Love is just a game - that children play.
Shoutout nga pala kay @RaeAllain yan na po nakapag-update na ako. Sensya na sa boses ko kagabe - laseng na ako. Hahaha! Ayaw mo pa maniwala na ako yung kausap mo sa cellphone. 😁😁😁
Chriden PoV
"Kuya gising na! Kuya!"
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ng kapatid ko habang niyuyugyog niya ako.
Sabado nga pala ngayon. Walang pasok. Baliktad talaga tong kapatid ko. Kapag may pasok, tanghali na palagi nagigising, kapag wala naman pasok mas nauuna pa samin ni Mama magising. May sayad ata itong kapatid ko eh.
"Bunso wala naman pasok kaya hayaan mo muna matulog si Kuya..." Ungot ko sa kanya.
"Eh Kuya kanina pa kasi nag-aantay si Kuya Mark sa ibaba kaya ginising na kita"
Bigla akong napabangon nung marinig ko yun sa kapatid ko.
Wala naman kaming usapan ni Mark na aalis ah.
Kaagad bumaba ang kapatid ko nung nakita na nya akong bumangon mula sa higaan. Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako bumaba
Tumingin ako sa Kalendaryong nakapaskil sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
September 11 20xx
Ang bilis ng panahon.
"Oh Jaime. Napadaan ka?" Bati ko sa kanya.
"Ah.. Yayain sana kita.." Mahinahong sabi niya sakin.
Matapos ang sandaling kwentuhan namin ay nag-ayos na ako. Nakakahiya naman kasing hindi sumama sa kanya. Kapag kasi ako ang nagpapasama ay hindi na nagdadalawang isip itong lalaking ito. Kaya kelangan bumawi.
"Oh saan tayo pupunta?" Tanong konsa kanya nung napansin kong lumampas kami sa SmRosario.
"Sa SmBacoor tayo. Nakakasawa na kasi diyan eh" tukoy niya sa SMR.
Ini-on niya ang mini component ng sasakyan niya at kinonekta niya ang cellphone niya doon.
Pls play: Ill be over you - Toto
It takes sometime
God knows how long
I know that I can forget youAs soon as my heart stops breaking
Anticipating
As soon as forever is true
I'll be over youPagsabay ni Jaime sa kanta. Ayos ah! May talent rin.
Ilang sandali lang ay dumating na kami sa SmBacoor. Kahit pala ganitong kaaga ay marami na rin pala ang taong nandito.
May nakaset up na mini stage sa gitna ng Sm at may mga drums at gitara.
"Den kung aalayan mo ako ng kanta - anong kanta?" Seryosong tanong sakin ni Jaime.
Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong nararamdaman kay Jaime ngayon. Parang may mali - parang ang weird niya o baka naman naiisip ko lang ito dahil sa kung anu-ano ang tinanong sakin nila Allen nung nag-inom kami sa E-Place nung isang araw.
"Jai-"
"Tara. Gusto ko marinig..." Sabay hila niya sakin papunta sa mini stage.May ilan ilan naring tao ang nakaupo sa harapan ng stage. May nakanta rin.
Nilapitan ni Jaime yung taong nag-a-assist at tinuro ako.Seryoso nga siya.
Teka.. Ano nga bang kanta ang dapat na ikanta ko sa kanya?
Syempre dapat pang-espesyal kase espesyal na tao si Jaime sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb