Anong favorite mong kanta?

6.8K 237 11
                                    

Crazy World.

Mark James PoV

Wanna Join?
Tara! Shot tayo!
Sender: McDo

Totoo ba ito?
Niyayakag niya ako?

Talaga yatang pinagtatagpo kami ng tadhana ah. Napagpasyahan ko kasing magpunta dito sa isang bar. Boring kasi sa bahay.

Nagulat nga ako nung nakita ko siya sa stage at kumakanta.

Hindi ko na siya niteplayan at tumayo na ako mula sa inuupuan ko.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya.

Bakit ganito?
Bakit parang naririnig ko ang pagtambol ng puso ko?
Ramdam ko rin ang pagpintig nito sa dibdib ko.

"Hi!" Bati ko sa kanya.
"Hi! Nandito ka rin? Palagi nalang nagkakataon na nagkikita tayo ah!" Nakangiting bati niya sakin.

Ayy! Oo nga pala. Hindi pa pala niya alam na ako yung nakakatext niya palagi.

Tama. Aamin na ako. Wala naman sigurong masama kung magsabi ng totoo diba?

"Pwedeng umupo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Actually may nitext din ako eh. Pero mukhang malabong magpunta yun. May pasok kasi bukas kaya tayo nalang ang mag-inom" mahabang kwento niya sakin.

"Don't worry. My treat. Medyo malaki kasi ang parte ko ngayon kasi till 4am kami dito" nakangiting dugtong niya. Pero bakas sa mata niya na kagagaling lang niya sa pag-iyak.

"No... My treat." Sabi ko sa kanya.
"Ooooops! Wag na kumontra" dugtong ko sa kanya.

Tinawag ko ang waiter at umorder ako ng one pitcher sex on the beach cocktail, fries and nachos.

"Hala! Ang dami! Piknik ba gusto mo?" Ani ni Den na patawa tawa. Nginitian ko lang siya at pinagpatuloy kong inumin ang boteng nasa harapan ko.

Takte! Hindi ako makabwelo. Hindi ko masabi sa kanya na ako si Mark James na nakakatext niya. Baka kasi bigla siyang magalit eh. Baka sabihin niya na ang tagal tagal na pala namin nagkikita tapos hindi ko sinasabi sa kanya.

Kailangan makabwelo na ako. Kailangan makainom ako ng medyo malalasing ako at dahil din lalakas ang loob ko. (para-paraan lang yan!)

"Bakit nga pala andito ka?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung bakit.

"Ahh.. Member ako ng banda. Kaya eto tuwing gabi may mga pinupuntahan kaming bar para mag-live." Sagot niya.

"Diba may pasok kinabukasan? Edi lahi kang puyat?" Dugtong na tanong ko sa kanya.

Napansin kong medyo nag-iba ang pustura ng mukha niya nung marinig niya yung tanong ko.

"Kahit naman na wala ako dito sa banda - palagi parin akong puyat." Galing sa malungkot niyang boses.

Teka? Bakit parang may laman ang sagot niya? Mukhang may pinagdadaanan ang taong mahal ko ah!

"Here's your order sir" sabi nung waiter sabay lapag ng mga order namin.

Sinalinan ko sa baso si Den ng alak at ganun ang ginawa ko sa baso ko.

"Thanks" tipid na sabi niya.

Hinayaan ko na muna siyang tumahimik. Nakatingin lang siya sa kasamahan niyang nakanta sa stage.

Napabalik tingin ako nung nakita kong umilaw ang cellphone niya.

Nakita yung wallpaper ng cellphone niya na naging dahilan ng pakiramdam ko na parang dinudurog ang puso ko.

Mukhang may boyfriend na siya. Hindi ko man lubos na nakita yung wallpaper niya ay ramdam ko na masaya ang picture na iyon.

Sino kaya ang napakaswerteng lalaki na iyon?
Ano kaya ang nagustuhan ni Den sa kanya?
Ano kaya ang itsura niya?

Hindi namin namalayan na naubos na namin ang laman n pitsel kaya nagpasya pa akong umorder ng isa pa. Tinanong ko si Den sinabi naman niyang kaya niya pa. Pero mukhang may tama narin siya ng alak. Halata kasi sa mukha niya. Namumula na siya.

Nagpatuloy kami sa pag-inom. Di ko na nga masyado napapasin ang oras eh. 1:30am na pala. May pasok pa kami bukas.

"Ano favorite mong kanta?" Biglang tanong niya sakin.

"You were there" mabilis kong sagot sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa mini stage ng bar. Biniga naman sa kanya yung mic at nakita ko siyang bumulong sa may hawak ng organ.

Nagsimula na siyang kumanta.
Hindi ko alam pero parang dinadala ako kung saan ng boses niya.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.

Napansin ko rin na nakatingin sa kanya ang ibang mga nandito sa bar katulad kanina habang kumakanta siya.

Ano nga bang meron ka Den?
Bakit ang lakas ng tama ko sayo?

Hindi ko na namalayan na natapos na ang kanya at nasa tabi ko na pala siya.

"Para sayo yun." Nakangiti niyang sabi sakin.

Oh shit! That smile! Whaaaaah!
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi dahil sa alak kundi dahil sa pagkakatitig niya sakin.

"Thanks." Tanging nasabi ko sa kanya.

Nagpatuloy muli kami sa pag-inom. Pero sa pagkakataon na ito ay nagkukwentuhan na kami. Ang dami nga niyang kwento eh.

Nakwento niya si Sheryl na palagi niyang kasama. Si Kenneth na kaibigan niya. (Ayoko sana pag-usapan si Kenneth pero syempre wala ako magagawa)

Nabanggit din niya na magkakaroon ng fieldtrip ang kapatid niya. Nasabi nga rin niya sakin kung bakit niya rin naisipan bumalik sa banda eh.

Kung pwede nga lang sana ako mag-offer sa kanya ng tulong. Napakahirap para sa kanya ang ginagawa niya.

Uuwe siya ng mga 2 o 4am ng umaga tapos may pasok ng 7am. Grabe diba? Ang hirap nun! Baka magkasakit pa siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito ngayon kami sa labas ng bar. 3am na. Wala na ako pakialam kung may pasok bukas basta kasama ko si Den.

Nakatayo kami ngayon at nakatingin lang siya sa mga bituin.

"Ang hirap din pala kapag malayo ka sa taong mahal mo noh?" Basag niya sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

Hindi ako nagsasalita. Inaantay ko lamang ang bawat sasabihin niya.

"Nung una palagi kaming magkausap, magkatext, maya't maya yun. Kahit nga may pasok ako kinabukasan ay kahit abutin ako ng umaga sa kakaintay ng tawag niya ay okay lang sakin. Basta makausap ko lang at malaman kong okay siya...." Mahabang kwento niya.

"Alam ko naman na busy siya. May trabaho siya... Marami siyang responsibilidad..." Pagpapatuloy niya. Halata narin sa boses niya ang pagpipigil ng pag-iyak.

"Hindi ko na kasi alam kung okay siya eh...kung okay kami...ang hirap..." Pagkatapos nun ay bumuhos na ang mga luha niya.

Wala akong masabi sa kanya. Wala akong maikomento.

"Sa tuwing tatawag ako sa kanya puro answering machine ang sumasagot! Tangina naman oh! Ano gusto niyang sabihin ko sa answering machine!? Kamustahin ko? Sabihan ko ng iloveyou?" Panandalian siyang tumigil para magpunas ng mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata niya.

"Tangina. Miss na kita Francisco...."

Author: makapag-inom magisa. 😭

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon