There is no one in this world who could love me like you do.
Chriden PoV
"Nei, anong problema dito?" Biglang sulpot ni Francisco habang nakaakbay sakin.
Teka? Ano nga bang problema dito? May problema ba?
"Ah..Eh wala. Pipila rin yata sila.." Sagot ko sa kanya.
Ano nga ba nangyayari sa lalaking nasa harapan namin? Parang nakakita siya ng hindi niya maipaliwanag ah!
"Tol tara na! Nagugutom na ako!" Rinig kong sabi nung kasama niya sabay tapik sa balikat.
Biglang bumalik sa katunuan yung lalaki at kaaga narin silang pumila sa likuran namin ni Francisco.
"Lakad na do-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mapansin ko ang suot ni Francisco. Napatitig talaga ako.
Kailangan ko bang kiligin? Ayieeee! Tawiwit! Suot din niya yung superman na yellow na sando. Kilig ulit ako. Ayieeee! Couple shirt.
"Oy! Kanina ka pa tinatanong kung ano order mo!?" Biglang sabi ni Francisco na nakapagpabalik sakin sa katinuan.
Langyang to ah! Lakas makabasag ng trip! Kinikilig pa ako eh!
Matapos naming umorder ay bumalik na kami sa table para makakain na agad. Mukhang marami pang balak puntahan itong kapatid ko eh. Dami kasi niyang nakita kanina habang papunta kami dito sa foodcourt.
May mga rides kaming hindi nasakyan. Nakakatakot kasi yung iba. Takte! Tingnan ko palang ay parang susuka na ako.
Kaya eto kami ngayon. Pinapanuod namin ang nagmamagic. Ang gagaling nga nila ee. Lalo na yung parang maliit caterpillar na paikot ikot sa baso na parang kinokontrol nung lalaking nagtitricks. Sumunod naman yung pitaka na kapag binuksan ay may apoy na nalalabas. Abnormal lang ang may gusto nun! Humanga rin ako dun sa card tricks. Binalasa ng ilang ulit nung lalaki tapos paglapag ay naging puro number seven ang cards. Ang galing nu!
"Nei, huwag ka magpaloko sa simpleng bagay. May daya yan!" Biglang sabi ni Francisco habang manghang mangha ako sa ginagawa ng lalaki sa harapan namin.
Takte to! Basag trip nanaman! Ang galing nga eh! Parang gusto ko tuloy bumili nun tapos mamagikin ko si Sheryl! Hahaha! Naiimagine ko na agad ang pagmumukha ng hayop na yun. Miss ko na si Sheryl.
Matapos yun ay nagpaikot ikot pa kami sa loob ng starcity.
Ang daming tao.
Ang saya.Hanggang sa mapadaan kami sa isang stall na puro stufftoys.
Ong gondo!!!!
"Kuya pasok tayo sa loob!" Yaya ni Chrien kay Paul.
Aba! Chrien ako ang kuya at kapatid mo! Ako ang yayain mo! Garabe ka ah! Kinakalimutan mo na agad ako!
Pumasok kami sa loob at shit! Ang gaganda! May mga malalaking bear at maliliit. Ang cute!
Napukaw ang tingin ko sa isang malaking teddy bear na nakaupo sa isang upuan ng stall. Nilapitan ko iyon. Pinisil pisil ko iyon at niyapos yapos. Ang gandaaaa! Ang sarap katabi nito sa kama.
Kama? Takte! Bigla akong may naalala! Naramdaman kong medyo nagiinit ang mukha. Shit! Ayoko muna maalala yon! Huwag muna.
"Oh bat namumula mukha mo?" Sita sakin ni Francisco habang may hawak na teddy bear.
"Ah.. Wala.. May naalala lang ako bigla..." Sagot ko sa kanya sabay iwas tingin.
Takte namang tao to oh!
Siya kaya ang dahilan kung bakit namumula ako! (Ang hot mo kase!) hahaha! Sa isip ko lang yan - baka kasi kung ano nanaman ang maisipang gawin ni Francisco mamaya.Binayaran ni Francisco yung hawak niyang teddy bear at inabot sa kapatid ko.
Buti pa kapatid ko binigyan niya ng bear. Nakakaselos ah!
"Nei hawakan mo muna tong paperbag" sabi niya sakin pagkatapos ay binuhat niya yung malaking teddy bear na kanina lang ay hawak hawak ko.
"Tara na! Baka matrapik pa tayo sa daan" muling sabi niya habang dala dala ang malaking teddy bear.
Den pigilan ang kilig. Mamaya na. Sa bahay na. Huwag masyadong obvious.
Ayieeeeee!Sa likod inilagay ni Francisco ang malaking teddy bear. Pahiga. Kami naman ni Chrien ay nasa unahan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hindi ka ba muna papasok sa loob nei!" Tanong ko sa kanya habang nasa harapan kami ng pintuan ng bahay namin."Hindi na. Kailangan ko na umuwe eh. May pag-uusapan daw kami ni Ate" -Francisco.
"Ayy teka..." Dugtong niya at mabilis inabot sakin ang paperbag na pinahawak niya sakin kanina.
"Ano to?" Takang tanong ko.
"Paperbag" sagot niya.Takte! Alam kong paperbag toh! Ibig kong sabihin ano ang laman nito! Jusko naman!
"Dejokelang. Nakasave na number ko diyan. Speed dial 1." Nakangiting sabi niya sakin.
Nilapitan niya ako.
"Uwe na ako. Balik ako bukas. Sabay tayo maglunch" sabi niya habang nakayapos sakin. Mabilis din niyang tinanggal ang pagkakayapos sakin at nagsimula na maglakad palabas.
"Nei..." Tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang humarap ulit sakin. Mabilis akong lumakad papunta sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
"Mahal na mahal kita..." Sabi ko sa kanya matapos maghiwalay ng mga labi namin.
"Alam ko naman yun - mahal na mahal rin kita Nei" sagot naman niya sakin at ginangihan niya ako ng halik.
"Uuwe na ako Nei... Baka hindi ako makapagpigil at dito pa ako matulog sa kwarto mo..." Pang-aakit niya.
"Ayy! Lakad na Nei! May pag-uusapan pa kayo ni Ate Taniya. Ingat!" Sabi ko habang tinutulak ko siya palabas.
Naku! Pagnagkataon mauulit nanaman yun! Whaaaaaaa! Nakakahiya!
"Wala ka na dapat ikahiya Nei... May nangya-"
"Ingat! See you tomorrow Nei! Pakisabi kina Mama kinakamusta ko sila" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nginitian lang ako ni Francisco. Ayaw ko kasing pag-usapan yung nangyari. Nahihiya kasi ako. First time ko kaya yun kaya... Whaaaaaaah! Ayoko na muna maalala!
Pagkatapos kong marinig ang pagbusina ng sasakyan niya ay bumalik na ako sa bahay at pinasok ko na sa loob ng kwarto ko ang malaking teddy bear.
Inihiga ko yun sa kama ko habang binubuksan ko ang laman ng paperbag.
Cellphone. IP5s.
Wallpaper ang picture namin nagkikiss habang nakaupo kami sa buhangin at sunset nun. Perfect yung view. Nagpakuha pa talaga kami nun sa photographer para maayos ang pagkakakuha.
Mamaya ko nalang tatawagan si Francisco. Sigurado ako nagdadrive pa yun.
Kinalikot ko muna ang bagong cellphone ko. Binuksan ko ang fb acct ko. Tangna! Puro mukha ni Sheryl ang nakikita ko! Puro talaga kalokohan! Pati ba naman natutulog na pusa sa kalye pinopost niya? Kakaiba! May caption pa na "My Bestfriend" oh diba? May sayad! Bestfriend niya pusa!?
Lumipas ang isang oras ay tumunog ang cellphone ko. Text galing kay Francisco.
Nei, bukas na tayo mag-usap. May pag-uusapan kasi kami nila Ate. Magpahinga ka na. Labyu Nei"
Nireplyan ko siya. Sinabi kong okay lang kahit bukas na kami mag-usap. Maghapon narin naman kami magkasama kaya ayos lang iyon.
Author: Mahaba-haba rin itong book 2 na ito. :) Sana po magustuhan niyo rin.
Salamat po!
BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb