Po? Talaga po? Sige po!

6.3K 256 11
                                    

Til I met you.

Hi Paul Jake! :) Thanks po sa pagsupport sa story na ito. :) 😁😁😁

Paul Francisco PoV

"Kuya Paul!!!!!" Bating sigaw sakin ni Chrien.

Namiss ko tong batang ito ah. Grabe ang laki na agad niya. Siguro mas makulet na to ngayon kesa dati. Halata naman kasi sa itsura niya eh.

"Hi Chrien! Musta ka na?" Nginting bati ko naman sa kanya.

Nagkwentuhan kami ni Chrien. Dami nga niyang kwento eh. Kinukwento niya yung classmate niyang si Oah daw. Lagi daw silang magkasama at sabay kumain. Bidang bida nga yun eh. Bukambibig ni Chrien si Oah.

"Oh Chrien lakad na sa taas. Nag-iinom kami ni Kuya Paul at nila Kuya Mike. Bawal ka dun ha" narinig kong sabi ni Den.

"Kuya Paul mamaya kwentuhan tayo ulit..." Bulong ni Chrien saken bago tuluyang umakyat sa taas.

Ako naman ay sumunod na kay Den. Dito kami ngayon sa terrace nila. Pinaupo niya ako at binati naman ako ng mga kasama niya. Kilala ko na itong si Robert at Mike. Nakainuman ko narin sila dati nung nagpunta ako dito. (Sa book 1 po).

Nagsimula ng magpaikot ng tagay si Mike. Ang taas nga eh. Syempre bawal ang umangal. Baka isipin nalang ni Den mahina ako. Pogi points din ito kasi siya ang nagyakag sakin.

Nakikipagkwentuhan sakin sila Robert. Tinatanong nila ako kung marunong ba daw ako maglaro ng billiard. Syempre naman marunong ako nun. Di nga manalo sakin si Jerome kapag naglalaro kami ng billiard sa bahay eh. Ako pa! Magaling yata ako!

"Sige pre sa biyernes laro tayo. Kami mo si Den tapos kami kami ni Mike" nakangising sabi ni Robert.

"Teka! Dapat may pustahan tayo para maganda laban!" Singit naman ni Mike.

Ito namang si Den nakikinig lang. Pustahan? Hala! Dapat magpraktis ako kasi sigurado ako hindi marunong si Den ng mga ganoong laro.

"Kung sino matalo ay yun ang bibili ng ticket sa E.K!" Malakas na sabi ni Mike.

"Oyy! Kumag wala akong pera pambili ng ticket nu! Saka bakit sa E.K? Pwede naman na pagkain nalang ang pustahan!" Kontra ni Den.

"Okay lang yun Den! Mayaman naman yang boyfriend mo" dugtong naman ni Robert.

Muntik ng maibuga ni Den ang tagay niya nung sinabi iyon ni Robert. Lihim ko namang ikinakilig yun.

"Oy oy! Kayo ah! Ah basta! Hindi sa E.K!" -Den.

Kinikilig na ako ah! Hindi man lang siya kumontra nung sinabi ni Robert na boyfriend niya ako. Tangina. Tama nga ang disisyon kong hindi isama sila Allen kasi kung nandito sila siguradong todo kantyaw si Den sa kanila.

"Kung ayaw mo matalo Den - galingan niyong dalawa" ngising sabi ni Mike.

Nagpatuloy na kami sa inuman. Napapasarap nga sa kwentuhan eh. Si Den? Eto halatang may sanib na ng alak. Medyo iba na kasi ang pagdeliver niya ng salita. Napapangiti nga ako eh. Ang cute niya lalo. Mas lalong ang lambing pa ng boses niya.

Si Robert at Mike naman ay ganoon narin. May tama narin. Mali mali na kasi ang lyrics nila sa pagsabay sa kanta na nanggagaling sa speaker.

"Den pagkagraduate mo san mo balak magtrabaho?" Biglang tanong naman ni Mike habang inaabot ang tagay saken.

"Ahh... Sa ngayon di ko pa alam eh. Pero isa lang naman talaga ang gusto kong magawa sa buhay ko" sagot ni Den sa tonong may tama ng alak.

Parang hindi ko ata alam yun sinabi niya ah. Wala kasi sa notes niya yung gusto niyang magawa. Kung alam ko lang yun, gumawa na sana ako ng paraan para mangyari yun. Bitin kasi yung notes niya sakin. Kakainis nga eh.

"Ha? Ano yun?" Tanong naman ni Robert.

Umayos ako ng pagkakaupo. Gusto ko kasing marinig ng mabuti kung ano man ang isasagot ni Den.

"Gusto ko makapunta sa iba't ibang bansa, katulad ng Egypt, China, Greece, India at lahat ng bansa na historical. Gusto kong malaman at mapuntahan yung mga historical places dun" seryosong sagot niya at sabay kuha sa inaabot na tagay ni Mike.

Astig naman ng taong mahal ko.
Naalala ko na! Nabasa ko sa notes niya na bukod sa Psychology ay gustong gusto rin niya ang Archeology. Nabasa ko nga rin sa notes niya yung tungkol sa Bermuda Triangle at nakalagay pa don yung sarili niyang theory. Pati yung pyramid sa Egypt, nakalagay din sa notes niya ang theory niya kung bakit hindi nabubulok ang mga bangkay don.

"Ang weird mo talaga Den" seryosong sabi ni Mike.

"Epekto ba yan ng kurso mo Den?" Tangang tanong naman ni Robert.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan!" Reaksyon naman niya.

"Ikaw pre, ano masasabi mo sa sinabi ni Den?" -Robert.

"Ahh... Astig nga eh. Adventure. Pero alam niyo ba maganda rin don sa Holy Land" sabi ko naman sa kanila.

"Talaga!? Nakapunta ka na don?" Masayang tanong ni Den.

"Oo. Sinama kasi ako ni Daddy dati. Ang ganda nga eh" ngiting sagot ko.

Todo tanong sakin si Den tungkol sa Holy Land. Syempre naman pabida na ako. Nakuha ko na ang atensyon ni Den. Yung dalawa naman naming kasama ay nagkaroon nalang ng sariling pinag-uusapan. Hahaha! Nakakatawa nga eh. Di sila makakonek sa pinag-uusapan namin ni Den.

Lumipas pa ang ilang oras. Ramdam ko narin na may tama na ako ng alak. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkahilo eh. Di ko rin kasi napansin na napapadami yung tagay ko sa sarili ko. Nagprisinta kasi ako na ako na ang magtatagay para makapagkwentuhan ng maayos si Mike at Robert.

Si Den? Laseng na!
Nakadantay na nga ang ulo sa balikat ko eh. Ang sweet namin diba? Nakahawak pa nga yung kamay niya sa braso ko eh. Alam ko yan kahit laseng narin ako.

"Oh pano pre? Uwe na kami ni Robert. Senglot na eh. Salamat sa pagpunta. Sa friday ha!" Paalam ni Mike.

"Salamat din pre" sabi ko sa kaniya.

Aba! Teka! Ako dapat ang magsabi ng uuwe na ako ah! Pero kailangan ko muna siguro magpahinga. Ramdam ko kasi na medyo naliliyo na ako. Ayoko pang mamatay sa aksidente noh! Hindi ko pa nakukuha si Den! Saka na.

"Oh Paul! Ayy naku! Sigurado akong laseng yang si Den! Ikaw ba? Laseng ka na rin?" Tanong sakin ng Mama ni Den.

"Medyo naliliyo lang po. Pero okay pa naman po ako, kaya ko pa po" magalang na sagot ko.

"Ayy hindi ka pwedeng magdrive ng nakainom. Dun ka na muna matulog sa kwarto ni Den. Pakibuhat na rin yang batang yan at dun na kayo magpahinga sa kwarto"

"Po? Talaga po! Sige po!" Medyo napalakas ang pagkakasagot ko.

Parang nawala ang tama ng alak sakin ah! Pero kunwari meron. Baka magbago pa isip ng mama ni Den at baka pauwiin ako.

Binuhat ko si Den. Yung buhay na parang bagong kasal. Pumanik na kami sa taas at ibinaba ko na siya sa kama niya.

Tinitigan ko siya ng matagal. Ang lapit lapit nga ng mukha ko sa kanya eh. Gustong gusto ko siyang halikan pero nagpipigil ako. Gusto ko kusa niyang ibigay sakin yun.

Nanlaki nalang ang mata ko nung bigla niyang isinukbit ang dalawa niyang kamay sa leeg ko ay mabilis niya akong nahila sa kama katabi niya.

Nakayapos na sakin si Den ngayon.
Naririnig ko ang kalabog ng puso ko. Ang bilis.

Hindi ako nagalaw dahil baka mausog siya at tanggalin niya ang pagkakayapos niya sakin.

Tangina!
Nag-iinit ang katawan ko!

Author: Gusto ko mag-inom. :)

Pengeng comments and votes :)

😁😁😁

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon