Here I go - scream my lungs up, trying to get to you. You are my only one.
Paul Francisco PoV
"Den baka sumunod nalang kami nila Hans. Tatapusin muna namin ang last subject namin tapos sunod narin agad kami" sabi ni Mark at mabilis tumayo at umalis ng hindi man lang tumingin sakin.
Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Mark pero ayoko ng hayaan pa ang pagkakataon ko para makuha ang sakin. Para makuha ko muli ang taong mahal ko.
Wala ng nagawa si Den dahil pinilit narin siya ni Sheryl. Laking pasasalamat ko nga kay Sheryl eh. Siya kasi ang tumutulong sakin para mabawi ko ulit si Den.
"Sheryl dito ka na samin ni Brille sumabay para naman malibang kami" paanyaya ni Kerby at mabilis kinuha ang kamay ni Sheryl.
"Teka She sabay ta-"
"Maluwag ang sasakyan ko. Sakin ka sasabay" pagputol ko kay Den.
"Pumayag na akong sumama pero ang pagsabay sayo ayo-"
"Rule #1. Kung magrereklamo ka sa kagustuhan ko hahalikan kita" sabi ko dahilan para hindi na niya ituloy ang kanyang sinasabi.
Yung ibang sumama samin ay namasahe at yung iba naman ay may dala ring sasakyan.
Nandito na kami ngayon ni Den sa sasakyan ko. Hindi siya naimik at nakatingin lamang sa labas ng bintana.
Binuksan ko ang mini component ko sasakyan ko at kinonekta ko ang ipad ko.
No: My Only One - YellowCard
"Oh teka! Diba dun na yung Villamar? Lampas na tayo!" Sabi niya nung nalampasan namin yung papasok sa loob ng Villamar.
"Wala pa tayong pagkain. Bibili muna tayo bago tayo babalik diyan" sagot ko sa kanya.
Wala na akong narinig pang salita galing sa kanya. Binalik niya ang pagkakatingin niya sa labas ng bintana.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ngayon ko lang naalala - tag-ulan na pala. Bakit nga ba june palagi ang simula ng tag-ulan? Kakainis!
Pumasok na kami sa loob ng SmBacoor. Lalong lumamig.
Hindi kami sabay na naglalakad ni Den. Ewan ko ba. Pansin ko ay sinasadya niyang dumistansya sakin. Mabaho ba ako? Panget ba ako? Yan ang mga naiisip ko tuloy na dahilan niya. Ayoko kasing isipin na hindi na niya ako mahal. Baka magwala lang ako dito sa loob ng Sm at basagin ko ang lahat ng pabangong nakadisplay sa stall ng prescripto.
"Den" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon. Tama nga ang hinala ko. Nilalamig siya.
Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok kami sa isang boutique. (Hindi pwede i-promote yung signature, baka may gumaya sa damit namin. Hahahaha)
"Try niyo rin po ito sir, bagong design po" sabi samin ng saleslady.
"No thanks. Pero ihanap niyo nga itong kasama ko ng kasya sa kanyang na ganitong design" sabay abot ko sa saleslady ng hawak hawak kong damit.
"Anong color po?" -Saleslady.
"Den anong color?"
Tiningnan lang niya ako at hindi siya sumasagot. Mukhang masama ang pakiramdam ng kasama ko. Nagluluha ang dalawang mata at namumula ang mukha.
"Kahit na an-"
"Yellow po" sagot naman ni Den.
Mabilis na nakakuha ng panibagong damit yung sales lady ay inabot yun agad kay Den.
"Isuot mo na para hindi madumihan yang uniform mo kapag nasa resort na tayo saka ito suot mo narin" sabay abot ko sa kanya ng jacket.
Hindi na nagreklamo si Den. Nagpunta na agad siya sa fitting room. Pumili narin ako ng kasya sakin.
"Miss medium size nga nito" sabay abot ko ulit sa sales lady.
Matapos ibigay sakin ng sales lady ay pumunta narin ako sa fitting room para suotin narin. Ayoko kasing pumunta sa resort ng nakauniform. Sigurado ako may baong mga damit ang mga kaibigan ko.
Pumili narin ako ng jacket at sinuot ko narin iyon. Sana naman ay umayos na ang panahon mamaya para makapag-enjoy kami sa resort.
Binigay ko sa sales lady ang mga bar code price ng mga napili naming bilihin at agad kong binayaran sa cashier.
Pareho na kaming nakajacket ngayon ni Den kaya balewala na samin ang lamig na dulot ng malakas na aircon ng mall. Dumiretso na kami sa supermarket. Namili ng pagkain at ibang mga gagamitin namin sa resort.
"Tulungan na kita" mahinang sabi sakin ni Den habang inaakma ang pagtutulak sa cart.
"Okay lang. Kaya ko na ito. Pumili ka nalang ng mga pagkain na dadalahin natin don" sagot ko sa kanya na pilit kong kinakalma ang sarili ko. May iba kasi akong nararamdaman. Ewan ko ba kung bakit sa mga ganitong pagkakataon ay nakakaramdam ako ng kakaiba kay Den.
"Sure ka wala ka ng ibang gustong bilihin?" Tanong ko sa kanya habang kakasakay palang namin ng sasakyan.
Umiling lang siya at sa labas nanaman nakatingin.
Nagsimula na akong paandarin ang sasakyan. Hindi na naulan. Unti-unti narin umaaliwalas ang panahon.
Ilang sandali lang ay dumating narin kami sa Villamar. Mula dito sa labas ay naririnig ko na ang malakas na pagkanta ni Sheryl sa videoke habang minumura ng minumura ang mga sumama samin.
Sabay na kaming naglalakad ngayon ni Den papasok sa loob. Bitbit ko ang lahat ng pinamili namin. Nung una nga kinukuha ni Den itong isang eco bag na may lamang alak para bitbitin pero syempre ayoko siyang mahirapan - hindi ako pumayag. Ako lahat ang may dala.
"Tangnamo Den! Napakatagal niyong matapos ni Paul! Nakailan!!!?" Malakas na sigaw ni Sheryl gamit ang mikropono dahilan para mapunta saming dalawa ni Den ang atensyon ng mga kasama namin.
"Loko! Kahit kailan talaga She abnormal ka!" Sagot naman ni Den.
Nilapag ko sa mahabang table ang mga bitbit ko.
"Kala ko tinakas mo na si Den eh" kantyaw sakin ni Kerby.
"Malapit na pre" ngiting sagot ko naman sa kanya.
Tinawag na lahat ni Allen ang mga kasama namin para masimulan ng kainin ang mga nakahandang pagkain. Umorder na pala ng pang-lunch si Jerome kaya wala narin problema sa pagkain.
"Bakit ba kayong dalawa eh jacket na jacket? Galing ba kayo sa wowowin?" Puna samin ni Sheryl.
"Hubarin niyo na nga yan. Kainit init eh" gatong naman ni Allen.
Naunang hinubad ni Den ang jacket niya at pinatong iyon sa kabilang table. Sa ibabaw ng bag niya.
"Hubarin mo na yan Paul!" Sigaw ni Sheryl nung hindi ako naakmang huhubarin ang jacket.
Kaya wala na akong nagawa. Hinubad ko na ang suot kong jacket.
Pagkahubad ko ay nagpabalik balik ulit ang tingin samin ng mga kasama ko. Lalo na si Den. Halata sa mukha niya ang pagkahiya dahil sa pagkapula nanaman ng mukha niya.
Suot ni Den ang Tshirt na Batman na kulay Yellow at suot ko naman ang sando na batman din na kulay yellow din.
"Diba compatible parin tayo" sabi ko kay Den sabay kindat.
Author: yan na po yung update... Hahaha. Dami nagmemessage sakin. Binabantaan ako para lang mag-update. Hahahaah!
Mamaya na po uli yung update. Magbabasa muna ako ng mga comments niyo.
Salamat po!
🤗🤗🤗🤗
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb