Payapos - kahit saglit lang.

6.3K 257 34
                                    

I forgot how we ever came this far...

Chriden PoV

Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko.

Naestatwa ako.

Hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa kanya.

Sa kanyang magandang mata.

Sa kanyang matangos na ilong.

Sa kanyang mapupulang labi.

Nagsimula nanaman mabuo ang mga imahe sa isipan ko.

Yung scenariong binangga niya ako habang nakapila ako para mag-enroll.

Yung pagharang niya ng sasakyan sa kalsada para lang pasakayin ako sa sasakyan niya.

Yung pagpapakilala niya sa pamilya niyang espesyal ako para sa kanya.

Yung pagtawag niyang wirdo sa kurso namin.

Yung pagkanta niya ng On This Day sa Bicol.

Yung paghalik niya sa labi ko.

Yung yakap niya.

Yung pagsabi niyang mahal na mahal niya ako.

Lahat paulit ulit sa isipan ko.

Hanggang sa biglang nagpicture rin sa isipan ko ang scenariong ayoko ng maalala pa. Sa Hongkong.

Pakiramdam ko ay bigla nanamang nawasak ang buong pagkatao ko dahil sa mga ala-alang ayaw mawala sa isipan ko.

Mga ala-alang gabi gabing nagpapahirap sakin matulog.

Mga ala-alang dahilan kung bakit patuloy na may libo libong karayom ang patuloy na tumatahi sa dibdib ko.

Mga ala-alang napakasakit. Sobrang sakit.

Pilit kong kinalma ang sarili ko.
Ayoko magpaapekto dahil ayoko rin may maapektuhan.

Kahit na anong gawin ko o kahit na anong mangyari ay wala ng mababago. Magkakaroon na siya ng pamilya at magandang buhay. At alam kong hindi na ako kasama dun. Ayokong rin naman maging dahilan para masira ang pinapangarap ng lahat ng lalaking pamilya.

Bigla ko nalang naramdaman na nakakulong ang katawan ko sa bisig ni Francisco - ni Paul pala. Wala na pala akong karapatang tawagin siya sa paraang pagtawag ko sa kanya. Hindi na siya sakin - kahit alam kong kailanman ay hindi magiging sakin.

Pinipilit kong maging pormal.
Walang namumuong luha sa pagitan ng mata ko. Mas maganda narin yun para hindi maging kompliko ang sitwasyon.

Nanatili akong nakatayo habang yakap yakap niya ako. Hindi ako naganti ng yakap sa kanya.

Wala akong ginagawa.

Wala naman talaga akong dapat gawin diba?

Unti-unti kong naramdaman na humihiwalay na siya sa pagkakayakap sakin.

Kapwa kami nakatayo at magkaharap.

"I...I'm re-"
"Nakauwe ka na pala..." Putol ko sa dapat sana'y sasabihin niya. Ayokong bigyan siya ng pagkakataon para buksan ang usapan tungkol saming dalawa.

"...nga pla Jaime si Paul, Paul si Jaime" dugtong kong pagpapakilala sa kanilang dalawa.

"Kaibigan ko..." Ngiting dugtong ko sabay tingin kay Jaime.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon