Den...

5.9K 272 49
                                    

Runaway.

Paul Francisco PoV

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino Internatiol Airport (Philippines). Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you" mahabang litanya ng piloto ng sinasakyan naming eroplano.

Sa totoo lang magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayong mga sandaling ito.

Saya kasi may posibilidad na makita ko na ulit ang taong pinakamamahal ko. Si Den.

Kaba at takot dahil alam kong hindi magiging maganda ang pagkikita namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Sigurado ako magagalit siya. Alam ko na kahit na anong paliwanag ang sabihin ko sa kanya ay hindi niya ako mapapatawad.

Pero tama si Jerome.
Kailangan kong tapusin ang paghihirap na binibigay ko sa isang tao.

Hindi pa sana ako handa sa ngayon pero ito na yung pagkakataon ko.

"Ladies and gentlemen, welcome to Philippines, local time is 8'oclock in the evening." Sabi nanaman ng piloto.

Ang totoong dahilan kaya kami bumalik dito sa Pilipinas ay dahil sa concert ng pinsan ko. Si Leonard. Naging successful daw kasi yung last concert kaya merong repeat concert. Madami daw kasing nag-request.

Nung una ayoko talaga pumunta pero nung nagkausap kami ni Jerome nung nagpunta siya sa campany namin sa Japan ay may parang tumulak sa isipan ko na kailangan kong makausap si Den. Kailangan mapaintindi ko sa kanya ang nangyayari o nangyari. Kailangan mapaintindi ko sa kanya na huwag niya akong iwan. Kailangan niyang malaman na siya ang mahal ko - wala ng iba.

"Hey Paul are you okay?" Sabay tapik sakin ni Roxanne habang naglalakad na kami palabas ng airport.

Sinabihan ko kasi si Roxanne na huwag niya na akong tawaging Babe. Pinaliwanag ko sa kanyang hindi na kami bata para gumamit pa ng mga call sign. Sinabi ko yun sa paraang mahinahon. Ayoko naman mamis-interpret niya.

Hindi ko na sinagot ang tanong niyang yun. Habang naglalakad kami palabas ay nakakuyabit ang kanang kamay nito sa braso ko.

Nagpasya akong sa bahay nalang kami tumigil. Wala akong gana mag-check in sa hotel at isa pa namimiss ko na ang mga kapatid ko.

Wala nanaman sigurong magiging problema sa bahay dahil antis palang ay alam na nila. Nakiusap lang ako sa kanila na huwag na huwag ipapaalam kahit kanino.

Halos sigawan nga ako ni Luis nung nalaman niya. Galit na galit siya. Kulang nalang ay murahin niya ako habang kausap ko siya sa facetime.

"Manang paki-akyat nalang yung mga gamit sa taas" bilin ko kay manang na sumalubong samin sa pintuan.

Sinalubong kami ni Mama at Daddy kasama si Justine Franz. Si Ate Taniya? Wala. Nasa Dubai. Madalang naman talagang tumigil dito yun eh. Once in a blue moon.

"Kumain na ba kayo?" Tanong agad samin ni Mama habang sinasabayan kami sa paglakad papasok.

Agad nahagip ng mata ko si Luis.
Nakatutok lang ang mga mata niya sa nilalarong Play station. Hindi niya ako nililingon at pinapansin.

"Ilang months na ba ang tiyan mo Roxanne?" Muling tanong ni Mama.

"Six na po" nahihiyang sagot ng babaeng kasama ko.

Si Roxanne?
Mabait naman siya.
Mahiyain.
Walang kakikitaan ng masamang ugali.

Kaya bukod sa batang dinadala niya ay isa narin yun sa dahilan kung bakit hindi ko siya maiwan.

Matapos ang kwentuhan namin nila Mama ay nagpasya ng magpahinga si Roxanne. Napagod siguro sa mahabang biyahe namin.

Ako naman ay nagpaiwan muna dito sa terace. Papahangin. Parang hindi pa kasi ako pagod.

Nagpunta ako sa kusina at binuksan ko ang ref. At sa kamalasan ko ay wala ni kahit na anong lamang alak ang ref namin.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at kaagad kong tinungo ang parking lot namin. Mabilis akong sumakay at pinaandar ko na ang sasakyan ko.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na ang daang tinatahak ko pala ay ang daan papunta sa bahay ng taong mahal ko. Namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng parke na malapit sa simbahan.

Ang tagal narin simula nung huling magpunta ako dito.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng 7/11.

Pilit pumapasok sa isipan ko na puntahan ko si Den sa bahay nila. Gusto ko na kasi siya makitang muli. Gusto ko na ulit siyang mayakap.
Gusto ko na ulit marinig ang boses niya.

Lahat gusto ko.
Lahat gusto ko sa kanya.

Naisip ko nga kung pwede ko nga lang sana irewind ang mga nangyari ay hindi na ako tutuloy sa pagpunta sa Japan. Dapat dito nalang ako. Dito kasama niya.

Pero wala na. Nangyari na.
Ang tanging magagawa ko nalang ay ang ipaliwanag kay Den ang lahat. Ipaliwanag sa paraan na maiintindihan niya - kahit alam kong imposible.

Mabilis na agad akong bumaba ng sasakyan matapos kong isipin ang mga bagay na iyon.

Pumasok ako sa loob at dahan dahan naglakad papunta sa lugar ng mga vodka at iba pang uri ng alak.

Bigla akong napatigil sa paghakbang ng mapatitig ako sa unahan ko.

Pakiramdam ko ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundong ginagalawan ko.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko hanggang sa sunod sunod na ang dagundong nito.

Napako ang mga paa ko at ang dalawang mata ko sa taong nasa harapan ko.

Kapwa kami nakatingin sa bawat isa.

Pareho kaming hindi nahakbang palapit sa isa't isa.

Yung taong nasa likod niya ay bakas sa mukha ang pagtataka sa pareho naming pagkabigla.

Wala na akong inaksaya pang sandali. Mabilis ko siyang nilapitan.

Niyapos ko siya.

Yakap-yakap ko siya.

Den....

Author: 😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Gusto ko mag-inooooooom!
Redhorse!!!! 🍺🍺🍺🍺🍺

Pengeng comments and votes... 😞

🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻🍻

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon