ThankYou....

6.6K 260 20
                                    

Once in a lifetime.

Sensya di ako nakapag-update kagabe :) kachat ko si Crush ee 😍😍 hahaha!

Paul Francisco PoV

"GoodMorning Mama! GoodMorning Daddy! GoodMorning Luis! GoodMorning Justin! GoodMorning Manang!" Nakangiti kong bati sa kanila habang paupo ako sa hapag-kainan.

"Hala! Kuya? May sakit ka?" -Justin

"Oh bakit ganyan kayo makatingin sakin? Ang weird niyo!" Puna ko sa kanila.

"Anak ayos ka lang?" Takang tanong sakin ni Mama.

"I'm better Ma. Kain na tayo - male-late na ako eh" nakangiti kong sagot kay Mama.

Ang weird naman ng mga kasama ko dito sa bahay. Grabe makatingin ah! Paranoid!

"Ma, pasok na ako!" Sigaw ko at mabilis na akong pumasok sa sasakyan ko.

Maganda lang ang gising ko. Actually, hindi pala gising. Hindi naman kasi ako halos nakatulog sa kakaisip sa nangyari samin ni Den nung Sabado eh. Nangyari? Oyy! Wag masyadong naughty! Saka na ulit yun kapag okay na okay na kami. Syempre naman noh! Kailangan bumawi siya sakin kapag okay na kami - magdamagan! Walang hugutan! Ayy tulugan pala! (Bastos ni Author)

Habang nagda-drive ako ay may nakaagaw pansin sakin kaya kaagad akong bumaba.

Ayos!

Tingnan ko lang kung hindi makiliti ang puso mo ngayon Den.

Kung ako sayo Den - bumili ka na ng salbabida! Dahil kung hindi malulunod ka sa mala-tsunaming pagmamahal ko! Ayieeee!

Kaagad akong bumalik sa sasakyan ko at pinagpatuloy ang pagtahak papuntang San Sebastian. Oh ayan sinabi ko na ulit ng buo ang pangalan ng school namin. Sana naman mapansin nila si Author. Hahaha!

Nilibot ko ang mata ko sa buong cafeteria.

Napaaga nga talaga ako. Wala pa ang taong inaabangan ko.

Bumalik ako sa sasakyan ko upang kunin ang binili ko kanina sa Salinas. Naiisip ko palang na hawak ni Den to kinikilig na ako. Takte! Ako ang kinilig ah!

Nagpalipas muna ako ng sampung minuto bago ko pinagpasyahan na bumalik sa cafeteria. Sigurado kasi ako na sa mga oras na ito ay nakaupo na dun si Den.

Nagsimula na akong maglakad.

Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakapaligid sakin habang naglalakad ako. Pansin ko rin na may mga kumukuha ng litrato sakin gamit ang mga cellphones nila.

Diretso lang ako. Hindi ko sila pinapansin. Hindi naman kasi sila ang pakay ko eh.

Ayun yung pakay ko.

Yung taong nakaupo sa gilid na table habang may hawak na libro ay nagbabasa. Katabi niya si Sheryl. Hindi niya ako napapansin dahil nakatutok ang kanyang dalawang mata sa hawak hawak niyang libro.

"Shiiit! Kinikilig akooooo" narinig kong sabi nung babae na nadaanan ko.

Nagsimula ko ng marinig yung mga mahihinang bulungan sa dinadaanan ko. Bahala sila. Wala akong pakialam sa kanila. Ang tangin pakay ko ay si Den - ang taong mahal na mahal ko.

Malapit na ako sa table nila.

Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad ako. At alam niyo ba yung pakiramdam nung lumingon siya sakin.

Tangina! Slow Mo! Dahan dahan talaga! Kulang na nga lang background music eh. Tapos nung makita niya ako ay halatang nagulat siya.

Kapwa na kami nakatitig sa bawat isa habang patuloy akong naglalakad papunta sa kanya.

Malapit na ako.

Ayan na siya.

Eto na ako.

Naramdaman kong biglang tumahimik ang buong paligid at alam kong napunta sakin at samin ang buong atensyon ng cafeteria.

"Hi...." Bati ko sa kanya.

"H...Hi...." Nauutal niyang bati sakin.

Nagpalipat lipat ang tingin samin ni Sheryl.

"Ah.. Excuse me... Tatae muna ako..." Sabi ni Sheryl at mabilis umalis sa gilid namin ni Den.

"For you..." Seryosong sabi ko sa kanya sabay abot ng isang tumpok na bulaklak na pinapalibutan ng marshmallows. Pinasadya ko pa talagang ipagawa yun kanina sa flowers for you dun sa Salinas. (Ayan ah! Nipromote ko yung flower shop! Next time dapat libre na ako diyan)

"Thank you..." Sagot ni Den na nananatiling nakatitig sakin.

Tangina! Inaakit ba ako nito? Bakit ganito makatitig sakin si Den?
Akit na akit na ako. Baka hindi na ako makapagpigil pa dito.

"Sige... Pasok na ako... Dinaan ko lang yan sa-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung biglang lumapit sakin si Den at mabilis niyang idinampi ang malambot niyang labi sa pisngi ko.

Shiiiiiiit! Yung puso ko parang sasabog sa sobrang lakas ng tibok.

Matapos idampi ni Den ang labi niya sa pisngi ko ay napuno ng palakpakan ang cafeteria at tilian ng mga babae.

Ako ata ang malulunod sa kilig at hindi si Den. Ako ang nasorpresa sa nangyari.

Parang ayoko na tuloy pumasok at dito nalang ako para makasama ko si Den. Para... Para ipagpatuloy namin yung kiss.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Nakatitig lang ulit sa kanya. Paulit ulit nanaman kasi sa utak ko yung pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. Tangina! Ang sarap ng pakiramdam ko.

"Den... Nandun na si Maam" biglang singit ni Sheryl.

Inayos ni Den ang gamit niya at mabilis kinuha yung bag.

"Pasok na kami... Pumasok ka narin.. Ingat ka..." Sabi ni Den at nagsimula na silang maglakad ni Sheryl.

Ako? Eto lulan parin. Tulala at parang adik na nakatingin sa kawalan.

"Tol, baka gusto mo ng pumasok? Wala na si Den. Kanina pa nakaalis" sabi ni Allen sabay tapik sakin.

Kapag talaga si Den ang nasa harapan ko - nawawala talaga ako sa sarili ko. Nagwawala ang puso ko at nawawala ako sa sarili ko.

Natapos ang buong maghapon namin na sobrang ligalig ko. Masaya. Maya't maya ay nasilip ako sa bintana at nagbabakasakali na makikita ko ang taong mahal ko na nakaupo sa table nila. Sa cafeteria. Tanaw kasi dito sa room namin yung cafeteria. Pinagkakataon talaga kami ng tadhana.

Pasado alas otso ng gabi ako nakauwe ng bahay. Nagyakag pa kasi si Kerby dumaan sa SmR. Tiramisu lang naman pala ang bibilihin! Maisipan talaga ng taong to oh!

Nagshower agad ako pagdating ko ng bahay. Inayos ang gamit ko at naupo na agad sa terrace. Soundtrip. Hindi parin kasi nawawala sa isipan ko yung nangyari. Kinikilig pa nga ako eh.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ako agad yun at binasa ko ang text.

Gs2 mo magshot?
Birthday ni Robert eh. May konting alak. Sama mo nalang sila Allen para may kasama ka
Sender: Nei.

Muntik na akong mapatalon sa kinalalagyan ko nung nabasa ko yung text galing kay Den. Napasigaw nga si Manang eh. Naihagis tuloy yung walis tambo sa labas. Tawa talaga ako nun ng malakas.

"Bakit Manang anong nangyari?" Mabilis na takbo at tanong ni Justin.

"Ito kasing si Kuya mo bigla biglang sumisigaw. Nagulat tuloy ako" narinig kong sumbong ni Manang.

"Naku Manang hayaan mo na muna si Kuya. May sumpong yan" sagot naman ni Justin. Hindi ko na iyon pinatulan. Ang inintindi ko ay ang pagreply ko kay Den.

Ndi pde cla Allen. Busy clang lahat.
On the way na ako. See u.

Kaagad kong reply sa kanya.
Ayoko ngang isana sila Allen. Istorbo lang yung mga yun. Ako lang ang pwede don dahil sosolohin ko si Den.

Author: Pengeng comments and Votes aa! Maraming salamat po! :)

Ndi pa ako nichatchat ni Crush 😞😞😞

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon