Gusto ko may premyo ako sayo.

6K 240 23
                                    

Just an ordinary song - to special guy like you.

Shoutout kay Paul Jake Castillo. :) updated na po :)

Paul Francisco PoV

Tangina men totoo nga!
Hindi nga gawa ng malikot kong imahinasyon ang nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Totoo nga.

"Den..."

Tanging salitang lumabas sa bibig ko. Wala kasi akong maisio na ibang pwedeng sabihin. Baka kasi kapag nagsalita pa ako ng iba ay baka mawala nalang uli siya sa harapan ko.

"Hala! Sayang ang pagkain kung hindi mo kakainin! Kainin ko na to ah!" Nakangiti niyang sabi sakin.

Nanatili parin akong nakatingin sa kanya habang siya ay patuloy ng kinakain ang fries at spaghetti na nakahain sa table.

"Oyy! Try mo to masarap!" Pagkuha niya ng fries at isinawsaw sa sauce ng spaghetti at akmang isusubo sakin.

"Daliii! Ahhh" sabi uli niya sakin dahilan para kusang bumuka ng bahagya ang bibig ko at tuluyan na niyang naisubo sakin ang hawak hawak niyang fries.

Shit!
Panaginip ba ito?
Takte! Kung panaginip ito bakit nalalasahan ko ang fries na sinubo niya sakin?

"Ayy! Maghapon mo nalang ba ako titingnan?" Pabirong tanong niya sakin.

"Pwede ba?" Mahinang seryosong tanong ko sa kanya.

"Uyy joke lang! Kain ka na. Sayang oras natin dito. Gusto ko pa kasi gumala o maglakad lakad dito sa mall. Pwede rin na manuod ng sine - showing na yata yung Miss you like crazy diba?" Mahabang litanya niya sakin.

"Oo. Showing na. Bilisan natin para makabili na tayo ng ticket" mabilis kong sagot at dali dali akong nag-umpisang kainin ang pagkain na nasa harapan ko.

Hindi ko na dapat palampasin ang pagkakataon na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero alam kong pabor ito para sakin. Ito na siguro ang pagkakataon ko - pagkakataon para maipaliwanag sa kanya ang lahat. Ang lahat ng nangyari. Pagkakataon para maayos ko na ang ginawa kong pagkakamali.

Matapos namin kumain ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Den. Baka kasi magbago pa ang isip niya. Kaagad ko siyang hinila papunta sa fourth floor. Sa fourth floor kasi ang sinehan at bilihan ng ticket.

"Teka.. Showing din pala yung Paano na kaya , tingin mo ano maganda?" Seryosong tanong niya.

"Kahit ano Den... Basta kasama kita..." Seryosong sagot ko sa kanya.

"Ikaw talaga! Tara na nga!" Sabay hila niya sakin sa bilihan ng ticket.

"Uyy.. Kaw muna taya... Wala akong pera ngayon" mahinang sabi niya sakin nung nasa harapan na kami ng window 3.

Jusko! Kahit magkano Den kahit saan mo pa gustong manuod ng sine pwedeng pwede! Walang problema sa pambili basta magkasama lang tayong dalawa.

"Ayyy! ThankYou! Tara na" hila niya uli sakin papasok sa loob ng sinehan.

Sa itaas kami pumwesto. Sa dito sa dulo. Kung ako nga pipili ng pwesto gusto ko dun kami sa pinakadulo para kaming dalawa lang. Para walang istorbo. (Whaaa! Ano ba itong mga naiisip ko)

Nagsimula na ang movie.
Seryosong nakatutok ang atensyon ni Den sa pinapanuod namin. Hindi ko nga alam kung ito ba ang tamang pagkakataon para kausapin ko siya eh. Baka kasi mainis siya kasi hindi niya maiintindihan ang pinapanuod niya kapag kinausap ko siya.

Hanggang sa napatuon ng bahagya ang atensyon ko sa pinapanuod namin. Ang astig nga ni Bea Alonzo eh, sinusulat niya sa bato yung nararamdaman niya. Siguro nasa state of moving on siya. Ito namang si John Lloyd ay kinukuha ng kinukuha ang mga batong iniiwanan ni Bea.

Masubukan nga kaya ito no? Isusulat ko sa bato yung nararamdaman ko para kay Den tapos kunwari maiiwan ko. Ayy wag! Parang ang baduy naman baka isipin pa ni Den gaya gaya ako sa pinapanuod namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas pero ako ay hindi mapakali. Hindi ko rin kasi maintindihan ng sarili ko eh. Hindi ko alam kung sa pinapanuod ba namin ako kinikilig o dahil ito kay Den.

Dahan dahan kong iginalaw ang kamay ko. Pasimpleng pagapang papunta sa kamay niya. Medyo namginginig pa nga ako eh. Kinakabahan ako baka kasi bigla niya tanggalin ang kamay ko kapag naramdaman niyang dumampi na ito.

Eto na. Hawak ko na ang kamay niya. Wala siyang reaksyon. Hindi siya pumalag at hindi niya tinatanggal ang pagkakadampi ng kamay namin.

Dahan dahan kong pinag-intertwine ang kamay namin. Hindi ako nagsasalita. Yung dagundong ng dibdib ko? Hayop pre! Ang lakas! Ang bilis!

Kahit malamig ang paligid ay balewala sakin dahil sa init ng kamay ni Den. Kung pwede lang mag-slow motion ang pinapanuod namin para lang magtagal kami dito ay ipapagawa ko. Ayoko na kasi matapos ang ganitong sitwasyon namin.

Hanggang sa natapos na ang palabas. Kakainis nga eh. Ang bilis.

"Den, ulitin natin... Di ko naintindihan eh.." Sabi ko sa kanya.

"Naku! Tumigil ka nga diyan! Halika na maglalaro pa tayo sa Tomsworld" nakangisi niyang sagot sakin at nagsimula na kaming maglakad.

Ilang sandali lang ay dumating na kami dito sa tomsworld. Nagpapalit ako ng maraming tokens para magtagal kami dito. Ayoko kasi matapos itong araw na ito.

Ang saya kasi.

Napakasaya ko.

"Try natin to oh!" Turo ni Den sa shooting ball games.

"Oo ba! Ano premyo ko?" -Ako

"Ha? Anong premyo?" -Den

"Premyo ko kapag madami ako na-shoot?" -Ako.

"Edi kung ilan ticket/s yung makukuha mo" -Den

"Gusto ko may premyo ako sayo..." Nakapout kong sabi sa kanya.

"Oh sige. Kapag naka-100 points ka. Kikisan kita"

Author: short update. Nag-iinom po kase kami. :)

Pengeng Comments and Votes :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon