Tell me how am I supposed to live without you.
Chriden PoV
Eto nanaman ako.
Paikot ikot nanaman ako sa higaan ko. Di nanaman ako pinapatulog ni Francisco. Nakatambay kasi sa isipan ko eh.Alam kong mali na itong nangyayari pero ang sarap sa pakiramdam.
How can it be so wrong when it feels so right.
Napa-post tuloy ako sa fb.
Naalala ko yung sinabi sakin ni Sheryl na - kung saan ka masaya yun ang piliin mo, kahit na may masaktan kang tao kasi kanya kanya naman tayo sa pagpili ng happiness natin. Ang mahalaga ginagawa mo yung bagay na makakapagbigay sayo ng kasiyahan - wala kasing ibang gagawa niyan kundi ikaw mismo. Yan ang sinabi sakin ni Sheryl.Kahit alam kong mali - eto ginagawa ko. Masaya kasi ako. Namiss ko ng sobra si Francisco. Pwede naman sigurong kahit panandalian lang ay bigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko habang nandiyan pa siya - habang hindi pa siya bumabalik sa tunay na nagmamay-ari sa kanya.
Nung naglapat ang mga labi namin - shiiiiiit! Kalampag ang puso ko nun. Di ko lang pinahalata, syempre kahit naman papaano kailangan kong pigilan ang pagkakilig ko.
Kung mahal - oo, mahal na mahal ko pa talaga si Francisco. Syempre, di naman pwede na bumalik kami sa dati.
Alam ko naman na bumabawi lang siya dahil hindi niya sinasadyang nasaktan at iniwanan niya ako. Alam ko yun. Napatawad ko na siya. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad - ako pa kaya. Tao pa kaya. Kahit naman papaano ay may mabuting kalooban ako.
Ano nga kaya kami ni Francisco ngayon kung sakaling hindi siya nakapag-asawa?
Mas masaya kaya kami?
Kami pa kaya?
Siguro kung sakali ay araw araw niya parin akong sinusundo at hinahatid sa school. Sabay kakain ng lunch at dinner at nasimba tuwing sunday.
Ang saya noh?
Kaso, hindi naman nangyari eh.
Sadya talagang may mga bagay na pinagtagpo pero hindi itinadhana.Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko na hindi na muli kami babalik sa dati ni Francisco. Kahit masakit - pinilit ko. Sabi ko nga, we don't have the power to ease the pain - but we do have the ability to get used of it. Oh nosebleed ako diyan! (paano nga ba magmove-on? Complete version. Pakihanap nalang po sa works ko)
Alam ko rin na anumang oras ay bigla nanaman mawawala si Francisco. At dahil dun syempre sinusulit ko.
Humiling nga ako kay God, sabi ko. Lord, sana makasama ko ulit si Francisco, magawa ulit namin yung dati. Kahit ilang araw lang, kahit sandali lang. Promise pagkatapos nun wala na akong ibang hihilingin pa tungkol samin. Gusto ko lang kasi maiparamdam din sa kanya yung pagmamahal ko bago ko tuluyang isarado ang puso ko.
Ang hard ko noh?
Ayoko na kasi magmahal ng iba. Isasarado ko yung puso ko para hindi na makalabas pa si Francisco dito. Okay lang yun. One-sided love.
Sa ngayon, enjoy muna habang nandiyan pa siya.
Takte! 3am na! 6am pa ako gigising!.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh san ka humada kagabi?" Malakas na tanonh sakin ni Sheryl habang papalapit dito sa cafeteria. Late siya! Hahaha."Bunganga mo! Kakahiya ka!" Bulyaw ko sa kanya.
"Bakit ako mahihiya? Sa mukhang yan mahihiya ka?" Sabay turo niya sa mga nakain sa cafeteria.
Wala talagang kahihiyan itong babaeng ito. Mabilis siyang naupo at inilabas ang sandamakmak na bondpaper.
"Putanginang thesis yan! Kahirap hirap! Di naman kailangan yan sa pag-aasawa!" Galit niyang dabog sa mga papel.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb