I miss your love - since you've been gone.
Chriden PoV
Kahit antok na antok na ako ay hindi parin ako natutulog. Baka kasi tumawag si Francisco.
Hindi ko na nga namalayan na inabot na ako ng madaling araw sa kakaantay sa tawag niya. Malalim na ang pagitan ng dalawang mata ko.
"Kuya! Tara dun tayo!" Turo ni Chrien sakin.
Nasa fieldtrip kami ngayon. Buti nalang nakagawa at nakaisip ako ng paraan para makasama si Chrien dito. Ayoko naman kasing hindi maranasan ng kapatid ko ang mga ganitong activity sa school nila.
"Pambata yan bunso. Kayong dalawa nalang ni Noah" nakangiti kong sagot sa kanta. Tinuturo kasi niya yung mini-periswheel na hugis itlog.
Nandito kami ngayon sa storyland.
Dito kasi ang huling destinasyon ng fieldtrip nila Chrien."Tayong dalawa namang Ien. Hayaan mo muna yang dalawang kuya natin" mabilis na singit ni Noah at kaagad hinila ang kamay ni Chrien.
Mga bata talaga.
"Den tara upo muna tayo dun" sabay turo ni MJ sa gilid.
Naupo kami dun habang pinagmamasdan namin ang patuloy na pag-ikot ng periswheel.
"Den..."
"Bakit?" Sagot ko sa pagtawag ni Mj.
"May gusto kasi akong sabihin sayo eh..." Medyo naiilang niyang dugtong.
"Ano yun?" -Ako
"Yung nagtetext kasi sayo saka -"
Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Mj nung biglang tumunog ang cellphone ko. At nung makita kong pangalan ni Francisco at mabilis ko itong sinagot.
"Hello...."
"Musta na Nei?"Oh shit! Ang tagal kong inantay ang tawag na ito.
"Okay lang Nei. Ikaw musta ka na? Okay ka lang ba diyan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Okay naman. Huwag ka na mag-alala sakin. Ingatan mo palagi ang sarili mo ha..." Malumanay niyang sabi sakin.
Bakit ganito nalang ang pakiramdam ko?
Bakit parang hindi okay ang pag-uusap naming dalawa?
"Ahh...Nei oka-"
"Sige na. Marami pa akong gagawing reports. Ingat ka palagi"
"Ilov-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin kong nung narinig kong hang up na yung linya ng cellphone.
Siguro nga ay maraming ginagawa si Francisco. Halata naman sa boses niya ang sobrang pagkapagod. Dapat hayaan ko na muna siya makapagpahinga para makapagfocus sa trabaho niya. Para sa kanya naman yun at para rin sa mama at papa niya.
"Hey! Okay ka lang?" Biglang bumalik ako sa katinuan nung narinig ko iyon sa taong kaharap ko.
"Ayy.. Sensya. Space out." Pilit ngiti kong sagot sa kanya.
"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" Dugtong ko. Para naman hindi niya mahalatang medyo bagabag ako.
"Ahh.. Wala! Tara na! Ayun na mga bata" sabay tayo niya at mabilis na lumapit sa mga bata.
"Ien tara kain muna tayo" yaya ni Noah habang hawak ang kamay ng kapatid ko.
Mukhang matalik na magkaibigan itong dalawang ito ah. Masaya ako at mukhang lumaking maganda ang ugali ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)
RomanceMagandang Araw! :) Eto na po ang Book 2! :) Muli po nating subaybayan ang simpleng istorya na magbibigay sa inyo ng kilig. Ang istorya ni Den at ni Francisco. Maraming Salamat po! -BubeiYebeb