Wala akong naiintindihan sa mga oras na ito. Walang kahit na anong pumapasok sa isipan ko. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang sobrang sakit. Putang kasakit. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.
"Den...-"
"Jerome... Ayoko pag-usapan.... Jerome... Gusto ko na umuwe...." Mahinang sagot ko sa kanya.Nagpalipas muna kami ng ilang sandali bago tumayo si Jerome.
"Pahinga ka na muna... Labas lang ako. Bibili lang ako ng dinner natin" sabi ni Jerome sakin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang tanging masasabi ko lang ay sobrang sakit.
Napakasakit palang makita mo yung taong mahal mo, yung lalaking karelasyon mo na may kasamang iba. May kasamang iba na malaki na ang tiyan.
Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman kung ano ang nakita ko!
Hindi ako tanga!
Ayokong paniwalaan ang nakita ko pero iyon ang katotohanan.
Pakiramdam ko ay binibiyak ang buong pagkatao ko.
Ang sakit ng dibdib ko.
Ang sakit ng puso ko.
Ang sakit ng buong pagkatao ko.
Dumating si Jerome na may dalang pagkain.
Hindi ako kumain.
Wala akong gana.
Hindi kami nag-uusap ni Jerome habang nasa hotel room kami.
"Hindi kita pipilitin magsalita... Alam ko masakit... Nakapagparebook na ako ng flight natin... Bukas ng umaga uuwe na tayo" narinig kong sabi ni Jerome.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nanatili parin ako sa kinauupuan ko.
Nararamdaman ko yung sakit.
Yung sobrang sakit.
Ganito pala yung sinabi nilang sobrang sakit.
Pakiramdam ko anumang sandali ay bibigay ang katawan ko.
Napakasakit ng nararamdaman ko.
Sobrang sakit.
Walang katumbas na sakit.
Hindi ko namamalayan na nagdadaloy na pala muli ang mga luha mula sa mga mata ko.
Tangina! Gusto ko sumigaw! Gusto ko magwala! Gusto ko gumawa ng paraan para mawala to pero wala! Wala akong ibang magawa! Tangina! Tangina talaga!
"Jerome! Gusto ko mag-inom!" Sigaw ko kay Jerome habang patuloy na nagdadaloy ang mga luha ko.
Author: laseng nako. Ang sakit nitong chapter na to.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb