Hoy! Chrien Ross Juco!

5.8K 227 14
                                    

This time I'll be sweeter.

WickedSmile-ThankYou po sa palaging pagcomments sa bawat chapters :) Ang sarap basahin ng mga comments mo. Solid ka sa PauDen.  Thankie po. :)

Chriden PoV

Ano ba yan! Hindi parin ako makatulog. Ala una na ng madaling dilat parin ang dalawang mata ko. Paano ba naman kasi niyakag ako magdinner ni Francisco at sinayaw niya pa ako. Paulit ulit nga sa isipan ko ang bawat scenariong nangyari kanina. Ewan ko pero ang saya ko. Ang sarap sa pakiramdam. Kinikilig ako.

Nakailang paling na nga ako sa bawat sulok ng kama ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Epekto ba ito ng sobrang kasiyahang nararamdaman ko?

Napaling ang atensyon ko sa kaliwang bahagi ng kama ko nung biglang tumunog ang cellphone ko. Message tone.

Gcng k p?
Sender: Francisco

Nung nabasa ko yung pangalan ng sender ay halos mapatalon na ako sa sobrang galak. Naupo ako sa kama ko at mabilis akong nagreply sa kanya.

Opo... Di ak mk2log ee...

Simpleng reply ko. Syempre hindi pwedeng masyadong obvious. Baka mahalata niya na dahil sa kanya kung bakit hindi ako makatulog. Pabebe muna.

Paulit ulit kong pinapailaw ang cellphone ko para makita ko kung may signal ba o wala. Tinetext ko rin ang sarili ko baka kasi late receiver ako. Ganun naman talaga diba kapag natatagalan o excited sa katext.

Muling tumunog ang cellphone ko.

Aq rin eh. Ndi aq mk2log.. Labas ka.. And2 aq sa tapat ng eskinita nyo...

Bigla akong napatayo nung nabasa ko yung text niya. Halos takbuhin ko ang palabas ng bahay para lang makapunta agad ako sa tapat ng eskinita.

Totoo nga. Nandito nga siya.
Nakasuot lang siya ng short at sando. Nakatsinelas at hawak hawak ang kanyang cellphone habang nakasandal sa sasakyan niya.

"Hi..." Bati ko sa kanya. Bahagya akong sumandal din sa sasakyan niya at tumabi ako sa kanya. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng pagkahiya ngayon sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero parang mas ang gwapo niya sa paningin ko ngayon.

"Tara.. Maglakad lakad tayo..." Yakag niya sakin.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kanto. Nagsimula narin siya magkwento tungkol sa mga kaibigan niya. Nasabi rin niya na may natitipuhan si Kerby at siguradong magugulat daw ako kapag nalaman ko kung sino. Nagkwento narin ako sa kanya tungkol kay Chrien. Nabanggit ko na lalong kumulit ang kapatid ko.

Dahil sa kwentuhan namin ay hindi na namin namalayan na nakarating na kami dito sa bayan. Pumasok kami sa loob ng 7/11. Bumili si Francisco ng cold coffee at clover at matapos bayaran ay nagpunta kami sa park.

May iilan ilan paring tao dito sa park kahit ganitong oras na. Naririnig namin ang kanta ng Airsupply sa speaker na nakakabit sa bawat sulok ng park. (Having You Near Me)

"Saan kayo sa Pasko?" Tanong ko sa kanya habang nanguya ako ng clover.

"Gusto ni Daddy na dun kami sa Bicol, kay Lolo. Wala kasing ibang kasama si Lolo dun eh" sagot naman niya matapos lumagok ng hawak niyang cold coffee.

"Kayo?" Dugtong niya.

"Ahh... Wala. Sa bahay lang.. Wala naman kaming ibang mapupuntahan eh" sagot ko kasunod nun ay tumawa ako.

Nagpatuloy kami sa pagkwentuhan tungkol sa mga magandang puntahan kapag Christmas. Pero syempre bago magChristmas birthday ko muna. Wala naman akong ibang plano kundi ang mag-inom lang eh. Wala naman akong pera para i-blow out ko ang mga kaibigan ko. Tama na alak don. Hahaha!

Hindi narin kami nagtagal sa park. Mag-a-alas kwatro na ng madaling araw ee. Tapos may pasok pa kami mamayang 8am. Zombie mode ako sigurado!

"Paano? Una na ako... Kita nalang tayo mamaya..." Sabi niya at mabilis naglakad papalapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako nakapagsalita. Wala akong masabi. Natulala nanaman ako at pinagmasdan ko nalang ang sasakyan niya habang unti-unting nawawala sa paningin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi na talaga ako nakatulog kaya ako na ang naghanda ng pagkain para ngayong umagahan.

"Kuya bakit ang aga mo gumising?" Tanong sakin ni Chrien habang nakain ng niluto kong sinangag at sweet tocino.

"May exam kasi kami ngayon bunso... Saka hindi naman masama gumising ng maaga diba?" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Naku Kuya! Alam ko yang mga ganyang ngiti mo! May boyfriend ka na ulit noh!?" Tukso sakin ng kapatid ko.

"Hoy Chrien Ross! Kabata bata mo pa kung ano ano na sinasabi mo! Bilisan mong kumain para maaga karin makapasok!" Suway ko sa kanya.

"Kunwari ka pa Kuya!" Pagpapatuloy niya habang nakain.

"Pwede bang dito na ako kumain? Hindi kasi ako nakakain sa bahay eh" sabay kaming napalingon ni Chrien sa pintuan nung marinig namin yun.

"Kuya Paul!!!!!!!" Sigaw ni Chrien at mabilis sumalubong at kumarga kay Francisco.

"Ang bigat mo na bunso ah! Bigboy na bigboy ka na!" Masayang bati ni Francisco.

"Syempre Kuya Paul! Ako pa!" Mayabang na sagot ni Chrien.

"Umupo na nga kayong dalawa dito at sabay na kayong kumain" sabi ko sa kanila. Hindi ko nalang pinahalata na nagulat ako sa biglaang pagdating niya.

"Kuya Paul si Kuya Den ang aga gumising tapos kakaiba yung ngiti niya! May boyf-"

"Hoy Chrien Ross Juco!!! Kumain muna! Kanina ka pa ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Kuya Paul oh! Kanina pa yan ganyan sakin! May regla ata!" Sumbong ni Chrien kay Francisco dahilan para magtawanan ang dalawang impakto.

Nakuuuuu! Jusko! Ang aga aga mambuset ng kapatid ko!

Matapos naming kumain ay nagsimula na akong mag-ayos para makapasok na. Maaga akong papasok kahit na mamaya pang 8:30 ang klase ko. Dun muna ako sa cafeteria at babasahin ko yung librong hindi ko natapos basahin dati.

"Tara na Chrien! Hatid ka namin ni Kuya Den mo" nakangiting sabi ni Francisco.

"Talaga Kuya? Sige! Tara tara!" Masayang sagot naman ni Chrien at nauna pa samin lumabas papuntang sasakyan ni Francisco.

Author: Ilang Chapters nalang :) Maging masaya kaya ending nito? 🤔🤔🤔🤔

Pengeng Votes and Comments :)

Supermoon.

bubeiyebeb

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon