Last Chapter: Got to believe in magic.

6.7K 232 52
                                    

Say you'll never go...

Last Chapter na po ng Book 2. Maraming maraming salamat po sa mga tumangkilik ng kwentong ito. Marami po akong iniwang untold scenario dito at sa book 3 niyo po yun malalaman. Katulad nalang ng biglang pagkawala ni Jaime sa story at kung sino yung nagugustuhan ni Kerby. Sana po patuloy niyong tangkilikin ang story na ito. Muli po maraming maraming salamat po! 🤗

May mga story po akong konektado sa isa't isa. Katulad po ng One More Chance connected po dito sa AMKB at ito namang po AMKB ay connected sa Right Love Wrong Time.

Salamat po uli!

Sana po ay nagandahan kayo...

Chriden PoV

Hindi ko na maikilos ang dalawang paa ko mula sa kinatatayuan ko. Nasa harapan ko ang sasakyan ni Francisco at napapalibutan ito ng napakaraming sasakyan ng mga pulis pati ng mga pulis.

Tangina!
Bakit ba kasi hinayaan ko pang magtagal bago pa ako nakapagdisisyon na maayos ang tungkol samin! Ang tanga tanga ko! Nararamdaman kong nanginginig ang buong katawan ko.

Napakaraming tao ang nasa paligid. Iba ibang reaksyon ang nakikita ko. Lahat sila ay nakatingin sa harapan ko. Sa sasakyan ng taong mahal na mahal na mahal ko.

Nakita ko sila Luis at katabi nito ang Mama niya. Nakatingin sa harapan ko at bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. Ganoon din si Luis. Nasa gilid nila sila Allen na nakatalikod at halatang naiyak dahil sa paggalaw ng kanilang mga balikat.

Si Jerome naman ay nanatili sa likuran ko.

"Den..." Mahinang tawag sakin ni Jerome mula sa likuran ko. Hindi ko na siya maawang lingunin. Ang tanging nais ko na lamang gawin ngayon ay ang lapitan ang sasakyang nasa harapan ko at...at.... para makita ko ang dahilan kung bakit patuloy na nagdadaloy ang mga luha ko.

Pilit kong inihahakbang ang dalawang paa ko. Kailangan makalapit ako. Kailangan ko siyang makita. Habang naglalakad ako papalapit sa sasakyan ay patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam pero habang unti unti akong naglalakad ay nagsisimula nanamang magpicture sa isipan ko ang mga pangyayari samin ni Francisco. Kung naging mapagbigay lang sana ako... Kung hinayaan ko lang sana siya magpaliwanag.. Kung sumama na sana ako sa kanya dati nung niyayayag niya akong umalis kami at magpunta sa malayong lugar, e di sana magkasama parin kami at hindi mangyayari ito.

Kung naging bukas lang sana ang sarili ko sa mga pangyayari.

Tangina! Ayoko ng ganito! Ayoko sa nangyayaring ito!

Sa sobrang emosyong nararamdaman ko ay napatigil ako at napayuko at patuloy ko ng hinayaan na umagos ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. Ramdam ko sa sarili ko na anumang sandali ay bibigay ang katawan ko. Bibigay na ako. Gusto kong sumigaw! Gusto kong humagulgol ng iyak pero...pero... pero hindi ko magawa dahil ang sakit sakit sa pakiramdam.

Alam kong sakin ngayon nakatuon ang atensyon ng mga taong nakapaligid sa lugar na ito. Wala na akong pakialam kahit pag-usapan pa nila ako. Wala akong pakialam kahit anong sabihin nila.

Nakatakip sa mukha ko ang dalawang palad ko. Iyak ako ng iyak. Ang sakit na ng dibdib ko.

"Francisco...."

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon