The will of the wind

7.2K 254 16
                                    

All of me.

Mark James PoV

Almost two weeks narin kaming magkatext ni Den pero hindi parin kami nagkikita ng personal. I mean, siya nakikita ko na pero ako hindi niya alam na nakikita niya natin. Astig noh?

Hindi ko pa kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkita na kami o kung paano ako aamin sa kanya.

Lakas talaga ng tama ko sa taong yun.

Unang beses nangyari ito sakin. At sa katulad pa niya.

Araw araw akong nagpapadala ng pizza sa kanya at minsan may kasama pa iyong bulaklak. Baduy ko noh? Pero wala. Walang magagawa sa taong inlove.

"Oh pangiti-ngiti ka nanaman diyan Kuya!" Puna sakin ni Noah. Nakababatang kapatid ko.

Bigla siyang may inabot sakin na box.

"Happy Birthday Kuya!" Malakas na bati niya sakin.

"Thank you Noah. Ang sweet talaga ng kapatid ko" pasalamat ko sa kanya sabay halik ko sa pisngi niya.

Tama. Birthday ko ngayon at nagkataong sabado. Walang pasok. Sigurado akong marami akong bisita mamaya. Hindi naman kasi paiiwan pagdating sa alak ang mga kaibigan ko.

Hi! Happy Birthday Mark James. More Birthdays to come, stay healthy. Happy Birthday!
Sender: McDo

Kumpleto na araw kooooo! Binati na ako ng taong mahal ko! Ayiiiiieeee!

Nabanggit ko kasi sa kanya na Birthday ko ngayon. Humingi pa nga ng pasensya kasi wala daw siya mabibigay na gift kasi medyo may financial problem sila.

Hindi naman importante yung gift eh. Ang importante ay siya. Hindi niya nakalimutan ang birthday ko. Ang saya ko na!

Thank you Den! Sayang wala ka dito. 😞 mas makukumpleto sana ang araw ko kung makakasama kita. -Ako

Sensya na po. May raket din kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko eh. Promise kapag medyo malaki ang kita namin, promise may gift ako sayo! 😊  -Siya.

Nawala ang konting lungkot na nararamdaman ko nung nabasa ko yun mula sa kanya
Ang sipag naman ng taong ito. May raket daw sila? Raket!?

Kung pwede nga lang kitang tulungan Den ay gagawin ko, kahit ano.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Happy Birthday tol!" Bati ng mga kaibigan ko kasama ang iba pa naming schoolmates.

Ang dami ko ngang bisita.

Dito sa garden namin sinet up ang ilang mga tables and chairs. May kaunting pagkain na cater ang nag-aasikaso at syempre ang pinakaimportante. Alak. Alaman na un! Di mawawala sa birthday ng isang lalake yun.

Napansin kong may mga instrumentong nakaset up sa mini stage.

CnY Band

Yun siguro ang sinasabi ni Patrick. Sana naman ay maganda ang boses ng kakanta diyan. Baka mas maganda pa boses ko diyan eh! Saka sigurado ako mas pogi pa ako sa kakanta.

Nagsimula na ang inuman. Kanya kanyang bati rin sila sakin ng Happy Birthday.

"Shot muna pre" tawag sakin ni Hans.
Umupo na ako at nakipagkwentuhan na ako sa kanila.

Nagsimula narin tumugtog ang bandang CnY.

Sabi ko na nga ba eh. Mas pogi pa ako sa kakanta. Kalimitan naman kasi sa vocalist ng banda ngayon ay lalake.

Nagsimula na siyang kumanta.
Sweet child of mine
Wow ah! Ganda ng boses. Rakista! Hahaha!

Nagpatuloy kami sa pag-iinom habang patuloy rin sa pagkanta ang bokalista. Karamihan sa mga kinakanta niya ay RnB. Yun nga siguro ang porto niya. Kunanta niya kasi yung ignition at burn ni Usher. Ang ganda ng pagkakakanta.

8pm.

Patuloy parin kami sa pagsasaya. Wala naman pasok bukas kaya ayos lang kahit magpuyat kami. Pumayag naman si Mama eh.

"Good Evening guys. Kung may live songs request po kayo, lapit lang po kayo dito o kaya pasabi niyo nalang po sa waiter. Enjoy the night! Thanks!" Narinig kong sabi nung bokalista.

Nakanta rin pala siya ng love song. Astig ah! Versatile ang boses.

"Oh binatang binata ka na Mark wala ka paring girlfriend!" Sabi ni Zyrill sabay tawa ng malakas.

"Naku! Ewan ko ba dito sa kaibigan nating ito! Di malaman kung ano gusto!" Dagdag naman ni Jacob na patuloy sa pagkain ng fries.

"Tigilan niyo nga ako! Hahaha! Darating din tayo diyan. Di dapat minamadali yan" sagot ko naman sa kanila dahilan para lalong magtawanan sila.

I spent half my life
Looking for the reasons things must change
And half my life trying to make them stay the same
But love would fade like summer into fall
All that I could see was a mystery
It made no sense at all

Sabay sabay kaming napatigil sa kwentuhan ng mga kaibigan ko nung marinig namin yung boses ng nakanta. Wala ni isa man sa amin ang nahsasalita.

The will of the wind, you feel it and then
It will pass you blowing steady
It comes and it goes, and God only knows
You must keep your sails on ready
So when it begins, get all that you can
You must befriend, the will of the wind

Dahan dahan kong nilingon ang taong nakanta. Dahan dahan ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Pre tangina! Ang ganda ng boses!" -Hans.

"Tol okay lang kahit bakla yan... Mahal ko na yan..." Singit naman ni Jacob.

"Teka..parang kilala ko yan ah..." -Patrick.

"Sino siya Pat!" Mabilis na tanong ni Jacob.

Ako? Napatulala lang sa taong nakanta. Feel na feel ko ang kanta o ang bawat lyrics ng kanta. Nakatuon din ang atensyon ng iba kong bisita sa kanya.

"Si Den yan! Hindi ako pwedeng magkamali! Schoolmates natin yan!" Malakas na sabi ni Patrick.

I spent so many hours
Thinking about the way things might have been
And so many hours trying to bring the good times back again
And so it goes for lonely hearted fool
They let their days slip away
Until they give into...

Lord! Ang ganda ng pa-birthday mo sakin! Thank you thank you talaga. Promise lalakihan ko ang bayad sa pag-arkila sa bandang ito.

Natapos ang kanta na nakatanga lang ako sa kanya. Hindi ko talaga inaalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam. Sana hindi na matapos itong gabing ito.

"Happy Birthday to the celebrant! Enjoy the night. Yung may mga request po - lapit lang po kayo sakin" malambing na pagkakasabi niya sa mikropono.

"Tol magrequest ka ng kanta! Pagkakataon mo na!" Giit sakin ni Patrick.

"Anong pagkakataon mo na?" -Jacob.

"Tumigil ka nga Jacob sa katangahan mo!" -Hans.

Teka! Ano nga ba irerequest ko? Ano nga ba ang magandang love song?

Ahh tama! Alam ko na!

Author: takte! Ang lakas ng ulan dito samin! :( ang lameeeeeeeg!

Tara shot! :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon