Tol, talo talo na tayo.

6.2K 250 12
                                    

I keep myself busy with things to do, but everytime I pause - I still think of you.

Mark James PoV

Totoo ba yung narinig ko kay Den?

Hindi pa pwede sa ngayon...
Hindi pa pwede sa ngayon...
Hindi pa pwede sa ngayon...

Paulit-ulit yan nag-e-echo sa isipan ko. Nakakahiya man aminin pero kinikilig ako. Gusto ko sana itanong kanina sa kanya kung kailan pwede pero naiintindihan ko naman ang kalagayan niya. Naiintindihan ko ang damdamin niya.

Alam kong pinipilit niyang maging masaya. Alam ko yun. Dahil hindi maitatanggi ng mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. Malamlam.

Yung sinabi kanina ng kapatid ko. Totoo yun. Pero may usapan kaming huwag sasabihin kay Den dahil hindi pa ako ready na malaman niya. Sabi ko nga sa kapatid ko kahit saang lugar kami magpunta ni Den para lang ikasal ay pupuntahan namin eh. Ganoong kalakas ang tama ko sa kanya.

"Kuya bakit hinuli si Kuya Den?" Tanong ni Chrien.

"Ganun talaga dito. May ganoong games dito. Kumporme sa patakaran ng games kung bakit ka huhulihin. Huwag kayong mag-alala puntahan natin siya pagkatapos niyong ubusin yang mocha java niyo" mahabang paliwanag ko sa kanilang dalawa.

Tama! Isasama ko si Den at si Chrien sa paggala sa tagaytay. Sigurado ako kahit papaano ay malilibang si Den doon. Kahit papaano ay makakatulong iyon sa nararamdaman ni Den.

Sa sitwasyon ni Paul at ni Den ay sigurado akong pareho lang silang nasasaktan. Ayoko naman mag-judge agad sa nagawa ni Paul dahil hindi ko naman alam kung ano ang dahilan niya eh.

Pero sa nangyari iyon ay mas nasaktan si Den.

Haaaay.... Sinayang ni Paul ang pagkakataon para sa isang katulad ni Den. Napakaswerte niya kay Den.

Den promise ko sayo tutulungan kita.

"Kuya!" Sabay na sigaw ng dalawa sakin.

"Oh! Bakit ba kayo nasigaw?"

"Kanina ka pa tulala diyan! Kanina pa ubos ang iniinom namin. Halika na! Puntahan na natin si Kuya Den" -Noah.

Naglakad kami papunta sa likuran. Alam ko kasi dun ang jailbooth.

"Ahh.. Kate magkano piyansa dito? Palalayain ko na kasi si Den" tanong ko kay Kate. Kilala ko siya. Nagkakilala kami sa NSTP. Pinagjoin nalang kasi yung section namin.

"Ah... Yung Psyche Students yun diba? Nakaalis na. Kasabay nung lalaking nakakulong din kanina" sagot ni Kate.

"Okay sige. Salamat"

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakasalubong namin sila Patrick at ibang mga kaibigan ko. Pinakilala ko ang si Chrien sa kanila. Itong kapatid ko kasi kilala na nila.

"Binata na si Noah ah! May girlfriend ka na ba Noah?" Tuksong tanong bi Patrick.

"Wala noh! Saka diko pagpapalit si Ien kahit kanino!" Pabalang na sagot ni Noah sabay talikod kina Patrick.

"Oyy.. Nandiyan na pala kayo. Hinanap ko kayo sa cafeteria eh" biglang singit ni Den.

"Oyy Den! Tara dun tayo sa booth namin" yakag ni Patrick.

"Ayy pasensya na.. May pupuntahan pa kasi kami ni Jaime eh" ngiting tanggi niya.

"Jaime??" Takang tanong ni Patrick.

"Oo. Si Jaime. Yan si Mark James" sabay turo sakin.

Sabay sabay tumingin sakin ang tropa ko at nagtawanan.

"Jaime!!!! Hahahahahaha" -Patrick.

Abnormal kang Patrick ka! Wala kang karapatang tawagin akong Jaime! Si Den lang! Mas masarap sa pandinig kapag si Den ang tumatawag sakin sa pangalang Jaime!

"Lika na Den. Iwan na natin ang mga monggi na yan" inis na sabi ko kay Den.

Nagsimula na ulit kaming maglakad at maglibot sa loob ng school. Naglaro ulit ang dalawang bata pati kaming dalawa ni Den.

Sa totoo lang ayoko na muna sana matapos itong araw na ito. Ang saya kasi. Masaya. Kasama ko si Den at nakikita kong ginagawa niya ang lahat para maging masaya.

Lahat gagawin ko Den para maging masaya ka. Alam ko kahibangan itong mga sinasabi ko pero totoo itong nararamdaman ko.

Ayokong gamitin ang kahinaan mo ngayon dahil sa nararanasan mong sakit pero sana hayaan mo akong tulungan ka. Tulungan kang maibsan yang nararamdaman mo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oyy Mark! Shot tayo pagkatapos natin dito?" Tawag sakin ni Patrick habang nandito kami sa booth.

"Oo ba! Sabihin mo sa tropa" sagot ko sa kanya habang naglalaro ako ng Onepiece sa PSP ko.

Kami ang naka-assign ngayong second day. Kaya hindi kami makalibot ngayong oras na ito. Sayang. Gusto ko pa naman mapanuod yung dance contest sa gym.

"Mark si Den yun diba?" Sabay turo sakin ni Patrick.

Oh shit!

Nakasuot siya ng jogger pants na binabagayan ng kulay yellow na tshirt. May suot na bag at may nakasalpak na earphone sa magkabilang tainga habang hawak hawak ang cellphone niya.

Hindi ko maialis ang pagkakatingin ko sa kanya.

Pakiramdam ko nga ay kumpleto na ang umaga ko kahit hindi ako nakakain kanina dahil sa pagmamadali kong pumasok para makita si Den.

Papunta siya dito.
Pupuntahan niya ba ako?
Shit!

Bakit iba ang dating mo sakin ngayon Den?

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sakin ngayon.

Malapit na siya.

Ayan naaaaaaa!

"Tol talo talo na tayo..." Sabi ni Patrick habang nakatutok ang dalawang kay Den.

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Patrick. Nakatingin lang din ako kay Den habang papunta dito sa lugar namin.

Shit!

Nakita ko na ang gusto ko makasama habangbuhay.

"Jaime?"

Lord Christmas gift mo na sakin si Den. Promise iingatan ko siya. Please....

"Huy Jaime!"

Bigla akong napabalik sa katinuan ko nung tinapik niya ako.

"Oyy Den! Nandiyan ka pala!" Bati ko sa kanya.

"Kanina pa kaya! Tulala ka lang diyan!" Sagot niya sakin.

Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa kanya ngayon.

"Busy ka ba mamaya?" Tanong niya sakin.

"Hindi. Hindi ako busy! Pwede ako!" Mabilis kong sagot sa kanya.

"Oyy! Diba may usapan tayo mamaya Mark? Sabi shot tayo sanyo?" Singit ni Patrick.

Tanginang tong si Patrick pasira ng moment! Buset!

"Sunduin mo ako mamaya Jaime. Sama ako" ngiting sabi niya bago tuluyang lumampas sa booth namin.

"Tol!!! Tangina! Lalasingin ko si Den mamaya!" -Patrick.

"Tangnamo! Huwag kang malibog Patrick! Hands off kay Den! Akin siya!"

Author: medyo laseng nako. Penge kateks.

:)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon