On this day - I surrendered my heart.
Chriden PoV
Pagbaba ko ng bus sa tapat ng park ay saktong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na nga nagawang tingnan kung sino eh. Sigurado kasing si Luis yun.
"Eto na ako... Kakababa ko lang ng bus..." Mabilis kong sabi.
"Ha?" Takang tanong ng kausap ko.
Teka.. Parang iba boses ah. Tiningnan ko panaglit ang screen ng cellphone ko."Oyy Jaime! Ikaw pala yan..." Nahihiya kong bawi sa sinabi ko.
"Napatawag ka? Tanong ko ulit habang naglalakad ako papasok sa park.
"Hindi na kasi kita naabutan sa school.. May pinapasuyo kasi si Noah para kay Chrien" sunod niyang sabi sakin.
"Bukas nalang... Magkiki-"
Hindi ko na naituloy ang kadugtong ng sasabihin ko nung makita ko kung sino ang taong nag-aantay sakin.
Nanatili akong nakatigil at nakatingin lang sa kanya.
"Den.. Bakit? Anon-"
Hindi ko pinatapos sa pagtatanong si Jaime at pinindot ko ang end button ng cellphone ko.
Dinial ko naman ang number ni Luis.
"Alam ko na kung ano ang itatanong mo Den... You just need to talk to him" at mabilis na niyang i-end ang tawag ko at hindi na ako hinayaang magsalita.
Siguro nga kailangan ko narin siyang makausap.
Gusto ko rin naman malaman niya na mahal na mahal ko siya.
Na kahit na anong nangyari ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko yun sa sarili ko dahil kahit na anong pigil kong mahalin siya ay talo parin ako. Kahit nasasaktan ako ay mahal ko parin siya.
Bigla siyang napalingon sa kinaroroonan ko.
Ang tagal niyang nakatingin sakin.
Tangina! Ano itong nararamdaman ko?
Napansin kong dahan dahan siyang naglalakad papunta sakin. Pakiramdam ko sa sarili ko ay gusto ko ma siyang takbuhin at salubungin rin pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Magsasalita sana ako pero bigla niya akong niyapos.
Ang tagal akong nangulila sa yakap na ito. Ang tagal ko ulit inintay mahagkan ng taong sobra kong mahal.
Dahil sa sobrang emosyon ko ay napaganti ako ng yakap sa kanya.
"God knows how much I miss you..." Bulong niya sakin habang akap akap niya ako.
Alam din ng Diyos kung gaano kita namimiss. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang na araw araw at gabi gabi kong hinihiling na mahagkan kita ulit.
Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayapos niya sakin at hinawakan ang kanang kamay ko. Umupo kami sa malapit sa groto.
Hawak hawak parin niya ang kamay ko pero kapwa kami tahimik.
"Den gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita..." Seryosong sabi sakin ni Paul.
Tiningnan ko siya sa mata. Tinitigan ko siya.
"Mahal na mahal rin kita..." Seryosong sagot ko sa kanya.
"Sorry kasi hina-"
Pinigilan ko siyang magsalita. Tinapat ko sa labi niya ang daliri ko.
"You know how much Iloveyou Paul Francisco... Napakasaya ko nung nagkakilala tayo.. Sobra. Sobra yung saya ko.." Panandalian akong tumigil. Umayos ako ng pagkakaupo.
"...lalo na nung nalaman kong mahal mo rin pala ako. Ang saya ko nun. Sobra yung kilig ko... Sabi ko nga dati wala na akong ibang mahihiling pa kasi nandiyan ka na. Ikaw na yung pinakadabest sa lahat ng the best na binigay sakin ni God..." Tumigil ako para hayaan na magdaloy ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos mula sa mga mata ko.
"...hindi ko nga alam kung bakit mo ako nagustuhan eh..." Napangiti ako bigla nung sinabi ko sa kanya yan.
"...pero hindi naman mahalaga yung ibang dahilan.. Ang pinakamahalaga ay mahal kita Francisco... Mahal na mahal kita..." Patuloy kong sabi sa kanya habang patuloy rin ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Salamat.. Maraming salamat... Salamat kasi kahit na anong nangyari ay mahal mo parin ako..." Muli niyang hinawakan ang kamay ko.
"Wala akong ibang minahal Den kundi ikaw... Wala na... Wala na akong ibang hinahangad kundi ang makasama ka.. Makasama ka araw araw, palagi. Yung tayong dalawa..." Sinserong sabi niya.
"Den yung tungkol kay Roxanne... Hindi ko mahal si Roxanne.. Ikaw ang mahal ko Den.. Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari Den... maniwala ka sakin... Maniwala ka..." Nauutal niyang paliwanag sakin.
"Naniniwala ako sayo... Alam kong mahal mo ako Francisco.." Sagot ko sa kanya at napahigpit na ang kapit ko sa kamay niya.
"Den... Sumama ka na sakin. Lumayo na tayo... Magsama na tayo... Diba mahal mo ako? Gusto ko magkasama tayo... Umalis na tayo dito..." Sinserong sabi niya sakin.
Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal sakin ni Paul nung narinig ko sa kanya yung mga salitang iyon. Lalong nagbuhos ang mga luha ko. Mas lalong tumaas ang level ng emotion ko.
Kinalas ko sa kamay niya ang kamay ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Sigurado na ako.
Mahal ko siya.
Wala akong ibang inisip kundi siya.Francisco... Mahal na mahal kita...
Nagdaloy ang mga luha ko. Pilit kong pinipigil ang sunod na sunod kong paghikbi.
Hawak hawak ko parin ang mukha niya.
Napakasaya ko dahil sa mga sinasabi niya sakin.
Napakasaya ko kasi mahal na mahal niya ako.
Napakasaya ko ngayon.
Ayoko ng natapos itong sandaling ito...
"Den... Tara na... Dun tayo sa Bicol... Pwedeng pwede tayo dun.... Ako na ang bahala sa lahat... Magtiwala ka lang..."
Author: laseng nakooooo!
Shoutout nga pala dun sa nagtetext sken - nanliligaw. Hahaha. Kuya ayoko po sa singket. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb