Paul, thank you nga pala kanina.

6.6K 259 16
                                    

Only reminds me of you.

Kuya Mark - salamat po! :) akala ko kay Francisco, Jerome at Jaime lang may nagkakacrush - buti nalang saken meron din. Salamat po! 😍😍

Paul Francisco PoV

Takte! Parang ang tagal lumipas ng oras! Gusto ko mag-monday na agad para makita ko na ulit si Den. Kahit naman may pagka-cold treatment sakin si Den ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Kaso parang may kutob akong hindi maganda.

Flashback (Villamar Resort)

"Diba compatible parin tayo" ngiting sabi ko kanya sabay kindat.

Naghiyawan ang mga kasama namin lalo na si Sheryl. Sigurado ako - kikiligin si Den. Nabasa ko kasi sa notes niya na ito ang mga bagay na gusto niya.

"Naku! Tumigil nga kayo diyan. Nagkataon lang na pareho kami ng suot. Hindi siguro napansin ni Paul yung design, nagmamadali na kasi kami kanina eh" mahabang paliwanag niya.

Shit! Ang sakit nun ah!
Bakit dati kinilig siya nung pareho naming suot yung superman shirt namin? Ayaw niya ba ng batman? Superman lang ba gusto niya? Dapat yun nalang ang pinili kong design kanina.

Napansin kong napatingin sakin si Jerome nung narinig niya ang sinabi ni Den. Katulad nanaman ng dati - wala nanaman siyang emosyon. Hindi ko mabasa kung ano ba ang tinatakbo ng isip ni Jerome. Pakiramdam ko kasi ay may kakaibang pumasok sa isipan niya eh.

Hindi ko na muna inintindi yon. Pinagpatuloy muna namin ang pagkain. Mahaba pa naman ang oras na ititigil namin dito. Bubwelo ako. Kailangan makuha si Den. Kailangan maibalik ko yung pagmamahal niya sakin.

"Hi! Were here!" Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Diba tatapusin niyo pa ang last subject niyo?" Tanong ni Sheryl.

"Nagbago na isip ko She. Sa tingin ko mas kailangan ako dito" sagot ni Mark sabay ngiti kay Den.

Nananadya ba talaga itong lalakeng ito?

Nagkalinawan na kami ah!

"Oh ikaw naman Hans? Namiss mo ako noh?" Paakit na tanong ni Sheryl.

"Hahaha! Pinilit lang ako ni Mark. Pero sige na nga - miss narin kita" pabebe namang sagot nung Hans.

"Halika Jaime! Kain na muna kayo. Ito masarap" yakag ni Den.

Takte! Nag-iinit ang ulo ko! Napipikon ako!

Naramdaman kong tinapik ni Allen ang balikat ko. Nahalata niya ata na hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko. Kumaa muna ako. Ayoko namang sirain ang araw na ito. Ayoko naman na lalo pang magkaroon ng dahilan si Den para manlamig sakin.

Tumabi si Mark kay Den.
Nakatingin lang ako sa kanila.

Kanina hindi man lang makangiti si Den sakin pero nung ito na ang dumating! Tangina lang ah! Sige lang! Kapag ako napikon lalo ipapagiba ko agad itong Villamar na ito!

"Guys! Smileeeeeee!" Malakas na sigaw ni Norman habang hawak ang cellphone.

Nahagip ng mata ko ang biglaang pag-akbay ni Mark kay Den at bahagyang inilapit ang katawan niya para magkadikit sila pareho.

Ayos ah!
Malapit na talaga!
Malapit na akong mapuno!!!!

End of Flashback

Hindi lang pala kutob. Problema ko na pala. Pero hindi parin ako susuko. Hindi ko isusuko si Den. Kahit ano pang sabihin niya sakin - basta mahal ko siya at ako lang ang dapat na makasama niya. Pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan namin ganon lang niya ako kadali kalimutan? Alam ko naman na may nagawa akong pagkakamali eh! Pero hindi naman sapat na dahilan yun para kalimutan agad ako!

Den hindi ako papayag!




Mark James PoV

Hindi ako mapakali.
Parang kating kati na ang paa ko sa paglabas dito sa room. Hindi na ako makapag-antay na sumunod sa Villamar. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. Ewan ko ba. Selos ata ang tawag dito.

Nakapagdisisyon na ako.
Hindi ko basta isusuko si Den. Kahit alam kong maliit lang ang tiyansa ko sa kanya. Kahit alam kong si Paul ang mahal niya ay susubukan ko parin. Ayokong matalo ng hindi man lang lumalaban. Okay lang kahit hindi ako ang piliin ni Den atleast naiparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya.

Habang nakatalikod ang prof namin ay bigla kong hinila si Hans mula sa kanyang upuan. Hinila ko siya palabas at sinabi ko sa kanyang tumakbo ng mabilis. Ayaw pa nga niya nung una pero napilit ko naman siya.

Sumunod na agad kami sa Villamar. Sakto naman ang dating namin dahil nagkakainan palang sila.

"Guys smileeeeeeee!" Sigaw ni Norman habang hawak ang camera sa pagkuha ng picture.

Sinadya kong ipagdikit ang katawan namin ni Den. Sinadya ko rin na makita iyon ni Paul para malaman niya na hindi ako sumasang-ayon sa napag-usapan namin nung gabi.

Kahit na alam kong si Paul parin ang laman ng puso ni Den - susubok parin ako. Baka sakaling totoo ngang nabubura o napapalitan ang heart memory ng isang tao - magkakaroon ang ng pagkakataon.

Matapos naming kumain ay nagsimula na kaming magsaya. Naglaro kami ng volleyball at ang iba naman ay card games. Naligo at konting inuman.

Hindi ako masyadong nag-shot ng alak. Ayoko malaseng dito. Ganoon din si Den. Hanggang sa inabot na kami ng hapon at nagkayayaan ng umuwe.
May pasok pa kasi bukas.

"Pre hindi na ako sasabay pauwe sayo. Isasabay ko na itong reyna ng karagatan! Beh laseng na eh!" Paalam sakin ni Hans habang inaalalayan si Sheryl habang susuray suray.

"Sige pre. Ingat kayo" sagot ko naman sa kanya.

Nilapitan ko si Den nung napansin kong apat lang sila sa cottage. Si Jerome, Allen, Den at si Paul.

"Oh Jaime! Ang bilis mo magbihis ah" bati sakin ni Den habang inaayos ang bag niya.

"Sa bahay na ako maliligo ng matagal. Mahina kasi yung tubig dito eh" ngiting sagot ko naman sa kanya.

"Den tata na uu-"

"Lika na. Hatid na kita" sabi ko kay Den sabay kuha sa bag niya at isinukbit ko ito dahilan para hindi maituloy ni Paul ang sasabihin niya.

Nagpaubaya naman sakin si Den.
Habang naglalakad na kami papalayo ay biglang tumigil si Den at muling humarap sa cottage.

"Paul, thank you nga pala kanina. Ingat kayo" sabi ni Den at muli na ulit tumalikod sa kanila at naglakad na ulit.

"Oooops! Don't ask anything Jaime. Lika na! Parang masarap mag-inom ng empie sa bahay" sabi niya sakin habang patuloy kami sa paglalakad.

Napangiti nalang ako at napailing.

"Ohh! Walang bawian ah! Mag-iinom tayo ng empie!" Sabi ko sa kanya habang malawak ang pagkakangiti ko.

Author: (Wake me up when September ends) :) Pengeng Comments and Votes! :) :) :)

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon