Kuya! Si Kuya Paul oh!

6.6K 253 20
                                    

Killing me softly.

Chriden PoV

Muli kong tiningnan ang orasan sa cellphone ko.

1:36am.

Ilang buwan na nga ba akong ganito?
Ilang gabi na nga ba akong hindi makatulog?

Hindi ko na kasi matandaan.

Bumangon ako mula saking pagkakahiga at naupo sa beranda.

Ganito naman ako tuwing hindi ako makatulog eh.

Sinindihan ko ang sigarilyong kinuha ko mula sa bag ko at nagsimula nanaman gumawa ang isipan ko ng kung anu anong scenario na pilit na nagbibigay ng kakaibang kirot sa buong pagkatao ko.

I miss you so much Paul Francisco. And its killing me.

Ang sakit sakit.
Araw araw, gabi gabi ko itong nararamdaman at pilit kong nilalabanan. Ayoko magpatalo sa pain na ito, pero alam ko dadating yung point na hindi ko na ito kakayanin.

Napabaliktingin ako sa higaan ko nung narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at tiningnan ko kung sino ang natawag.

+639355694***

Hindi nakaregister kaya alam kong hindi ko kilala yung natawag. Tinitigan ko lang yung screen ng cellphone hanggang sa naputol na yung tawag.

Nakakailang hakbang palang ako pabalik ng beranda ay muli nanaman tumunog ang cellphone ko. Yun ulit.

Naupo ako sa beranda at ini-slide ko na ang answer key button ng cellphone ko.

Hindi muna ako nagsalita. Pinapakinggan ko kung magiging pamilyar yung boses ng natawag.

Wala akong naririnig na kahit na ano nung sinagot ko yung tawag. Kaya pinindot ko na ang end button.

Ganoon ulit ang nangyari. Sa tantya ko ay naka pitong beses tumunog ang cellphone ko at sa twing sasagutin ko ay wala akong naririnig na kahit ano.

Nilapag ko na ang cellphone ko at muli kong sinindihan ang pangatlong sigarilyo ko.

Napakaraming tanong ang pumapasok sa isipan ko pero ni isa ay wala akong maisagot.

Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko dahil sa pagtunog nito.

I know you're still up. Just wanna say goodnight and nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. :)

Message ni Jaime.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya bilisan mo! Kanina pa sila Noah nag-aantay sa sala!" Sigaw sakin ng kapatid kong sobrang excited.

"Okay! Okay! Kunin mo yung bag ko at ilagay mo yung gamot mo sa allergy" sagot ko kay Chrien habang patuloy akong kinukulit.

"Kuya hindi na ako beybi! Halika ka na!" Sabay haltak niya sa kamay ko.

Hay naku! Wala na akong nagawa at sumakay na kami ng sasakyan. Magkatabi sa likuran si Noah at ang kapatid ko samantalang ako at si Jaime naman ang magkasama sa unahan.

"Please fasten your seatbelt Madaam. Were going to take over" nakangiting sabi ni Jaime.

"Aww! Si Kuya! Bumabanat!" Rinig kong komento ni Noah.

"Puro talaga kayo kalokohan magkapatid" reaksyon ko sabay tawa sa kanila.

"Oyy Kuya Den! Hindi ako nu! Good boy kaya ako! Diba Ien noh?" Sagot naman ni Noah.

"Kunwari ka pa Oah!" Pang-aasar ng kapatid ko.

Nakitawa nalang ako sa kulitan nila habang tinatahak namin ang daan papuntang lugar kung saan gaganapin ang The repeat concert ng SSB.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon