Syota?

6.2K 239 21
                                    

Oh ang isang katulad mo :) 😍😍

Chriden PoV

Nakakapagod ang araw na ito at ang nagdaang mga araw. Sunod sunod na kasi yung set namin sa bar. Mabenta ngayon kasi Christmas season.

Bago ako tuluyang umuwe ng bahay ay dumiretso muna ako sa simbahan. Makapagsimba man lang kahit sa huling simbang gabi.

Nagpasalamat ako sa panginoon sa lahat ng biyayang natatanggap ko at aking pamilya. Taimtim ko ring ipinahayag ang nararamdaman ko. Alam kong may plano ang panginoon sa buhay ko. Ayoko siyang pangunahan. Alam ko lahat ng nangyayari ay may dahilan. Alam ko para sakin din ito.

Naglakad nalang ako pauwe. Malapit narin naman ang sa amin.

Napakaraming nagtitinda ng putobungbong, bibingka at mga pagkain na sa tuwing Christmas season lang binebenta.

Christmas na bukas.
Naibalot ko na ang regalo ko kay Mama at kay Chrien. Meron din akong regalo sa mga kaibigan ko. Kay Jaime, Noah, Sheryl, Jerome, Lloyd at sa iba pa. Kahit alam kong hindi ko pa maibibigay yun ay niready ko na.

Nasa tapat na ako ng bahay namin.

Walang ilaw.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Imposible naman kasing maputulan kami ng kuryente kasi kababayad ko lang ng bill namin. Wala akong kahit na anong ingay na naririnig.

Mabilis ko ng pinihit ang seradura mg pintuan namin.

Madilim.

Wala akong makita.

"Mama?"

"Chrien?"

Pagtawag ko.

Walang nasagot.

Hindi ko maihakbang ang paa ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng ilaw.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!"

Sabay sabay na sigaw nila Mama, Chrien, Noah at Jaime. Kasabay ng pagbagsak ng mga confetti at biglang pagtunog ng kantang happy birthday.

Birthday ko pala ngayon. Hindi ko na namalayan.

Hindi ako makapagsalita sa pagsorpresa nila sakin.

Nakakatuwa.
Ang saya.

"Kuya Den blow mo itong candle!" Sabi ni Noah habang hawak hawak ang cake.

"Teka muna! Mag-wish ka muna" ngiting sabi naman ni Jaime.

Wish? Wala na yata akong pwede pang hilingin. Yung makita ko lang na masaya ang mama at kapatid ko at yung alam kong palaging nandiyan ang mga kaibigan ko ay sobrang masaya na ako.

Hindi ko na dapat hilingin pa yung tungkol samin ni Paul. Imposible na yun. Kung hihiling man siguro ako para sa kanya yun yung sana maging masaya siya at maging matatag ang pamilya niya.

"Salamat! Maraming salamat!" Sabi ko sa kanila matapos kong hipan ang kandila.

"Kayo talaga!" Sabi ko sa kanila habang nakain kami ng spaghetti at iba pang pagkain na nakahain sa lamesa.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon