Share ko lang ito :) Sana Basahin niyo :)
Paano nga ba natin maiiwasan ang masaktan ng sobra.
Higit sa aking pagkakaalam karamihan sa mga taong nakausap ko palaging sinasabi na lahat naman daw ay nasasaktan ng sobra. Nung una nakikiayon lamang ako sa mga sinasabi nila. Ngunit, nagkaroon din ako ng sarili kong teyorya. Masasabi ko na kaya natin na hindi masaktan ng sobra. Pero kung masasaktan man tayo ay sapat lang.
Katulad ng sinabi ko kanina madami narin ako nakausap at kalimitan ay humihingi sila ng suggestion about sa situation na nararanasan nila.Ganito malimit ang mga tanong na naririnig ko:
PAANO BA MAG-MOVE ON?
PAANO KO BA SYA
MAKAKALIMUTAN?BAKIT AKO NASASAKTAN NG GANITO?
AASA PA BA AKO?
HINDI KO NA SYA MAHAL PERO BAKIT NASASAKTAN PA AKO?
DO I DESERVE THIS KIND OF PAIN? (takte! Nosebleed ako dyan)
Ilan lamang iyan sa sangkaterbang tanong na narinig ko sa tuwing may nakakausap ako at nakakainuman. Dahil sa kati-kate ang bibig ko nagpapasikat ako at ibinabahagi ko ang kaunting kalaman ko pagdating sa usapang pag-ibig. (aw! Lande!) ahahaha..
Going back to the topic. "Paano nga ba natin maiiwasan ang masaktan ng sobra?
Katulad ng mga nauna kong mga notes, may mga bagay tayo na dapat gawin upang hindi tayo masaktan ng sobra – kung masaktan man yung sapat lang o naaayon lamang sa pagmamahal na ibinibigay mo.
* Huwag masyadong bigyan ng ibang ibig sabihin ang ginagawa sayo ng isang tao.
Karaniwan na yung ganyang situation.
Bakit? Kase kapag may natitipuhan tayong tao nagkakaroon tayo ng ibang treatment sa kanila.
Paano? Katulad ng kapag inalok ka ng pagkain – iisipin mo na nagwoworry sya sa kalusugan mo. Shunga – shunga! Kapag yan ang inisip mo! Tugak! Natural lang na alukin ka nya dahil hindi naman lahat ng nakakasama mo madamot! At ugali naman talaga ng mga tao dito sa atin ay nagaalok ng pagkain kahit na sino pa ang inaalok diba.
May sitwasyon din naman na kikiligin ka kapag laginh nakatingin sayo ang taong natitipuhan mo. Eng eng ka! Nakatingin lang sayo iisipin mo may crush na sayo!? Aba'y isa't kalahating abnormal ka! Ibig sabihin kung hindi nakatingin sayo ibig sabihin ayaw sayo!? Weh? Minsan kasi laging tumitingin sayo ang isang tao kasi pakiramdam nya ay lagi kang nakatingin sa kanya. Na which is totoo diba? Tama diba?
Minsan naman makareceive ka lang ng text na "musta, kain ka na, ingat ka, gudnyt, gudmorning at kung anu-ano pa" e kikiligin ka na agad at feeling mo sobrang thoughtful nya sayo, iisipin mo caring sya, at iisipin mo na importante ka sa kanya. No!!!!! Kasi hindi lang ikaw ang may cellphone, madami! Kaya hindi ka dapat mag-isip na ikaw lang ang tinetext nya ng ganoon. Mayaman? At iisipin na ikaw lang may cellphone? Pbb teens??? Ahahaha..
Kalimitan kasi kahit maliit na bagay na ginagawa satin ng isang tao ay ginagawa nating big deal. Dahil doon ay natututunan natin maramdaman ang isa sa dahilan kung bakit tayo nasasaktan o masasaktan. Dahil dun ay unti-unti madedevelop sa atin ang salitang HOPING. Totoo yan! Isa yan sa maraming dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Bakit? Kasi sa twing may gagawin syang maliit na bagay para syo ay iisipin mo na gusto ka na nya at nagwoworry sya sayo. Paano? Kasi binibigyan mo ng malisya o ng ibang ibig sabihin ang ginagawa nya sayo. Magkakaroon ka tuloy ng ibang treatment sa kanya. At dahil don ay lalo kang maiinlove o mas lalalim ang nararamdaman mo sa kanya.
Pag-nadevelop na sayo ang salitang HOPING – dyan magsisimula ang salitang ASA – which is the primary cause of love aches. Right?
Bakit? Kasi ganito yan. (Napakatanga mo kung hindi mo naman alam, at dahil sa alam kong tanga kang tunay ay ipapaliwanag ko para sayo) –Bakit madedevelop ang word na ASA?
Una – sa twing magiging magkasama kayo ay aasa ka na palagi nya gagawin yung mga simpleng bagay na ginagawa nya syo (na ginawa mo namang big deal!)
Pangalawa – aasa ka na ikaw lang palagi ang makikita nya.
Pangatlo – aasa ka sa mga text nya. At sa huli ay masasanay ka ng masasanay ng masasanay ng masasanay.
After madevelop ang salitang ASA dyan na magsisimula ang worst feeling the so called EXPECTATIONS.Kapag nadevelop na yan, naku! Patay ka na! parang anay yan na unti-unting sisira sa marupok mong puso.
Dyan mo na masasabi ang salitang mahal mo sya kahit hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo. Dyan mo mararamdaman ang saket kahit na wala ka pang rights para masaktan. Takenote: You don't have the rights to get hurt.
Sabe ko nga sa ibang naisulat ko "the more you expect – the more hurt you get" mamatay na hindi ganyan naramdaman! Bet you and fuck you! Ahahaha..
Remember "too much expectations leads to too much hurt" inulit ko lang baka kasi hindi mo maintindihan. Alam ko naman kasi na kapag love na pinaguusapan or should I say nararamdaman ay nagiging engot at eng eng ang isang tao. Makomang na sana ang kumontra.
Masyado na ata nagiging mahaba ang sinusulat ko pero wala padin pinakapoint ng notes na ito.. hehe.. Tanga ngang talaga kung hindi pa ito magets.
I mean If you don't want to be hurt so much – DON'T HOPE – DON'T FALL - DON'T EXPECT
😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb