Tangina! Ayoko ng ganito!!!!!

5.5K 201 14
                                    

Til death do us part

Hi Jace sy! :) Maraming salamat po sa suporta! :) Promise may Book 3 po.
Add niyo po si Jace sy sa fb. :)

Paul Francisco PoV

Buti nalang pumayag si Lolo sa gusto ko. Kinausap ko narin si Daddy at Mama. Wala naman naging problema kaya sobrang saya ang nararamdaman ko.

Birthday na bukas ni Den.

Hindi na ako makapag-antay.

Bumili narin kasi ako ng ticket. Gusto ko kasing magpunta kami sa Thailand. Gusto kong bumawi sa kanya. Sa Thailand kasi ang concert ng pinsan kong si Leonard. Alam ko naman kasing gusto ni Den ang Shooting Star Band. Para narin makapagpasalamat ako kay Vincent sa nagawa niyang tulong sakin nung nasa Japan pa ako.

Nandito kami ngayon sa E-place nila Allen. Kinausap ko na sila. Ang kulet ko nga daw eh. Hindi daw ako makapag-antay. Pero wala narin silang nagawa.

Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. Excited na ako. Nung isang ko pa nga naihanda ang mga kailangan ko eh. Sana magustuhan ni Den. Sana maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Wala na akong ibang kailangan kundi siya. Kaya ayoko ng sayangin pa itong pagkakataon na ito.

Habang nagda-drive ako ay hindi ako mapakali.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Bahagya ko iyong dinampot at binasa ko ang text na nareceive ko. Galing iyon kay Jerome.

Medyo napapabilis na nga ang andar ng sasakyan ko dahil sa sobrang ka-excitedang nararamdaman ko eh. Di kasi mawala sa isipan ko ang magiging reaksyon ni Den.

"Beeeeep! Beeeeeeep!" Narinig kong busina.




Kerby PoV

Halos hindi ako makapagsalita habang kausap ko si Den sa kabilang linya. Ang sakit na kasi ng panga ko sa pagpigil. Ganoon din si Brille at Allen na nakatayo sa harapan ng sasakyan.
Narinig kong sumigaw si Den at pilit niyang inaalam ang nangyari.

Hindi ko masabi sa kanya.

Hindi ko kayang sabihin.
Mas maganda sigurong nandito siya para siya na mismo ang makakita kung ano ang nangyari.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya in-end ko na ang tawag. Narinig ko namang nandun na si Jerome kaya sigurado akong magiging okay na si Den.

Allen PoV

Tinawagan ko na si Jerome. Sinabi ko na sa kanya. Sinabi ko sa kanyang siya na ang bahala magsabi kay Den at ipaliwanag niya. Base kasi sa nakita kong reaksyon ni Kerby habang kausap si Den ay ramdam kong nagwawala na iyon sa nalaman niya.

Nandito na rin sila Tita at Luis.
Nagdatingan narin ang mga sasakyan ng Pulis na pinatawag agad ni Lolo Benedict. May mga SOCO narin.
Halos hindi narin makadaan ang mga pampasaherong sasakyan dahil sa nakaharang na sasakyan ni Paul.

Dumadami narin ang mga taong nakikiusyoso na pilit pinapalayo ng mga pulis. Panay pa nga rin ang kuha ng litrato.

Nandito lang kami sa isang gilid. Inaantay pa namin ang Papa ni Paul. Hindi ko alam kung paano nalaman ng Papa niya kasi si Luis ang tumawag.

Ilang sandali lang ay tumigil na ang sasakyan ni Jerome.

Chriden PoV

"Tubig oh" mahinahong alok sakin ni Jerome habang tinatahak namin ang kinalalagyan ni Paul.

Kinuha ko iyon at hinawakan ko lang.

Hindi ko magawang magsalita.
Kahit anong pigil ko ay patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

Nanlalamig ang buong katawan ko.

Nanginginig ang dalawang kamay ko.

Jusko.
Bakit kung kailan maayos na ang lahat.
Bakit kung kailan alam ko na ang totoo.

Naalala ko yung sulat na binigay sakin ni Luis. Kinuha ko iyon sa pitaka ko at binuksan ko.

Paul,

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bagay na naitulong mo sakin. Alam ko rin na pinipilit mo lang ang sarili mo at alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon kaya gusto ko ng sabihin sayo ang totoo. Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Plinano ko ang lahat kasi iniwan ako ng lalakeng nakabuntis sakin. Yung dugo? Nilagay ko talaga iyon sa kama para mas maniwala ka na may nangyari satin.
Nung gabing lasing na lasing ka - ibang pangalan ang tinatawag mo. Hindi ko siya kilala. Den ang sinasambit mo. Paulit ulit mong tinatawag ang pangalan niya. Sinasabi mong mahal na mahal mo siya at hindi mo siya kayang iwanan. Huwag ka mag-alala. Okay na ako ngayon. Kailangan harapin ko ang sarili kong problema. Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. Kapag kaya ko na - haharap ako sayo para personal na humingi ng tawad pati sa taong mahal mo. Sana magkaayos kayo ni Den. Sana maayos niyo pa ang gulong nagawa ko sanyo. Salamat.

Roxanne.

Matapos kong basahin iyon ay lalong nag-agos ang mga luha ko. Nagsimula nanaman ang sunod sunod na paghikbi ko.

Eto na kami. Nakikita ko na ang mga nakapalibot na sasakyan ng mga pulis.
Matapos maipark ni Jerome ang sasakyan niya sa isang tabi ay dahan dahan akong bumaba.

Nadako ang atensyon ko sa sasakyang nasa gitna.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sasakyan ni Paul yun.

Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.

Tangina!
Ayoko ng ganito!!

Author: pengeng comments and Votes :(

☹️☹️☹️

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon