Wanna join me?

6.9K 239 7
                                    

I came to see you...

Chriden PoV

"Den yung cellphone mo kanina pa nagriring! Wala ka bang balak sagutin yan?" Bulyaw sakin ni Sheryl.

Nasa cafeteria kami ngayon at nag-aantay ng next subject.

"Sensya na. Masakit lang ang ulo ko" sagot ko sa kanya.

Ilang araw na kasi akong puyat. Inaantay ko kasi ang tawag sakin ni Francisco. Almost one week na kasi siyang hindi natawag sakin. Kapag naman ako ang natawag - laging please leave a message ang sinasabi ng operator.

Siguro, sobrang busy na siya sa work. Sana naman ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili.

Dinampot ko ang cellphone ko at kaagad kong ini-slide ang answer.

"Hello..."

"Hi Den!"

Tiningnan ko sa screen ng cellphone ko kung sino yung tumawag. Basta basta ko nalang kasi sinagot yung tawag kanina eh.

"Oh ikaw pala Mark James. Napatawag ka?" Sabi ko sa kanya nung nalaman kong si Mark James siya.

"Wala. I just want to hear your voice again..." -Mark James.

"Again? Diba hindi mo pa naman naririnig ang boses ko?" Puna ko sa kanya.

"Ayy sorry. Wrong choice of word. Ibig kong sabihin gusto ko marinig ang boses mo..."

Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Halos wala nga ako masabi kasi hindi ko pa naman siya nakikita eh. Malay ko ba kung ano itsura at totoong ugali ng taong nakakatext at kausap ko.

"Okay sige. Thanks sa time. Ingat" huling sabi niya bago na-end yung tawag.

"Alam mo Den siguro kailangan mo na magpahinga. Namumutla ka na eh. Nag-aadik ka ba?" Seryosong komento sakin ni Sheryl.

"Hindi pwede She. May raket uli kami mamaya. Alam mo naman na medyo kapos kami ngayon kasi nag-aaral na si Chrien" mahabang sagot ko sa kanya.

Simula kasi nung pumasok na si Chrien ay medyo kinakapos na kami. Kaya napagpasyahan ko na pagkakahaling ko sa school ay nasama ako sa banda. Malaki rin naitutulong sakin ng banda. Kahit palaging puyat at pagod ay ayos lang basta makapasok lang si Chrien. Minsan nga naiisip kong tumigil muna sa pag-aaral at magtrabaho muna ako ng fulltime para mas makatulong ako ng maayos kay Mama sa gastusin sa bahay.

Pagkatapos ng huling subject namin ay umuwe na ako. Nagpalit ako agad ng damit at lumabas na muli ako ng bahay.

"Oh anak san ka pupunta?" Sita sakin ni Mama.

"May gig lang po kami Ma. Huwag niyo na po ako antayin mamaya. Mauna na po kayo matulog ni Chrien" sabi ko kay Mama.

"Den okay lang na-"

"Ma okay lang ako. Masaya rin po ako sa ginagawa ko" nakangiting pagputol ko sa sinasabi ni Mama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Den! Kanina ka pa namin inaantay. Stage on na" sabi sakin ni Kevin.

Nagtungo na ako sa mini stage.
Nasa isang bar ako ngayon kasama ang mga miyembro ng CnY Band. May regular hour na kasi kami sa bawat bar na malapit dito samin.

Naupo na ako sa unahan kaharap ang mic stand.

Nagsimula ng tumugtog sila Kevin.

Gusto kita...
Sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga
Pilitin man limutin ka
Ay hindi k magagawa
Parang alipin mo ang isip at damdamin ko

Pagsisimula ko sa pagkanta.
Puno ang bar. Ang daming tao. May mga grupong magkakasama at meron namang nag-iisa lang.

Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo
Ako'y iyong iyo
Kung pagibig na ang paguusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sayo - sa akin ay gusto kita.

Pagtatapos ko sa kanta.
Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpatuloy parin sa pagtugtog ang mga kasama ko.

Nagpatuloy parin ako sa pagkanta. Nakawalong kanta ata ako kaya nakipagpalit muna ako sa isang kabanda ko. Siya na muna ang pumalit sakin at nagpatuloy ng playlist.

Naupo ako sa pinakaunahang table ng bar na malapit sa stage. Dun talaga ang table namin.

Ewan ko ba pero kusang kumilos ang katawan ko para umorder ng alak. Pakiramdam ko kasi ay gusto kong uminom. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng alak.

Weve only just begun to live
White lace and promises
A kiss for luck and we're on our way
We've only just begun

Bigla akong natigilan nung narinig ko iyon na kinakanta ng kasamahan ko.

Before the rising sun we fly
So many roads to choose
We start out walking and learn to run
And yes, we've only just begun

Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na tumutulo ang mga luha ko.
Nararamdaman ko rin na sumasakit yung panga ko dahil sa patuloy na pagpigil ko sa pag-iyak ko.

Namimiss ko na si Francisco. Namimiss ko na boses niya. Namimiss ko na ang lahat sa kanya. Ang sakit sakit pala sa pakiramdam yung napalayo niyo sa isa't isa. Yung wala kang magawang paraan para makita at makausap siya.

Pagkakagaling ko sa pagkanta sa banda ay hindi pa ako nadiretso ng tulog. Iniisip ko kasi na tatawag si Francisco. Ayokong isipin niya na hindi ko inaantay ang bawat tawag niya. Pero simula nung isang linggo, wala pa akong natatanggap na tawag o text man lang galing sa kanya.

Miss na kita Francisco.

Nakita kong may natanggap akong isang message sa cellphone ko. Nakapatong kasi sa harapan ko ang cellphone ko. Tinititigan ko kasi yung wallpaper ko. Yung picture namin ni Francisco sa Batangas habang nagkikiss kami habang lumulubog ang araw.

When I first met you - I honestly didn't know you were gonna be this important to me.

Kampai Guys!

Group message nanaman galing kay Mark James.

Kailangan ko siguro ng taong kausap. Mabilis kong ni-tap ang reply box.

Wanna join me?
Tara shoy tayo Mark James.

At mabilis kong pinindot ang send ng cellphone ko.

Author: thanks sa votes and comments :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon