Tangina! Paano ko babalikan!? Ako ang iniwanan!

6.6K 240 18
                                    

"Kuyashinamida kora e ta dake"

Leonard Cruz PoV

Ewan ko ba kay Author kung bakit napasali ako dito sa Chapter na ito. Ang alam ko kasi dun ako sa isang story. Ang tagal nga i-update ni Author yung Book 3 namin eh. Haaaay...

Ganadong ganado ako ngayon sa pagpe-perform at pagkanta dito sa stage. Nandito din kasi si Cheekbone eh. Akala ko nga hindi siya manunuod kasi busy siya sa thesis at akala ko rin nakalimutan na niya na anniversary namin.

Ako pala ang nasorpresa sa ginawa niya. Hindi ko na ikukwento dito yung ginawa niya. Iba naman kasi ang ganap ko dito. Abangan niyo nalang yung Book 3 namin ni Cheekbone.

"Si Deeeeeeen!" Narinig kong napakalakas na sigaw na nagmumula sa malapit sa stage.

Gusto kasi namin mawili ang mga nanunuod kaya naghahanap kami kung sino ang pwede namin makasama sa pagkanta.

Para maipahinga rin namin kahit papaano ang boses namin.

"Dahan dahan nga! Baka madulas ako!" Narinig ko sa dalawang taong nasa hagdanan.

Siya pala yung tinutukoy kanina nung mga taong sumisigaw sa parteng unahan. Napakasimple lang niya.

"Ahh... Chriden Miguel Juco" sagot niya sa tanong namin.

Napatingin ako kay Vincent at ganoon din siya.

Small world talaga.

Hindi ko inaasahan na itong tao palang ito ang taong palaging kinukwento sakin ng pinsan ko, ni Paul.

"Sinong mga kasama mo dito?" Ngiting tanong ni Marcus sa kanya.

"Ahh.. Kasama ko po mga kaibigan ko" plain tone na sagot niya.

Hindi ko mabasa ang ugali niya. Hindi ko alam kung nahihiya siya o kinakabahan. Pero isang bagay lang ang nakakaagaw ng pansin sa kanya. Ang malamlam niyang mata.

"Okay.. So Den sino ang gusto mong maka-duet saming tatlo?" Dugtong ni Marcus.

Wala kasi akong maitanong sa kanya. Pilit kong inoobserbahan ang bawat galaw at pagsasalita niya. Bakas kasi sa mga mata niya na may tinatago siya.

"Si Vincent po..." Tipid niyang sagot.

"Ladies and Gentleman, Den and Vincent" malakas na sigaw ni Marcus dahilan para magpalakpakan ang mga tao.

Nagsimula na ang intro ng kanta. Iniwan namin ang dalawa sa gitna ng stage at nandito ngayon kami sa gilid. Nakaupo.

Your're the one that never lets me sleep
To my mind, down my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstacy

Panimula ni Vincent sa pagkanta na naging dahilan ng malalakas na palakpakan at hiyawan.

I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, the morning shines
And I can see...

Natigilan akong bigla.
Siya ba talaga ang nakanta?
Halata sa mga taong nandito ang biglang pagkagulat nung narinig kumanta si Den. Wala akong naririnig na nasigaw o napalakpak. Lahat ay nakatuon lamang sa dalawang taong nakanta sa gitna.

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside...
Your love is like a river
That flows down through my veins
I feel the chill inside...

Napansin ko rin si Vincent na nagulat sa kanyang naririnig mula sa tanong kasama niyang kumanta. Nakita ko kasing nakatingin lang siya kay Den habang kumakanta ito.

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon