Kung maibabalik ko lang.
Chriden PoV
Dito ako sa Bicol dinala ni Luis. Ang bilis nga ng pangyayari eh. Parang kahapon lang ay nasa Cavite ako at nakikipag-inuman kina Robert at Mike tapos biglang dumating si Luis at pinag-impake ako ng gamit. Hindi ko na nga magawang magtanong nung araw na iyon dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Tahimik lang ako nung nasa biyahe kami ni Luis. Hindi ako nagtatanong kung saan kami pupunta dahil ang tanging nais ko lang mangyari ay lumayo na muna para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Don't worry. Walang nakakaalam na nandito tayo" mahinahong sabi ni Luis sakin habang nasa isang resort kami. Nasa tabing dagat kami. Nakaupo kaming dalawa ni Luis sa isang buhanginan. May bonfire sa harapan namin na nagbibigay ng init laban sa lamig na dulot ng hangin na sumasabay sa paghampas ng alon.
"Maraming salamat Luis..." Mahinang sagot ko sa kanya.
"You don't need to thank me Den.." Nakangiting sagot niya.
"Saka pwede ba - huwag ka ng malungkot. Nagpunta tayo dito para magsaya. Oh angat mo na yung bote" nakangiting dugtong niya.
Sabagay tama siya. Sinabi niya kanina sakin na nagpunta kami dito para magsaya. Pero di naman mawawala sakin ang maging malungkot dahil sa nangyayari sakin.
"Den - nga pala I want you to keep this" sabay abot niya sakin ng isang papel.
"Pero - hindi mo muna babasahin yan. Babasahin mo lang yan kapag sinabi ko na sayong basahin mo. May tiwala ako sayo kaya ibinigay ko na sayo" dugtong na sabi niya sakin.
Nilagay ko muna sa dala kong bag ang papel na binigay niya.
"Malapit na Birthday mo diba?" Kasunod niyang tanong.
Oo nga pala. Malapit na ang birthday ko. Di ko na namamalayan ang takbo ng panahon. Nawala na sa isip ko na December na nga pala at malapit na ang birthday ko. Sana naman maging masaya ang birthday ko. Sana matapos na itong sakit at paghihirap na nararamdaman ko. Gusto ko ng makalaya sa nararamdaman ko. Ang hirap kasi. Ang sakit.
"Sa 24 na. Malapit na nga. Diko na namalayan yun aa!" Sagot ko sabay tawa.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni Luis. Halata ko naman sa kanya na gumagawa lang siya ng bagay na pwede namin pag-usapan para hindi ako maboring. Ramdam ko yun.
Hanggang sa dumating sa punto na may tama na ako ng alak at ganoon din siya. Namumula na kasi siya at kung anu-ano na ang tinatanong sakin.
"Ikaw Den - mahal mo ba talaga ang Kuya ko!?" Diretsong tanong niya sakin.
"Kuya mo!? Adik yon! Kung alam mo lang Luis kung gano ko kamahal yang impaktong kuya mo! Pero.. Pero.. Alam mo!!? Sinayang niya!!! Nipagpalit niya ako! Anong laban ko sa babae!!?" Medyo napapalakas na ang boses ko.
"Wala akong laban dun! May ki** yun! Ako wala!" Dugtong ko sabay tawa ko ng malakas.
"Baket dun ba nasusukat yun Den?" Tawang tanong naman sakin ni Luis.
"Syempre naman Luis - iba parin yun noh! Saka alam kong mas magiging masaya na ang Kuya mo dun sa babaeng yun. May baby na sila - iyon kasi yung bagay na hindi ko maibibigay sa Kuya mo" sumeryosong sagot ko sa kanya.
"Alam mo Den hindi yon batayan ng isang relasyon. Basta ba nagmamahal kayong dalawa - sapat na yun" ngising sagot niya sabay taas ng hawak niyang bote ng alak.
Madali naman talagang sabihin yung ganon pero kapag nasa sitwasyon ka na - dun mo na maiisip na mali iyon. Na kailangan magbigay ka o magparaya ka.
Oo. Mahal ko si Francisco. Sobra pa nga eh. Kaso kailangan ko magparaya para sa ikakaligaya niya. Babae ang kalaban ko. Wala akong laban dun. Kahit masakit - kahit mahirap kailangan kong tanggapin. Kailangan kong tiisin yung sakit.
"Haaay naku Luis. Huwag na nga yun ang pag-usapan natin. Angat! Maglalaseng tayo!" Ngising sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa pag-iinom. Kwentuhan tungkol sa kalokohan niya at kung saan saan pa. Dami nga niyang kwento eh. Syempre ako nakikinig lang.
Dito narin kami nagpalipas ng gabi. Hindi naman kasi kayang magdrive ni Luis kaya mas maigi narin iyon.
"Oyy ano? H.O?" Tanong kp sa kanya kinaumagahan.
"Ayos lang. Sakit lang ng ulo ko" maikling sagot niya at mabilis bumangon at nagpunta sa CR.
Medyo okay okay narin ang pakiramdam ko. Sinabi rin kasi sakin ni Luis na huwag ko na masyadong isipin ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko dahil wala rin naman daw mangyayari kung iiyak at malulungkot lang ako.
"Uuwe na ba tayo?" Tanong ko sa kanya matapos naming kumain ng umagahan.
"Nope. Inaantay tayo ni Lolo. Tinawagan ko siya kagabi eh" diretsong ngiting sagot niya.
"Ha!!? Hala! Ayoko Luis!!!" -Ako
"Ano ka ba! Eh ano gusto mo ipasundo pa tayo nun sa mga pulis!" Sagot niya kasunod nun ay ang pagtawa.
Author: short update. Bukas po yung Right Love Wrong Time naman.
Nakainom na ee.
Pengeng Comments and Votes. Salamat :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb