Forever inlove.
Chriden PoV
Haaay.. Monday nanaman. Pasok nanaman. Parang hindi dumaan ang sabado at linggo dahil hindi ko naramdaman na napahinga ang katawan ko.
Flashback
"Jerome..." Mahinang basag ko sa katahimikan na bumabalot samin habang tinatahak namin ang daan pauwe.
"Bakit ka nga pala nandito? Wala ka man lang pasabi na uuwe ka..." Dugtong ko.
"Wala naman masyadong ginagawa dun saka alam ko naman na kayang kaya ng kapatid ko yun" sagot niya sakin.
"Jerome nagtataka lang ako... Bakit niyo ako tinatanong ni Lloyd kung okay lang ako? May problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Nagtataka kasi talaga ako.
"Nagkataon lang siguro Den..." Sagot niya habang nakatingin sa daan.
End of Flashback
"Uyy Den! Ano!? Mabait ka na? Umepekto ba sayo ang retreat?" Tanong sakin ni Sheryl habang nilalapag ang gamit sa table.
"Matagal na akong mabait no! Ikaw lang ang walanghiya eh!" Sagot ko naman sa kanya.
"Teka.. Musta naman si Lloyd? Hindi ka na nagreply sakin nung magkatext tayo nung gabi eh" sunod na sabi niya sakin.
Flashback
"Lloyd? Bakit nandito ka?" Takang tanong ko nung nadatnan ko siya na nakaupo sa sala namin.
"Diba sabi ko naman sayo aantayin kita" seryosong sagot niya.
Nilapag ko ang dala kong gamit at agad na naupo.
"Teka nga.. Nagtataka kasi talaga ako sanyong dalawa ni Jerome eh.. Mharkie Lloyd tapatin mo nga ako! Ano ba ang nangyayari!?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Ha? Anong sinasabi mo? Nandito ako para kumustahin ka nu! Ang tagal na kasi natin di nagkikita eh" nakangising sagot niya.
"Haay Lloyd. Pagod ako.. - "
"Den.. I miss you..." Putol nya sa sinasabi ko.End of Flashback
"Hala! Yun lang ang sinabi niya? I miss you!? Takteng yan! Bitin!" Sigaw ni Sheryl.
"Alam mo Sheryl parang may kakaiba eh. Parang may mali..." Seryosong sabi ko sa kanya.
Napatingin lang sakin si Sheryl halatang nag-aantay ng kasunod kong sasabihin.
"Iba kasi ang pakiramdam ko She. Ewan ko. Anxiety attacks siguro" -Ako.
"Langya ka! Kung maka-anxiety ka! Tara na nga! Pumasok na tayo!" Sabay tayo niya at kuha ng bag niya sa table.
Tumayo narin ako at kinuha ko ang bag ko.
Hindi naman ako tanga para hindi mahalata sa kinikilos ng dalawang kaibigan ko. Alam ko may nililihim sila sakin. Alam ko yun. Malakas ang kutob ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natapos ang buong maghapon nanlulan ang isipan ko. Hindi ko nga naintindihan ang diniscuss ni Maam Baron at Maam Taccad eh."Den una na ako sayo... Ingat ka pag-uwe ha" bilin sakin ni Sheryl at mabilis na siyang tumawid sa kalsada.
"Ikaw din tol. Kitakits bukas. Magpanty ka ha!" Sigaw ko sa kanya.
Sa totoo lang medyo nawawala ang mga isipin ko kapag kasama ko si Sheryl. Kahit alam kong pinapasaya niya lang ako gamit ang kalokohan niya ay naaapreciate ko yun. Iba ka talaga Sheryl.
"Hi! Pauwe ka na?" Mabilis kong nilingon yung pinanggalingan ng boses.
"Diretso ako sa bar... Mag-aayos pa kami dun ee" sagot ko kay Jaime.
"Dinner muna tayo... Tapos hatid kita..." Mabilis niyang sagot.
"...at dahil bawal ang tumanggi, tara na!" Sabay hila niya sa kamay ko papunta sa likod ng school.
Akala ko dun kami kakain pero nung napaharap na kami sa isang magandang sasakyan ay agad akong pinasakay ni Jaime.
"Akala ko ba -"
"Dinner tayo at syempre sa special place..." Putol niya sa sinasabi ko.Nagdinner kami sa isang magandang restaurant. Napakaromantic nga eh. Ang daming kwento sakin ni Jaime pero sa totoo lang hindi napasok sa utak ko. Ewan ko ba. Kakaiba.
"Eto oh" sabay pakita niya sakin ng dalawang ticket.
"Yayain sana kita manuod ng concert ng shooting star band nextweek... Sana -"
"Pwede! Gusto ko! Idol ko yan!" Nakangiting sagot ko agad sa kanya.
Gustong gusto ko kasi ang shooting star band lalo na si Marcus. Kwela yun. Haha! Madala ko mabasa sa mga sites ang tungkol sa kanya. Kaya nga matagal ko ng gustong makapanuod ng concert nila.
"Talaga?"
"Yap! Bakit? Ayaw mo?"
"Syempre gusto ko noh!" Sagot sakin mi Jaime.Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa di ko na napansin ang oras.
"Jaime, hatid mo na ako sa bar... Kailangan na ako dun" sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit niya.
Hindi rin nagtagal ay dumating kami sa bar na sinabi sakin ni Kevin. Hindi na muna umuwe si Jaime. Naupo muma siya at pinakinggan ang mga kanta ko.
Sanay na ako sa ganito. Pagkakatapos ng klase ay diretso sa bar para sa sideline. Wala na kasi kami ibang napagkakakitaan.
Si mama wala ng trabaho. Si Chrien nag-aaral kaya kailangan kumilos na ako. Wala naman kasing ibang tutulong samin kundi ako.
"Den kanina pa nagriring ang cellphone mo" sabi sakin ni John. Guitarist namin.
Nagpa-sub muna ako para sa pagkanta. Mabilis kong tinungo ang backstage para sagutin agad ang cellphone ko.
Baka kasi si Francisco yun. Sayang naman ang pagkakataon.
Tiningnan ko ang call register.
12missed calls and 2 messages.Binasa ko yun.
Kanina pa ako natawag sayo. Busy ka ba? Text mo ako kapag nareciv mo na tong message q.
Galing iyon kay Jerome.Be ready. Flight tayo sa Saturday papuntang hongkong. Ready na passport at ticket mo. Namiss kita kaya babawi ako sayo.
Kasunod na nabasa kong message galing kay Jerome.
Author: pasensya na. Short update. Nalaseng ako eh. Nilaseng ako ni Mike Jose. Pagalitan niyo! Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb